23: I.M.Y.S.B.

32 1 0
                                    

Pinakawalan ko na ang mga luha sa mata ko na kanina pa gustong umagos. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking unan. At doon ko inilabas ang sama ng aking loob. Hindi ko akalain na magagawa iyon sa akin ni Jillian.

Nang mahismasan ako ay nag-alsa balutan ako. Hindi ko siya kayang makita o makasama. Kaya naman ay lalayas na lang ako at nag-iwan ako ng sulat kay Tita Isabel.

Isinulat ko doon na, siya na muna ang bahala kay Celestine at ako naman ay magpapalipas muna ng sama ng loob sa anak niya. Ngunit hindi ko sinabi sa sulat ang naging kasalanan ng anak niya.

Bumalik ako sa bahay ko. At malungkot na humiga sa kama. Naalala ko tuloy 'yong nagkukulong ako sa kwartong ito dahil kay Jake. Tapos ngayon, dahil kay Jillian. Pakiramdam ko mas masakit pa ito sa pag-iwan sa akin ng ex-boyfriend ko. Nakatulog na lang ako sa sama ng loob.

Maaga akong nagising. Nagtungo agad ako sa palengke. Gusto kong kumain ng masarap ngayon para naman mawala ang lungkot na nararamdaman ko.

Namalengke ako ng mga sangkap para sa buttered shrimp at balak ko ding magluto ng spaghetti para sa hapunan. Pagkain lang kase ang alam kong makakawala ng stress ko ngayon.

Pagbalik ko nang bahay, may naka-park na kotse sa tapat ng gate. Kotse ni Jillian. Kahit alam kong nasa loob siya ng kotse, hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lamang siya at dumiretso ako sa gate. Kaya lang hindi ako agad nakapasok dahil nga sa nagloloko na ang lock nito.

"Lian. Mag-usap tayo." sabi ni Jillian, nang makababa ito sa kotse niya. Hinawakan pa niya ang braso ko para pigilan ako sa pagbukas nang pinto ng gate.

Iniwas ko ang braso ko para bumitaw siya doon. "Umalis ka na, wala tayong dapat pag-usapan pa." pagtataboy ko sa kaniya.

"I'm sorry, Lian. Nabigla lang ako kaya nagawa ko 'yon... I'm sorry." paghingi niya ng tawad.

Sa tingin ko'y sincere naman siya sa paghingi ng tawad sa akin kaya lang hindi ko pa siya kayang patawarin sa ngayon.

"Pasensiya na Jillian, hindi kayang tapatan ng SORRY mo ang kasalanan mo." napaluha na lang ako ng hindi namamalayan. "Umalis ka na bago pa may makakita sa 'yo dito." at tuluyan na akong pumasok sa loob at pinagsarhan ko lamang siya ng gate.

Ni-hindi ko siya nilingon bago umalis.
Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip-isip.

~•~

Matagal akong nanatili pa sa bahay. Palagi akong nakakatanggap ng tawag mula kay Tita Isabel. Nangangamusta siya at palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi sa kanila. Lagi raw niyang inaaway si Jillian dahil sa paglayas ko.

Sa totoo lang, miss na miss ko na sila. Lalo na si Celestine.

Habang naglilinis ako ng bahay, may kumakatok sa may gate. Pagsilip ko sa pinto, isang lalaki ang aking nakita.
"Sino po sila?" tanong ko nang lumabas ako.

"Kayo po ba si Lian Cassandra Marquez?"

"Oo."

"Ma'am para sa inyo po ito." sabay abot sa akin ng isang malaking bouquet ng bulaklak. "Galing po kay Sir Jillian. Pakipirham na lang po ito." inabot niya ang ballpen at ang received paper. Pinirmahan ko 'yon.

Pag-alis ng messenger, nagpalingon-lingon ako sa paligid. Baka kase nasa tabi-tabi lang si Jillian. Pagpasok ko nang bahay, masaya kong isinubsob ang aking mukha sa bulaklak. Inilagay ko ito sa flower vase, sa may sala.

Napapangiti ako sa mga bulaklak habang nakatitig. Ngunit kalauna'y naging mapait ang mga ngiting 'yon.

"Kahit tinanggap ko ang bulaklak na 'to sa ngayon, hindi pa rin ako uuwi!" saad ko. Kawawang bulaklak, na walang kabuhay-buhay. Basta na lamang ako nagalit dito na tila nasisiraan ng bait.

~•~

Sumunod na araw, may dumating ulit na messenger. Ang pinadala naman ni Jillian ngayon ay stuff toy na mukhang hippopotamus.

Bakit hippopotamus? Paborito niya bang hayop ang hippopotamus?

Katabi ko sa pagtulog ang binigay niyang stuff toy. May naisip na nga rin akong pangalan nito.

"Ikaw si 'J'! J for Jillian!" patango-tango pa ako. Kinuha ko ito. "Hoy, J! Hindi porket cute ka eh uuwi na ako sa kanila. Hindi pa rin,noh!" sabi ko sa stuff toy na walang kamuwang-muwang. Pinanggigigilan ko ang mga paa nito, ang lambot kase.

Sa sumunod na araw, may pumunta na namang messenger ulit. Messenger naman ng sulat. At galing na naman iyon kay Jillian.

Napakarami niyang pakulo, pero infairness napasaya niya ako sa simpleng sulat na 'to. First time ko makatanggap nang ganito. Iba pala ang feeling. Parang bumalik ako sa makalumang panahon.

Bago ako matulog, saka ko lang binasa ang sulat niya. Sa simula pa lang ng pagbabasa parang naririnig ko ang boses niya.

To my Wife,

"First line pa lang nakakatawa na!" napapailing na lang ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa.

Kumusta ka na? Sana mapatawad mo na ako. Alam 'kong mali ang nagawa ko at pinagsisisihan ko 'yon. Sumulat na lang ako kase hindi ka naman sumasagot sa text at tawag ko. Nagbabakasali lang ako na babasahin mo 'to. Pero kung hindi naman. Ayos lang, naiintindihan ko.

Alam kong masama pa rin ang loob mo. At okay lang sa 'kin kung gusto mo pang mapag-isa sa mahabang panahon. Basta lagi mong tatandaan na lagi kong hinihintay ang pagbalik mo dito sa bahay.

Miss na miss ka na ni Mama. Lagi nga akong napapagalitan,e. Pauwiin na raw kita. Pati si Celestine, alam kong miss na miss ka na rin niya. Simula kase nong umalis ka, sa t'wing umiiyak siya nahihirapan kaming patahanin siya. Siguro'y hinahanap ka niya.

"Oh my gadd--- Celestine." nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko nang mabasa ko ang tungkol kay Celestine.

Marami pa sana akong gustong ikwento, kaya lang naisip ko na ire-reserved ko 'yon para sa pagbabalik mo. Hanggang dito na lang ako.

Lagi kang mag-iingat. At sana mahanap mo na ang kapatawaran d'yan sa puso mo.

Jillian,

P.S.
I.M.Y.S.B

Tumulo ang mga luha ko sa nabasa ko. Tagos kase hanggang puso. Kaso pagdating sa dulo...

Napakuno't noo ako sa Postscript niya. Hindi ko kase alam ang ibig sabihin nang I. M. Y. S. B.

Kung bakit naman kase tinamad pa siyang buuin ang mga letra na 'yon. Napa-search tuloy ako sa internet para sa meaning nun. At napangiti ako sa definition nito

I miss you so bad, pala!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon