Naging maayos naman ang lahat sa amin ni Jillian pagkatapos nang matinding away namin. Bumabawi naman siya sa akin, hindi bilang asawa kundi isang kaibigan.
"Kain tayo sa labas mamaya? After ng rehearsal namin." sabi ni Jillian sa akin habang pinapasyal namin sa Village si Celestine habang nakasakay ito sa baby stroller.
Kakain sa labas? Niyaya niya ba ako mag-date? Tanong ko sa isipan ko.
"Paano si Celestine?" tanong ko."Iwan muna natin sa Lola niya. Hindi naman tatanggi 'yon si Mama kapag nalaman niyang 'date' ang lakad natin."
"Date?"
"Siyempre, 'date' 'yon para kay Mama." paglilinaw niya.
"Ah, Oo. Tama ka! Date 'yon para sa kaniya." pag-sang-ayon ko sa kaniya.
Akala ko naman... Totoong Date na."So, ano?"
"Sige. Okay lang!"
"Um-Oo ka na,a. Baka bawiin mo pa! May gusto kase akong sabihin sa 'yo. Pero mamaya na lang sa date natin."
"Pero sinabi mo na ngayon, eh. Ano ba 'yon? Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon?!" pagpupumilit ko sa kaniya. Ayoko kase nang ganito, 'yong binibitin ako!
"Kapag pumunta ka, sasabihin ko."
Napapangisi ako sa sinasabi niya. At the same time, nahihiwagaan ako sa gusto niyang sabihin mamaya.
Tungkol saan kaya 'yon?
Hindi kaya..
Magtatapat na siya sa 'kin na gusto na niya ako? O kaya naman, makikipaghiwalay na siya?
~•~
Pumunta ako sa salon para magpaayos. First time, kong gagawin ito para sa isang date. Sa mamahaling restaurant niya kase ako dadalhin. Wala naman sigurong masama kung makikipag-sabayan ako sa mayayamang kumakain doon.
Alas-siete nang gabi ang usapan naming dalawa para magkita sa isang Japanese Restaurant. Inagahan ko na rin ang punta para hindi siya mag-antay. Sanay naman kase ako nag-aantay, eh.
Lagi kasi akong pinag-aantay ni Jake, dati sa t'wing magde-date kami. Napapangiti na lang ako nang maalala ko.
Habang nakangiti ako sa kawalan, may napagtanto ako sa sarili ko.
"Hindi na masakit... Ibig sabihin nakamove-on na 'ko sa kaniya?" emosyonal kong tanong sa sarili ko.Ganito pala ang feeling nang nakamove-on. Napakasaya. Sobrang saya dahil parang gumaan ang pakiramdam ko. Tila natapos na ang matinding kalbaryo sa buhay ko.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Excited na akong makita si Jillian para ikwento ito sa kaniya.
Kaya lang isang oras na ang nakalilipas. Wala pa rin si Jillian. Nasaan na kaya siya? Bakit ang tagal naman niya?
Nagpalingon-lingon ako sa paligid, pero hindi ko nakita ang hinahanap ko. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Mukhang iindyanin niya yata ako.
Napainom na lang ako ng tubig na kanina ko pa in-order, medyo nagugutom na rin kase ako. Hindi ko lang magawang um-order ng pagkain dahil wala siya.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad-agad ko itong sinagot at hindi ko na nagawa pang tignan sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag.
"Jillian--""Hija, Si Mama Isabel 'to. Nasaan na kayo?" tanong niya, tila natataranta ito. "Si Celestine ang taas ng lagnat. Nandito kami sa hospital."
"Po? Sige po, pupunta na po ako."
Hindi na ako nagsayang pa ng oras, lumabas na ako ng restaurant na 'yon para pumunta sa hospital.~•~
Habang madaling-madali ako sa paglalakad, tinatawagan ko si Jillian sa cellphone kaya lang hindi ito sumasagot. Ring lang ng ring ang kabilang linya.
"Jillian, sagutin mo!" hanggang sa ang operator na ang nagsalita. Inis na inis kong pinatay ang cellphone ko.
Hanggang sa mapadaan ako sa tapat ng isang Appliances Store. Saktong nasa news channel ang isa sa mga TV na binebenta don.
"Jillian Martin, isinugod ang dating nobya sa hospital..."
Parang nabingi na ako sa sumunod pang mga salita, hindi ko na narinig. Kaya pala hindi siya sumasagot ngayon sa tawag ko ay dahil may iba siyang pinagkaka-abalahan.
At parang may kung anong tumusok sa dibdib ko nang makita ko sa screen ng TV na buhat-buhat niya si Sarah.
Bakit magkasama sila?
Hindi kaya, ito ang dahilan kung bakit niyayaya niya ako sa isang dinner date. Para sabihing nagkabalikan na sila ni Sarah?
Hindi ko namalayan, pumapatak na pala ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit hindi ako masaya para sa kanila? Bakit ang sakit-sakit? Anong ibig sabihin nito?
"Para sa 'yo." sabi ng isang lalaking nasa tabi ko. Napatingin ako sa kamay nito at mabilis na tinignan ang mukha ng lalaking nag-abot ng panyo. Nadismaya ako, dahil akala ko si Jillian..
"Tristan."
"Take it." kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang panyo.
"Pasensiya na..." ibinalik ko sa kanya ang panyo. "Kailangan ko ng umalis. Nasa hospital daw si Celestine, sabi ni Mama."
"What--- Samahan na kita."
~•~
Salamat kay Tristan nakarating agad kami sa Hospital sakay ng kotse niya. Pagdating namin sa kwarto, naabutan kong nakaupo si Tita Isabel sa may gilid ng kama. At mahimbing na natutulog ang bata sa hospital bed.
"Ma," bungad ko kay Tita.
"Hija." Niyakap niya ako. At nakipag-besohan naman si Tristan.
"Good Evening po, Tita." bati ni Tristan kay Tita Isabel.
"Good Evening din."
"Kumusta na po si Celestine?" nag-aalalang tanong ko.
"Maayos na siya sa ngayon, dahil nabigyan siya ng gamot ng Doktor. Pero under observation pa rin siya." paliwanag ni Tita. "Si Jillian? Nasaan si Jillian?" tanong naman niya habang palingon-lingon sa aming likuran.
"Wala po siya. Hindi ko po siya makontak sa cellphone niya. Nasa Rehearsal pa po siguro." malungkot kong tugon dito. Ayokong sabihin kung nasaan talaga si Jillian dahil baka awayin na naman niya ang anak niya. What the heck! Nagawa ko pa talaga siyang pagtakpan.
"Ah, ganun ba.."
"Ma, ako na po ang bahala sa anak ko. Magpahinga po muna kayo." saad ko. Alam kong pagod na siya kakaalaga sa apo niya.
"H'wag po kayong mag-alala, Tita... Sasamahan ko si Lian habang wala pa si Jillian." sabi ni Tristan.
Napatingin ako kay Tristan. Naisip ko, sa t'wing kailangan ko ng saklolo palaging dumarating ito.
"Sige. Pero dapat tawagan niyo ng tawagan si Jillian hanggang sa ma-kontak niyo. Nang sa ganun ay makasunod agad siya dito. Kailangan siya ng anak niya." bilin ni Tita Isabel.
"Opo, Ma."
Bago umalis si Tita Isabel, binigyan niya ng halik sa noo ang kaniyang apo. "Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, ha?" paalala ni Tita Isabel sa akin. Tumango lang ako at tuluyan na itong umalis.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...