11: Our Show

60 2 0
                                        

Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa set ng isang morning talk show, kung saan magge-guest si Jillian. Habang kami naman ni Jillian ay kasalukuyang nasa dressing room. Nakaupo lang ako sa isang tabi, pinapanood ang mga taong nasa paligid.

Pansin ko, kahit na maganda na ang suot na damit ni Jillian, pinalitan pa rin iyon ng stylist nila. At saka, kahit ang lalaking artista ay mine-make-up-an pa rin pala.

"Bakit nitong mga nakaraang araw Jillian, napaka-hiiirrap mong kontakin?" galit na galit na tanong ng Manager ni Jillian na si Miss Lea. Sa tingin ko nasa thirty-five years old na ito.

Kanina pa niya sinesermonan si Jillian dahil sa isyung kinakaharap nito. Sa totoo lang, si Miss Lea lang ang maingay sa loob ng dressing room. Medyo nakakarindi na siya.
"At saka bakit ka may pasa? Sa'n mo nakuha 'yan?" napakasama ng tingin niya sa pasa ng alaga niya. "Gusto mo talagang napa-frontpage sa mga diyaryo, noh?" nang-uuyam niyang tanong kay Jillian.

Tila sanay na si Jillian na pinapagalitan ng Manager niya dahil prenteng nakaupo lang siya sa upuan habang nagbabasa ng magazine. Ni-hindi niya man lang pinapansin ang mga sinasabi ng Manager niya.

"Krizza!" sigaw ni Miss Lea.

"Po?" sagot nang isang babae.

"Make-up-an mo nga ulit itong si Jillian!" utos ni Miss Lea. Lumapit naman kaagad ang make-up artist kay Jillian. "Kapalan mo ang concealer kailangan hindi mahalata 'yang pasa n'yan!" utos niya sa make-up artist. "And, You...the luckiest girl." at nakatingin naman siya sa akin ngayon. "Anong pangalan mo?" tanong sa kin ni Miss Lea. Para siyang si Miss Minchin, ang sungit ng mukha niya.

"Lian po."

"Paano kayo nagka-kilala ng alaga ko?" sunod niyang tanong.

"Friends of friends." singit ni Jillian.

"Opo! Tama si Jillian." pagsang-ayon ko.

"Bakit ngayon lang kita nakita? Halos lahat ng kaibigan ni Jillian ay kilala ko." nagtatakang tanong ni Miss Lea.

Napapangiwi na lang ako. Pakiramdam ko tuloy nasa hot seat ako. Paano ko kaya malulusutan ang mga tanong niya?

"Pwede ba Miss Lea, h'wag mo na s'yang tanungin. Baka matakot lang siya sa 'yo." sabi ni Jillian.
Tama Jillian ganyan nga!

"Nagtatanong lang naman napaka-protective mo naman masyado, Jillian! O s'ya--- Maglalakad-lakad muna ako sa labas. Tapos ayusin mo ang mga sagot mo sa tanong mamaya,ha?" bilin ni Miss Lea.

"Oo alam ko!"

"O sige na!"

Tuluyan ng lumabas ng dressing room si Miss Lea. Nakahinga na rin ako nang maluwag.
"Hayyy salamat!" bulalas ko, pagkaalis ni Miss Lea.

~•~

On air na ang show, at si Jillian ang huling isasalang. Kahaharapin niya ang isyu tungkol sa amin ng anak niya. At wala akong nakikitang kaba sa mukha ni Jillian. Mukhang napaghandaan niya talaga ito.

Ako naman ay tahimik na nanonood sa likod ng mga camera. Kasama ang mga staff ng show at ang buong Glam team ni Jillian. At siyempre, si Miss Lea rin.

"It's nice to see you again, Jillian. You look great as always." puri sa kaniya ni Bea Gonzales, isang sikat na Actress and TV host. Napaka-sexy nito sa suot na blouse, ang ganda pa ng posture niya, at ang kinis-kinis niya.

"Thank you, Bea."

"Jillian, nandito ka para sagutin ang mga katanungan ng taong bayan. Handa ka na ba?"

"Oo naman!" lakas-loob niyang sagot.

"Dito sa viral photos mo, totoo ba na may anak ka na?" tanong ni Bea. Nag-appear sa malaking tv screen nila ang litrato namin.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon