Hindi ko natiis si Jillian. Itinakas ko siya sa coffee shop. Gamit ko ngayon ang sasakyan na pang-service namin sa shop. At papunta kami ngayon sa apartment ko. Naisip kong dito siya dalhin dahil ayaw naman niya magpadala sa hospital at ang bahay naman niya ay sa Manila pa, masiyadong malayo para takbuhin namin ngayon.
Habang nagda-drive ako, nakatanggap ako ng tawag kay Liza. Ni-loudspeaker ko na lang ang phone dahil hindi ko naman mahahawakan iyon.
"Insan! Nasaan kayo ni Jillian? Hinahanap na siya ni Direk!" sabi ni Liza sa kabilang linya.
"Magkasama kami ngayon. Dadalhin ko siya sa apartment ko. Ang taas kase ng lagnat niya, kailangan niya munang magpahinga."
"What! Seryoso? Akala ko ba wala ka nang pakialam sa taong yan?---Umamin ka nga, mahal mo pa rin 'yang tao na 'yan, noh?" akusa niya sa akin. Napasulyap ako kay Jillian. Mabuti na lang mahimbing ito natutulog at hindi niya naririnig ngayon ang pinag-uusapan namin ni Liza.
"Pwede ba! Naka-louderspeaker ako kaya h'wag kang tanong nang tanong ng kung anu-ano d'yan!" saway ko dito.
"Oh! Sareh! I'm so sareh!" biro niya sa akin. "Eh matanong ko lang, Bakit sa apartment mo siya dadalhin? Hindi sa hospital? Siguro nagdadahilan lang kayo. Gusto n'yo lang siguro ma-solo ang isa't-isa, ano?" hinala niya
Ang pinsan ko talaga!
Halatang pinipiga niya ako para makakuha ng impormasyon."Sira! Ayaw niyang magpadala sa hospital, pahinga lang daw kailangan niya. Eh, malayo ang Manila kapag hinatid ko siya sa bahay niya!" paliwanag ko dito.
"Sa bagay! --- O sige-sige na! Ako nang bahala mag-explain sa kanila. Mag-ingat na lang kayo! Enjoy!"
"Anong Enjoy???" tanong ko kaso ibinaba na niya ang tawag. Mabuti na lang tulog pa din si Jillian at wala siyang kamalay-malay sa pinag-uusapan namin ng pinsan ko.
~•~
Pagdating namin sa apartment ko, inalalayan ko siya sa pagpasok dahil para na siyang lantang gulay. Hinang-hina siya. Mabuti na lang kaya pa niyang mag-lakad. Nang marating namin ang kwarto ko dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama. Tinanggal ko ang sapatos at medyas niya. At saka ko siya kinumutan. Pero nangangatog pa rin siya kaya naglabas pa ako nang isa pang kumot at hininaan ko ang aircon.
Pagkatapos, tumungo ako sa kusina. Tumingin ako nang pwedeng lutuin. Instant noodles lang ang nakita ko sa cabinet. At sa ref naman ay may gulay pa akong repolyo at carrots. May natira pa akong adobong baboy na dala ni Mama sa akin nong isang araw pa. Inamoy ko 'yon at tinikman, maayos pa naman ito.
Dahil iyon lang ang meron ako. Nag-experiment na lang ako nang isang dish. Sinahugan ko ng gulay ang instant noodles. Tapos 'yong karne sa adobong baboy ay pinirito ko at hiniwa ng maninipis, ginawa kong toppings sa noodles. Mukha na itong Ramen dahil sa 'presentation'.
Pagkahanda ko nang pagkain, dinala ko na 'yon sa kwarto para pakainin si Jillian at para makainom na ito ng gamot.
Ginising ko ito sa pagkakatulog niya. Kailangan kasing may laman ang tiyan niya bago uminom ng gamot. Kaso nga lang konti lang kinain niya, wala siguro siyang gana. Pagkatapos kumain ay uminom siya ng gamot at bumalik siya sa pagtulog.
Dahil sa mainit pa rin ang singaw ng katawan niya. Pinunasan ko siya ng basang bimpo sa noo at katawan, bakasakaling bumaba ang lagnat niya. Maghapon ganun ang aming sistema para lang gumaling siya. Nang masalat kong bumababa na ang lagnat niya, itinigil ko na ang pagpupunas sa kaniya.
"Lian?"
"Jillian. Ano, kumusta pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" alok ko rito.
"Medyo maayos na pakiramdam ko. Salamat."
"Hayy... Salamat naman." Nakahinga na rin ako nang maluwag.
Bumalikwas siya nang bangon. "Lian,"
Napaangat ang kilay ko nang sambitin niya ang pangalan ko."Alam mo ba kanina, gusto ko nang suntukin ang lalaking 'yon." alam kong si Jeff ang tinutukoy niya. "Kung makatingin siya sa 'yo parang hinuhubaran ka na niya." kwento niya, kaya siguro nagalit siya. Hindi ko naman alam ang bagay na 'yon dahil abala ako kanina sa paglalagay ng ointment sa dibdib ni Jeff.
"Pasalamat siya wala akong sapat na lakas kanina. Kundi lagot siya sa akin!" halatang naiinis pa rin siya kay Jeff.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Sa tingin ko magaling ka na. Mayabang ka na, eh!" biro ko dito. Napangiti tuloy siya.
"Kung pwede lang na maramdaman mo ang nararamdaman ko ngayon. Siguradong malalaman mo kung gaano ko kagustong bumalik ka sa buhay ko."
Nagulat ako nang biglang nag-seryoso ang boses nito. At may dinukot ito sa bulsa ng kaniyang pantalon. Isang singsing. Singsing na minsan ako ang naging may-ari noong mga panahon na kasal pa ako sa kaniya.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at isinuot sa palasingsingan ko ang singsing. At saka niya hinawakan ang kamay ko.
"I want you back, Lian. I want you to be a Mrs. Martin for the last time. I want you to be a mother of Celestine and my future child. I want to be with you, forever." napangiti ito saglit. "Even not 'Forever' but every single day of your life."Nagitla ako sa ginawa niyang pag-'propose' sa akin. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko, na may lalaking hihingin ang kamay ko at gusto akong makasama habambuhay. Pero...
"I'm sorry. I think this is not the right time. Kailangan ko munang pag-isipan ang mga bawat desisyon na gagawin ko sa buhay ko." pagtanggi ko.
Rumehistro sa mukha nito ang kalungkutan at pagkadismaya.
"Pero...aaminin ko. Walang nagbago sa pagmamahal ko sa 'yo--- Nakakainis nga, eh! Kase alam ko naman sa sarili ko na naka-move-on na 'ko sa 'yo. Pero nong nakita kita ulit, bumalik. Bumalik 'yong pagmamahal ko sa 'yo na, akala ko nawala na." pagsiwalat ko sa totoong nararamdaman ko. "Kaya sana bigyan mo pa 'ko nang mahabang panahon para makapag-isip. Natatakot na kase ako na masaktan ulit nang dahil sa 'yo, Jillian."
Nakangiting tumango ito sa pakiusap ko. "Para sa 'yo, mag-hihintay ako. Hihintayin ko 'yong panahon na handa ka na ulit na mahalin ako." saad niya.
Masaya akong naiintindihan niya ako. Kaya naman binigyan ko ito nang mahigpit na yakap. Yakap nang isang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...