Araw-araw akong sinusuyo ni Jillian. Palagi itong dumarating nang mas maaga sa 'call-time' nila. Para lang tumulong-tulong sa amin nang kung anu-ano lang. Basta ang priority niya lang daw ay makasama ako araw-araw. Kahit na madalas ay hindi ko siya pinapansin, o kaya naman ay sinusungitan. Pero binabalewala lang niya ang pang-iisnab ko sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa panunuyo sa akin.
Napaka-manhid ko naman kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa ginagawa niyang panunuyo. Kaya lang, hindi naman sapat ang panunuyo niya sa naging atraso niya sa akin. Kaya dapat maipakita ko sa kaniya na hindi na ako 'yong Lian na nakilala niya noon.
Kailangan kong maipakita sa kaniya na mas matatag na ngayon ang bagong Lian!
Alas-diyes na nang umaga. Andito na ang mga talent, staff, at crew nang pelikula. Dumating na din ang iilang artista. Pero si Jillian, wala pa. Nakakapagtataka kase maaga itong dumarating pero anong oras na wala pa rin siya.
Ano kaya nangyari sa kaniya? Ang alam ko may gagawin siyang eksena ngayon.
"Hi!" bati ni Jeff sa akin. Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na siya. Nasa table counter kami ngayon, kasalukuyang nagtitimpla ako ng kape para sa lahat.
"Ikaw pala! Coffee?" alok ko.
"Yes, please."
Agad ko siyang inabutan nang isang tasa ng kape.
"Thank you." sabay ngiti sa akin. "Ahmm.. By the way, marami ka bang alam na beautiful spots dito sa Tagaytay na pwedeng i-recommend? Just in case lang na mangailangan kami ng place na magandang pag-shoot-ingan.""Naku, pasensiya ka na. Konting lugar pa lang napupuntahan ko dito." sagot ko. "Masyado na kase akong abala dito, hindi ko na magawang gumala pa." sagot ko rito.
"Ah...okay." sabay higop ng kape. Kaya lang lumigwak ang iniinom niya kaya naman tumapon iyon sa damit niya. "Aw, shit!"
"Oh my--- Diyan ka lang kukuha ako ng pamunas!"
Walang kamalay-malay ang mga taong nasa paligid namin sa nangyari kay Jeff, dahil abala ang mga ito. Mabilis akong naghanap ng table napkin at burn ointment sa cabinet. Napakainit pa naman nang kape na 'yon, siguradong napaso siya!
Pagkahanap ko, ako na mismo ang naglinis ng natapong kape sa damit niya. Binuksan ko din ang ilang butones ng damit niya sa bandang itaas para mapunasan ang dibdib nito. Pulang-pula ang dibdib nito dahil sa paso.
"Ang laki ng nabanlian sa 'yo!" sabi ko. "H'wag kang mag-alala may burn ointment ako dito. Kung gusto mo lagyan ko na para gumaling agad."
"S-sige. Kung okay lang sa 'yo."
"Oo naman!"
Dahan-dahan kong nilapatan ng pang-lunas ang nabanlian sa kaniya. Marami akong burn ointment na naka-stock dito sa cabinet. Para sa ganitong pangyayari ay may panglunas kami.
"Anong ginagawa niyo?"
Napatigil ako sa paglalagay ng ointment sa dibdib ni Jeff dahil sa taong bigla na lamang nagsalita. Si Jillian.
Nagulat ako sa pagdating niya. Pati na rin ang mga taong nandoon ay napatingin sa kaniya dahil medyo may kalakasan ang boses nito. Akala ko naman 'absent' siya ngayon.
Pansin ko, may kakaiba sa kaniya ngayon. Ang tamlay niya kasing tingnan ngayon. Para siyang may sakit, dahil namumutla siya at nanunuyot pa ang mga labi niya.
"Natapunan kase ako ng kape at ginagamot niya lang ang paso ko sa dibdib." paliwanag ni Jeff kay Jillian."Puwede mo namang gawin mag-isa yan, ha!" sabi ni Jillian na tila naiirita sa sagot ni Jeff.
Nahiya tuloy ako sa inasal ni Jillian kay Jeff, para kasing gusto niyang palabasin na pinilit ako ni Jeff na maglagay ng ointment sa dibdib nito.
"Jeff, sandali lang, ha?"sabi ko kay Jeff at binigay ko sa kaniya ang ointment.Pinagtinginan nila kami nang hilahin ko palabas nang coffee shop si Jillian at dinala ko ito sa may Greenhouse.
~•~
"Ano bang problema mo? Bakit mo sinungitan 'yong tao?" tanong kay Jillian nang madala ko ito dito sa Greenhouse.
"Kase... Kase ayokong makita kang may inaasikasong ibang lalaki. Maliban na lang kung pinsan mo 'yon, Tito, o kaya Lolo mo!" rason niya.
"Ano?"
"Narinig mo naman ako, 'di ba? Bakit kailangan mo pang ipaulit?" balik-tanong niya sa akin.
"Wait--- Nagseselos ka ba?"
"Oo! Nagseselos ako!" pasigaw niyang sagot sa akin. Hindi ko maiwasang ma-shock sa sagot niya, ilang beses akong napapikit.
Grabe! Napaka-straight-to-the-point naman nang tao na 'to!
"Pero, wala namang 'TAYO'. Kaya kung ako sa 'yo hindi ko sasayangin ang lakas ko sa pagseselos, okay?" sigaw ko rin sa kaniya. Makaganti lang.
"Mahal kita. Kaya kahit ano pang sabihin mo, magseselos at magseselos ako. Kaya sa oras na may magpa-cute sa 'yo o kaya naman pormahan ka, pasensiyahan na lang kami. Hinding-hindi sila makakalapit sa 'yo!" babala niya. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Nakakatakot palang mag-selos ang taong 'to!
Kaya naman napapalunok na lang ako sa sarili kong laway. Nakakasindak kase siya. Kung makatingin, tiger look pa!
Bigla itong napasapo sa sintido niya na ikinabahala ko.
"Jillian, Okay ka lang?" nag-alala ako bigla. Agad ko siyang nilapitan para suportahan at inalalayang umupo sa upuang kahoy doon. Isinandal ko ang ulo niya sa pader at sinapo ko ang noo at leeg niya.
Napakainit ng temperatura ng katawan nito. Inaapoy siya ng lagnat.
"Diyos ko-- Ang taas ng lagnat mo! Dapat umuwi ka na lang at magpahinga." pag-aalala ko sa kaniya."Kaya ko naman, hayaan mo lang ako magpahinga saglit." saad niya.
"Antaas nga ng lagnat mo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Umuwi ka na!" nakakapikon ang taong ito, masyadong dedicated sa trabaho. Masama na nga ang pakiramdam.
"Kahit umuwi ako, wala namang mag-aalaga sa akin!"
"Si Mama! Ah...este si Tita Isabel!"
"Nagbakasyon sila ni Celestine."
"Dalhin na lang kaya kita sa hospital." suggestion ko.
"Kakasimula pa lang ng lagnat ko. Ayoko! Isa pa, pahinga lang 'to!" sabi niya pero nag-aalala pa rin ako sa kaniya.
"Kaya nga dapat umuwi ka na para makapagpahinga ka nang maayos!" pangungulit ko dito.
"Ayoko nga!" nakulitan yata siya sa akin, tinalikuran kase ako. Nahabag naman ako sa taong ito. Wala kasing mag-aalaga sa kaniya kapag umuwi siya ngayon sa kanila.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...