27: Back Out Again

59 1 0
                                    

Nag-back-out na naman ako. Hindi ko na kase kinakaya ang sama ng loob ko, baka kung ano pa ang magawa ko kay Jillian. Kaya mas mabuting lumayo muna ako sa kaniya.

Hindi naman ako ganito dati sa past relationship ko. Tahimik lang ako noon, hindi ako 'vocal' sa totoong nararamdaman ko. Madalas sinasarili ko lang ang problema.

Pero ngayon iba. Pakiramdam ko nagbago na ako. Pakiramdam ko, naging mas matapang ako, naging mas 'vocal' na ako sa feelings ko, at kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko.

Nagtagal pa nang ilang araw si Celestine sa hospital dahil na kumpirma ng Doktor na dinapuan nga ito ng Tigdas. At ngayong araw na 'to ay madi-discharge na rin sa wakas si Celestine dahil sa mabilis na pag-recover niya.

Nakatingin kaming lahat kay Doktora. Pinapakinggan namin lahat ng bilin niya dahil lahat nang 'yon ay para sa kalusugan ni Celestine.
"Pwede niyo na pong mailabas si Baby. Dahil mabilis naman siyang naka-recover. Pero kung sakaling lagnatin ulit siya, mas mabuting ipa-konsulta siya kaagad. Kung sakali lang naman, ho." bilin ni Doktora. Nagsi-tanguhan lang kaming lahat sa kaniya.

"Oo naman, Doktora. Ika nga nila 'Prevention is better than Cure'." sabi ni Tita Isabel.

"H'wag niyo rin kalilimutan ang mga niriseta kong gamot at vitamins para sa immune system niya. Para lalong sumigla si Baby. Kung maaari nga ay mas magandang breastfeeding siya dahil hindi mapapantayan nang kahit anong bitamina, ang nakukuha sa gatas ng isang ina." patuloy pa ni Doktora.

Nalungkot ako bigla. Dahil wala naman akong kakayahang mabigyan ng masustansiyang gatas si Celestine na kailangan niya ngayon.

"Sige po, maiwan ko na po kayo." paalam ni Doktora sa amin.

Napanatag na din sa wakas ang mga kalooban namin dahil sa paggaling ni Celestine. At excited na kami ni Tita Isabel na iuwi ito.

At kami naman ni Jillian ay hindi pa rin nagkikibuan, simula nang unang gabi ni Celestine sa Hospital. Hindi naman kasi siya humihingi ng tawad sa akin. Kaya parang wala akong ganang kausapin siya.

~•~

Pagkauwi namin sa bahay kay Celestine lang ang atensiyon ko. Natatakot na akong madapuan ulit ito ng sakit. Kaya bantay sarado na ako sa kaniya.

Si Tita Isabel naman ang madalas mag-asikaso kay Jillian. Ramdam niya yatang may hidwaan kami ng anak niya kaya nagkukusa siyang asikasuhin ito sa t'wing kakain ito o kaya pag may kailangan.

Napapadalas din ang uwi ni Jillian nang hating-gabi. Siguro ay dumadalaw ito kay Sarah. Ganun talaga siguro ang taong nagmamahal. Kahit na bawal ay gagawin pa rin ang lahat para lang makita niya ang kaniyang minamahal.

"Lian, sabay ka na sa akin." yaya ni Jillian sa akin nang palabas ako ng gate. Papunta kase ako ng grocery ngayon para mag-grocery.

Saktong paalis din ito sakay ng kotse niya at hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Hindi ko magawang tumanggi dahil nandoon lamang sa harapan namin si Tita Isabel karga-karga si Celestine. Ayoko namang pahiyain siya sa harapan ni Tita Isabel. Kaya tumango na lamang ako, senyales na pumapayag ako.

~•~

Tahimik akong nakatingin sa bintana. At siya naman ay seryosong nagmamaneho. Hanggang sa buksan niya ang radyo ng kotse niya.

It's the hardest thing
I'll ever have to do
To look you in the eye
And tell you I don't love you

It's the hardest thing
I'll ever have to lie
To show no emotion
When you start to cry

I can't let you see
What you mean to me
When my hands are tied
And my hearts not free
We're not meant to be

It's the hardest thing
I'll ever had to do
To turn around and walk away
Pretending I don't love you 🎶 🎶

Hayyy nyemas naman!
Ang lungkot naman ng kanta!

"Gusto ko sanang mag-sorry sa 'yo." saad ni Jillian na nagpagulat sa akin. "Sorry, sa hindi ko pagsipot noon sa 'yo."

Napatingin ako sa kaniya. Buong pag-aakala ko ay hindi na siya hihingi nang tawad sa akin.
"Sorry din sa nasabi ko noon, nong nasa Hospital tayo. Nadala lang ako sa galit ko." patuloy pa niya.

Nadala nang galit niya? Anong ibig sabihin nun? Saan ba siya nagalit?

Iyon kaya 'yong nakita niya kaming magkayakap ni Tristan?

Pero bakit siya magagalit?

"Kalimutan na lang natin 'yon." walang lingon kong saad dito. "Nag-sorry ka na ba kay Tristan?" tanong ko.

"H'wag kang mag-alala. Nakipag-ayos na ako sa kaniya. Okay na kami ngayon."

"Mabuti naman." biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko. Akala ko kase masisira ang pagkakaibigan nila nang dahil sa akin.

"Lian... Gusto ka sanang makita ni Sarah. Kung okay lang sa 'yo."

Napatingin ako sa kaniya.
"Bakit gusto niya akong makita?"

"Hindi ko alam. Pero kung may hilingin man siya, sana pagbigyan mo siya..." pakiusap niya.

Bakit kaya siya nakikiusap? Anong meron?

"Anong hihilingin? Hindi ko maintindihan."

"Lian.. May leukemia si Sarah."

Napalunok ako. At gulat na gulat ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa malaking rebelasyon na 'yon. Basta ang alam ko lang, nalulungkot ako para kay Sarah.

"Stage three. At hindi ganun kalaki ang 'chance' na gumaling pa siya. Nahimatay siya nong gabi na 'yon, kaya ko siya sinugod sa Hospital." kwento nito. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang kalungkutan.

Napahugot ako nang malalim na paghinga saka muling nagsalita.
"Okay. Dadalawin ko siya, mamayang gabi." pagsang-ayon ko.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon