Mabilis lumipas ang mga araw, oras na para lisanin ko ang lugar na 'yon. Parang kahapon lang nang dumating ako don at ngayon ay aalis na ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng isla, mami-miss ko talaga ang lugar na ito.
"Ingat ka sa biyahe." sabi ni Jillian sa 'kin. At ningitian niya 'ko. Ang ngiting sa TV ko na lang ulit makikita.
Tumango lang ako at ngumiti.
Shems! Mami-miss ko ang taong 'to! Pwede ko ba siyang iuwi?
Mananatili pa raw ng ilang araw doon si Jillian. Kaya mag-isa lang akong ba-biyahe.
"Oo nga pala may ibibigay pala ako sa 'yo." sabi ko sabay halughog ng bag ko at hinanap ang maliit kong photo album. Hinanap ko ang nag-iisang picture naming dalawa. At kumuha ako ng ballpen, sa likod ng litratong 'yon isinulat ko ang cellphone number ko.
"Tawagan mo 'ko kapag kailangan mo ng kausap, kasama, o kaya kung kailangan mo ng tulong. Tawagan mo lang ako para naman makabawi ako sa pagtulong mo sa 'kin dito."
Tinanggap niya ang binigay kong litrato, nang tingnan niya ang litrato namin napangiti siya.
"Sure." maikling sagot niya.
"Sige alis na 'ko" at tuluyan na 'kong sumakay ng taxi.
Bakit ganito?
Parang may kumurot sa puso ko. Parang gusto kong umiyak.
~•~
Lumipas pa ang mga araw nagpatuloy na ang aking buhay. Hindi na ko nagkukulong sa kwarto. Sa katunayan nga naghanap-hanap na ulit ako ng trabaho mapa-online man o outdoors. Kaya lang sa dami ng in-apply-an ko ay wala pang tumatawag sa 'kin. Pero ika nga 'Patience is a Virtue', antay-antay lang.
Naiinip ako sa bahay kaya nagbukas ako ng TV para malibang. First time kong ginawa 'yon, dati kase hindi ako makanood ng TV dahil lagi akong pagod sa trabaho.
Habang nanonood ako ng TV biglang lumitaw ang tv commercial ni Jillian ng isang brand ng kape. Napangiti na lang ako ng maalala ko 'yong tungkol sa tinimpla niyang kape sa akin noon.
Speaking of Jillian. Kumusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Kung sakaling magkita kami ulit papansinin niya kaya ako? At saka, Bakit hindi man lang siya nagte-text para mangamusta? Ayaw niya ba ako maging kaibigan?
Sa bagay ano namang panama ko sa mga naggagandahang co-star niya? Siguradong marami na rin siyang kaibigan na celebrity at hindi na niya ako kailangan pa.
~•~
Hatinggabi. Sa kalagitnaan ng masarap 'kong tulog biglang tumunog ang cellphone ko. Gabi na, Sino kaya ito?
Pagtingin ko sa screen ng cellphone, number lang ang naka-rehistro. Kinansel ko ang tawag baka kase mamaya nangtri-trip lang at saka hindi ko naman siya kilala.
Pero nag-ring ulit ang cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon at sinagot ko na ang tawag.
"Hello?"
"Lian? Ikaw ba 'yan?" tanong ng lalaki na sa kabilang linya.
"Oo. Sino ba 'to?" nakapikit pa rin ang mata ko dahil sa antok.
"Lian, this is Jillian."
Tama ba ang pagkarinig ko? Kausap ko si Jillian over the phone.
"Jillian???" biglang nagising ang diwa ko.
"Yes! This is me!"
"Oh my god---- long time no hear!" tuwang-tuwa kong bati sa kaniya.
"Yeah. But Lian, I need your help."
"Sure!" mabilis 'kong sagot.
~•~
Nasa harap ako ngayon nang isang malaking bahay sa isang Executive Village. Napakamodern ng design ng bahay, up and down pa ito. Kaya napatingala talaga ako sa taas ng bahay na 'yon.
Bigat na bigat ako ngayon sa mga pinamili ko sa isang convenience store. Gatas, feeding bottle, diaper, wipes, basta gamit para sa isang new born baby. Kahit ako nagtataka kung bakit pinabili sa akin 'yon ni Jillian in the middle of the night!
At ngayon nandito ako sa labas ng bahay niya naghihintay ng pagbukas niya ng gate. Nag-miss call ako sa kaniya para lang mag-ring ang cellphone niya. Baka kase nakatulog na siya kakaantay sa pagdating ko.
~•~
"Thank you, Lian. Here is my payment. Sinobrahan ko na 'yan." sabay abot ng pera sa akin bayad sa mga pinamili ko.
Andito kami ngayon sa isang kwarto. Napasulyap ako sa may kama dahil may sanggol doon na mahimbing na mahimbing ang tulog. Lumapit ako at pinagmasdan ang sanggol.
Para siyang anghel na natutulog. Maputi ang balat nito, malalago ang buhok, at halatang matangkad ito kapag lumaki na dahil mahahaba ang kaniyang biyas. At sa tingin ko babae ang kasarian nito dahil pink ang kulay ng mga iilang gamit nito.
Pero sino ang batang 'yan?
Anak ba niya?
Sino ang Ina?
"A-anak mo?" nauutal kong tanong.
"I don't know yet. Pero sabi sa sulat na 'to anak ko ang bata." may pinakita siyang sobre sa akin.
Pinabasa niya sa akin ang sulat. At nakasaad doon na anak ni Jillian ang bata sa isang babaeng naka-one night stand niya. May nobyo daw ang babae.
Takot siyang iwanan ng nobyo nya sa oras na malaman nito na nabuntis siya ng ibang lalaki. Huwag na raw mag-alala si Jillian dahil wala na siyang balak pang bawiin ang bata. Ipinapaubaya na niya ang custody ng bata sa ama nito. Dahil sa ibang bansa na siya maninirahan kasama ang nobyo niya.
Nalungkot ako para sa bata dahil ipinagpalit siya ng kaniyang ina sa nobyo nito. Hindi man lang siya pinaglaban.
May ganoon pa lang ina? Natitiis ang anak para sa pansariling kaligayahan.
At ang masama pa don ay basta na lang ito iniwan sa labas ng bahay ni Jillian, nang hatinggabi. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko. Napakasakit sa puso ang dinanas ng batang paslit na 'to.
"Lian? Okay ka lang?" tanong ni Jillian.
"Oo. Pasensya ka na." mabilis kong pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko.
"Naaawa rin ako sa kaniya pero kailangan 'kong makasiguro na anak ko siya."
"Kung gusto mo tulungan kitang mag-alaga sa kaniya. May alam naman ako tungkol sa bata,e."
Tumango siya. "Thank you. And, I'm sorry kung ikaw ang tinawagan ko."
"Ano ka ba! Di ba sabi ko sa 'yo tawag ka lang kung kailangan mo ng tulong. Ang saya ko nga,e kase ginawa mo."
"I chose you because i know my secret is safe with you."
"Thank you. For trusting me."
Doon muna ako nag-stay sa bahay ni Jillian, tinulungan ko siyang mag-alaga ng bata. Tinuruan ko siya magtimpla ng gatas, magpalit ng diaper, at magpatahan ng bata sa t'wing iiyak ito.
Kahit hindi pa siya siguradong anak niya ang bata nakikita kong napapalapit na ang loob niya dito. Kahit nga ako eh, parang gusto kong ampunin ang bata kung sakaling hindi sa kaniya ito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomansaWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...
