2: Start A New

72 1 0
                                        

Tapos na!
Malinis at maganda na ang bahay ko!
Ibang-iba na siya sa hitsura niya kesa kanina. May mas buhay na siyang tignan dahil sa napili kong kulay ng kurtina na royal blue at may kombinasyon ng silver. At naglagay din ako ng halaman 'yong palmera na hindi masyadong madahon. Nilagay ko 'yon sa may gilid ng sopa at sa may bintana, dekorasyon lang.

Ibinalik ko na din ang maliit na chandelier sa may gitna ng kisame sa may sala kase tinanggal iyon ni Jake dati kase baka daw biglang bumagsak. Para namang ikamamatay niya ang maliit na chandelier kung sakaling bagsakan siya nun! Weird!

Siguradong matutuwa si Mama kapag nakita niya kung gaano kaganda ngayon ang bahay namin. Siguradong magugulat din siya kase naglinis ako! Hindi kase ako mahilig maglinis madalas si Jake lang ang nakakaisip maglinis ng bahay.

Jake na naman?
Tama na nga 'yan!
Puro ka na lang Jake!

Wala na nga siya, di ba? Protesta ng utak ko.

Kumalam na ang tiyan ko at napahawak ako don at hinimas-himas muna para hindi kumirot ng sobra dahil gutom na gutom na ko! Parang gusto kong pumunta ng mall at kumain sa isang buffet. Kaya naligo na kaagad ako kase pakiramdam nasa katawan ko lahat ng alikabok pagkatapos kong maglinis ng bahay. Pagkaligo ay umalis na 'ko.

~•~

Madaming tao sa mall ngayon.
May mall show daw at maraming artista ang pupunta. Mall show 'yon ng isang pelikula at hindi ko alam kung anong pelikula 'yon. But i'm sure romance yon, mahilig kase ang pinoy sa ganung pelikula. Pero ako? ayoko na ng mga ganung genre ng pelikula!
Napaka-unrealistic kase.

Bakit kaya hindi sila gumawa ng pelikulang kapani-paniwala? Tulad ng kahit na matagal ng magkarelasyon naghihiwalay pa rin!

Teka? Lovestory ko 'yon,a.
Bitter!

Kasalukuyang kumakain na 'ko sa isang buffet restaurant. Oo, marami akong gutom kaya sisiguraduhin kong matitikman ko lahat ng pagkain dito, lalo na 'yang mga dessert na 'yan! Sisiguraduhin kong mailalagay ko 'yan lahat sa tiyan ko!

Ikaw kaya maging broken-hearted for four months. At sa four months na 'yon noodles, biscuit, at de lata lang ang kinakain ko dahil wala talaga akong ganang kumain kaya nga bigla na lang bumagsak ang timbang ko.

Habang kumakain ako narinig ko ang malalakas na sigawan ng mga tao, dahil andyan na daw ang mga inaantay nilang artista. Grabe, parang guguho etong mall na 'to sa lakas ng hiyawan ng mga fans. Nahihirapan tuloy ako mag-concentrate sa pagkain ko dahil parang gusto ko ding makiusyoso.

"Bakla nandiyan daw si Jillian Martin!" kinikilig na saad ng babae sa likuran ko. Sa lakas ba naman ng boses nila maririnig ko talaga.

"Talaga? Oh my gosh! Tara na ubusin na natin 'to nang makita na natin ang asawa ko!" sabi pa ng isang babae.

Natatawa na lang ako.
Asawa? Asawa talaga?
Parang mga highscool students lang!

Jillian Martin.

Naglaro sa isipan ko ang pangalan na 'yon. Hindi ko siya kilala kase hindi naman ako nanonood ng TV kahit may TV sa bahay. Na-curious ako sa hitsura niya kaya nag-search ako sa internet kung ano ang hitsura niya. Pag-click ko ng images tumambad sa 'kin ang hubad na katotohanan! Chos!

Naka-topless kase siya sa picture at hindi makakaila na may angkin kagwapuhan ang lalaking ito at ang ganda ng katawan niya. Infairness!
Kaya pala ganun na lang kiligin ang mga babae sa kaniya.

Pero kahit na gwapo 'yan sigurado playboy 'yan. Sa tingin ko siya 'yong tipo ng lalaking hindi marunong magseryoso sa isang relasyon. Iyong mahilig magpaiyak ng babae. At matagal na para sa kaniya ang one month na relationship.

Sorry, JM kung 'yon ang assessment ko sa'yo. At kakain na lang ako kesa makita ka!

~•~

Busog na busog akong umuwi ng bahay. Halos hindi ako makagalaw. Kinuha ko ang laptop ko. Nagse-search ako ng mga beaches para sa first travel ko. Maraming magaganda halos hindi ako makapili.

Naisip ko na sa may bandang Visayas ako maghahanap, saka na 'ko maglu-Luzon gusto ko kase ma-experience ang makasakay ng eroplano. Dahil sa tanda kong ito hindi pa ko nakakasakay ng eroplano.

Isang Beach Resort sa Cebu ang napili ko. Ang ganda kase sa picture at sabi sa isang review kung ano ang hitsura ng resort sa picture ay ganun din daw sa personal, mas maganda pa nga raw.

This is pancit!
Nakapagpa-book na 'ko, discounted pa ang ticket ko dahil naka-promo sila ngayon. I'm so excited!

Isang araw na lang aalis na ko. Kaya nga sobrang abala ako ngayon.
Nag-shopping na rin ako ng mga kailangan ko tulad ng swim suits, sun block,shades, sun hats, at marami pa.
First travel ko 'to kaya dapat wala akong malimutan. Kaya pagka-impake ko d-in-ouble-check ko talaga ang laman ng maleta ko. Five days lang naman ako doon. Medyo may kamahalan din kase ang pag-stay sa hotel na napili ko. Pero worth it naman kase libre ang breakfast, buffet pa!

~•~

Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kase sobrang excited ko talaga. At nandito na ako sa Airport. Kasalukuyang inaantok sa Departure Area. Nag-inat-inat ako para magising at napatingin tingin sa paligid. Napakaraming tao ngayon sa airport hindi ko akalain na ganun karami ang mga umaalis at dumarating sa Pilipinas.

Habang nag-aantay pa din ng takdang oras ng pag-alis may nakaagaw ng atensyon ko. Isang lalaking naka-shades, naka-office attire. Pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Maputi, matangkad, unat ang buhok. At saka ang kinis niyang tignan, parang mas makinis pa sa akin. At saka parang ang bango-bango niyang tingnan. Para siyang artista.

Inip na inip na ang hitsura niya panay kase ang tingin niya sa relo niya sa kamay at galaw ng galaw ang isang paa habang nakade-kwatro siya at nakahalukipkip pa.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon