30: Part Ways

58 2 0
                                        

Paggising ko nang umaga, wala na si Jillian sa tabi ko. Unan na lamang ang katabi ko. Nakaramdam ako nang kalungkutan. Ang isipin ko pa lang na kasama niya ngayon si Sarah ay parang mababaliw na ako. Sobrang sakit masampal nang katotohanan na ako ang talo sa laro namin na 'to.

Bakit ganun? Bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal?

Hindi ba pwedeng may 'happy ending' palagi, katulad nang sa 'fairy tales'?

Ayoko nang ganito. Gusto kong sa akin lang ang taong mahal ko...

Tatlong araw na ang lumipas. Pero hindi pa rin umuuwi si Jillian. Siguro'y nandoon siya kay Sarah, nagbabantay sa Hospital. Hindi rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa kaniya.

Siguro nga, wala lang ako sa kaniya at si Sarah lang ang importante sa kaniya. Gulong-gulo na ko...

Dapat na ba ako sumuko?
At magparaya na lang?

~•~

Andito ako ngayon sa Hospital, sa harap nang pinto ng kwarto ni Sarah. Nag-iisip pa rin ako kung tama ba ang desisyon ko, kaya napakatagal kong nakatayo doon. Hanggang sa...
"Lian,"

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ay si Sarah bitbit ang dextrose niya.
"Pwede ba tayo mag-usap?" sabi ko.

"Sure."

Tumungo kami sa hardin ngayon. Gusto niya raw kase maglakad-lakad. Nagsasawa na raw siya humiga sa kama niya kaya sinamahan ko na rin siya, para makapag-usap na rin kami.
"Pumapayag na ko. Pumapayag na kong isama mo si Jillian sa America." saad ko.

Napalingon ito sa akin, kaya lang parang hindi ito masaya.
"Pero nakapag-desisyon na ko, Lian..."

Napakuno't noo ako.
"Anong desisyon?"

"Hindi ko na siya isasama, Lian. Aalis ako nang mag-isa."

Nagitla ako sa sinabi niya. Ano kayang nangyari? Noong huling nagkausap kami, umiiyak siyang nakikiusap para makasama si Jillian, pero ngayon...
"Bakit biglang nagbago ang isip mo? Dahil ba sa mga nasabi ko noon?" siguro nga nang dahil sa mga masasakit kong sinabi kaya nagbago ang isip niya. "H'wag mo nang isipin yon---"

"Hindi dahil do'n. Dahil kay Jillian." sagot niya.

Napaawang ang bibig ko. "Hiwalay na kayo?" tanong ko rito.

"Hindi. Pero parang ganun na din." malungkot niyang tugon.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Simula nong nagkabalikan kami, wala na akong nararamdamang pagmamahal mula kay Jillian." at sumulyap ito sa akin. "Sa tingin ko kaya lang naman niya ako inaalagaan dahil sa naaawa siya sa akin." hinanakit niya.

"B-baka nagkakamali ka lang. Baka akala mo lang 'yon." pagpapalakas ko nang loob niya. Dahil naaawa ako sa kaniya ngayon. Tama si Jillian at Liza, deserve niyang sumaya habang nandito pa siya sa mundo. Kaya nga heto ako, handa nang magparaya.

"Kilala ko si Jillian. Kilala ko ang mga titig niya sa akin dati, nong mahal pa niya ako. Pero ngayon, ang mga matang 'yon ay sa 'yo na nakatingin." ngumiti ito nang kay pait. "Kilalang-kilala ko rin ang mga ngiti niya, sa t'wing makikita niya ako noon. Pero ngayon, ang ngiting 'yon ay para sa 'yo na. Pati sa halik niya, may nagbago na." salaysay niya habang umiiyak.

Pati ako ay naiyak na rin. Nasasaktan ako para sa kaniya. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kaya siya nagkakaganito ngayon.

"I think he loves you, Lian. He loves you more than me." sabi niya sa 'kin.

"Hindi. Wala siyang sinasabi. Kahit kelan hindi niya sinabing mahal niya ako." paglilinaw ko sa kaniya. At iyon naman talaga ang totoo.

"Wala man siyang sabihin. Pero nararamdaman, at nakikita ko sa kinikilos niya." paggigiit niya. "Alam mo ba nitong nakaraang araw, palagi siyang wala sa sarili. Tinawag pa nga niya ako sa pangalan mo. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa picture mo." kwento niya na nagpa-supresa sa akin.

"Ang sakit-sakit, Lian. Pero mas masakit ang makitang sinasakripisyo niya ang sarili niyang kaligayahan para sa akin." patuloy pa niya.

"Alam mo, h'wag ka nang mag-isip ng kahit ano. Hindi 'yan makakabuti sa 'yo." pag-aalala ko sa kaniya.

"Don't worry about me, Lian. Tanggap ko na." saad niya sa akin nang walang pag-alinlangan. "Alam ko namang malalagpasan ko din ito, di ba?" nakangiti niyang tanong sa akin kahit na alam kong nasasaktan siya ngayon.

Tinanguhan ko ito at sinunggaban nang mahigpit na yakap.
"I'm so sorry. Hindi ko naman gustong saktan ka sa mga sinabi ko noon---"

"Shhh.." saway niya sa akin. "Kalimutan na lang natin 'yon, okay?"

Tumango ako rito, pagkahiwalay ko sa pagkakayakap sa kaniya.
"Ipagdarasal ko gabi-gabi ang paggaling mo." saad ko.

"Salamat, Lian. Salamat." at muli ko itong niyakap sa huling pagkakataon.

~•~

Inaantay ko ngayon si Jillian sa pag-uwi niya. Gusto kong ibalita sa kaniya ang magandang nangyari ngayong araw na 'to. Kaso, matuwa kaya siya sa naging desisyon ni Sarah? Ano kaya masasabi niya tungkol don?

Aminin na rin niya kaya sa akin na may nararamdaman din siyang espesyal sa akin?

Napadungaw ako sa bintana nang makita kong pinarada niya ang kotse niya sa garahihan. Kaya tumakbo kaagad ako sa may pinto para salubungin siya.
"Hi, Jillian!" masigla kong bati sa kaniya.

"Hi." walang kagana-gana niyang bati sa akin. At napaka-pormal ng datingan niya ngayon. "Mabuti nandito ka na. I have something for you."

Para sa akin? Ano kaya 'yon?
"Talaga? Ano yon?"

"This." sabay abot sa akin nang isang brown envelope. Mukhang dokumento ang laman nito.

Binuksan ko kaagad ang envelope para makita ang nasa loob nito.
"Ano 'to?" tanong ko. Nawala agad ang ngiti ko sa nakita ko. "Anong ibig sabihin nito? Nag-file ka ng Annulment nang hindi ko alam?!"

Pirmado na rin niya ang mga papeles. Pirma ko na lang ang kulang.
"Oo. Dahil ayoko nang mahirapan ka pa." sagot niya.

"Iyon lang ba ang dahilan mo? O ginagawa mo 'to kase dahil kay Sarah? Iyong totoo, Mahal mo ba talaga siya?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kaniya. Kaso hindi siya sumasagot. "Ano?"

"Ginagawa ko 'to dahil ito 'yong tama. Para sa kalayaan mo. Para hindi na tayo magpanggap sa maraming tao. Hindi mo na rin kailangan maging ina sa anak ko. At para makahanap ka nang taong bagong mamahalin mo." dahilan niya.

"Anong akala mo? Ganun lang kadali 'yon?" galit kong tanong dito.

"Alam ko hindi. Pero alam ko din na kakayanin mo." tugon niya.

Nadismaya ako sa sinagot niya. Bakit parang napakadali para sa kaniya ang saktan ako nang ganito? Bakit Jillian? Akala ko pa naman totoo ang sinasabi ni Sarah na mahal mo ako...

"Ibig sabihin hindi mo na ako kailangan, kaya ibabasura mo na lang ako? Ganun ba?" naluluha kong tanong sa kaniya. Pero hindi ito umimik. "Bakit? Bakit mo hinayaang may mangyari no'ng gabing 'yon?" lakas loob kong tanong sa kaniya.

"Because I'm attracted to you that night. So, that's why."

Para akong tinamaan ng kidlat. Nanghina ako sa mga sinabi niya.
"Alam mo, ikaw na yata ang pinakamasamang tao na nakilala ko!" hiyaw ko. Gigil na gigil na ako sa kaniya sa galit.

Hinablot ko ang ballpen na nakaipit sa bulsa ng damit niya. Mabilis kong pinirmahan lahat nang dapat pirmahan sa papeles na binigay niya.
"Ayan! Sa 'yo na 'yan!" padabog kong ibinigay ang mga papeles sa kaniya at sinadya kong itinapon 'yon sa dibdib niya ng malakas, na halos masaktan na ang kaniyang dibdib.

Mabilis akong pumanhik sa taas. At tumungo sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto, hindi ko na napigilang umiyak habang nakaupo yakap ang tuhod ko at nakasubsob dito ang mukha ko.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon