Sa tuwina'y naaalala
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba...Paborito ni Papa ang kantang yan ni Rey Valera. Naalala ko tuloy si Papa nong itinuro niya sa akin ang chords nun sa gitara. Miss ko na talaga si Papa!
Pagkatapos ni Tito Roldan kumanta masaya kaming nagpalakpakan.
"Insan, ikaw naman ang kumanta!" sabi ni Liza sa akin."Ha! Nakakahiya!" tanggi ko.
Hindi naman kase kagandahan ang boses ko pero nasa tono naman.
"Sige na, Lian. Kantahin mo 'yong lagi mong kinakanta nong highschool tayo!" sabi naman ni Benj. "Ipagtutugtog kita ng gitara!"
"Oo nga, Insan! Tayo-tayo lang naman!" pag-uudyok pa ni Liza.
Mahilig kase kaming magdala ng gitara sa school dati, tapos kapag walang guro ay nagsisikantahan na lang kami gamit-gamit ang gitara. Napasulyap ako kay Jillian, napanatag ako nang tanguhan niya ako.
Napilit na nga nila ako. Lumipat ako ng pwesto, sa may tabi ng gitarista kong si Benj. Kinanta ko ang 'Para sa Akin' ni Sitti Navarro. Paborito ko kase si Sitti, kaso lang hindi ko magawang gayahin ang style niya sa pagkanta niya. Pero syempre binigay ko ang 'best' ko para mabigyan ng hustisya ang kanta.
🎶Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin,
Para sa akin...🎶Habang kumakanta ako, napapansin kong napaparami na ang pag-inom ni Jillian ng lambanog. Tapos, ang sama pa niyang makatingin sa amin ni Benj habang kumakanta ako.
Pagkatapos kong kumanta nagpalakpakan sila. Pansin ko, napipilitan lang pumalakpak si Jillian.
Ano kaya problema nito? Parang tinotopak siya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
Nakatingin ako kay Jillian habang bumabalik ako sa dati kong pwesto. Tinaasan niya lang ako ng kilay, tila nagtatanong ito kung bakit ako nakatitig sa kaniya. Umiling lang ako. Hindi kase ito ang tamang oras para magtanong din sa kaniya, kung ano ang problema niya.
"Ako naman!" sabi ni Jillian. Medyo tipsy na ito. "Kakantahan ko ang Mahal ko!" sabay tingin sa akin.
Napangiwi ako. Kinikilig-kilig si Liza sa amin. Si Benj naman ay sumimangot ang mukha. Halatang nagseselos.
Medyo lasing na si Jillian. Hindi ko alam kung alam niya ang ginagawa niya.
Iniabot ni Benj ang gitara kay Jillian. Nang mahawakan niya ang gitara ay humarap pa ito sa akin bago magsimulang kumanta. Para naman hindi siya mapahiya, humarap na lang din ako sa kaniya.
It's amazing how you can speak right to my heart
Without saying a word, you can light up the dark
Try as I may I could never explain
What I hear when you don't say a thingThe smile on your face let's me know that you need me
There's a truth in your eyes saying you'll never leave me
The touch of your hand says you'll catch me if wherever I fall
You say it best when you say nothing at allD'yos ko! Kumakanta lang naman siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? At hindi ko pa maalis sa kaniya ang paningin ko. Dahil gustong-gusto kong panoorin ang ngiti niya, tapos sinabayan pa nang matatamis niyang titig sa akin.
Palabas pa rin ba 'to? O Dapat na kong umasa na matututunan din natin mahalin ang isa't-isa?
~•~
Umuwi kaming buhat-buhat ni Benj si Jillian. Mas malaki kase ang katawan ni Benj kaysa kay Enzo, kaya si Benj na lang ang nagbuhat kay Jillian. Na-knock-out talaga siya ng lambanog. Kaya ngayon ay bitbit siya ni Benj na parang isang sako ng bigas.
"Alam mo, Insan kanina halos mamatay ako sa kilig sa inyong dalawa!" sabi ni Liza habang naglalakad kami. Napangiti na lang ako. Aaminin ko, kahit ako ay kinilig sa ginawa ni Jillian.
Inihatid nila kami hanggang kwarto. Pagkatapos ay umuwi na rin sila. Pagkaalis nila tinanggal ko kaagad ang sapatos at medyas ni Jillian. At isinunod ko ang jacket niya, para mapreskuhan naman siya.
Pagtayo ko, bigla niya akong hinila. Bumagsak ako sa ibabaw niya at niyakap ako nang mahigpit. Pagkatapos, inihiga niya ako ng maayos. Inihanday pa niya ang isang hita sa akin.
"Jillian--- Di ako makahinga!" reklamo ko.
"H'wag ka nang lumabas ng kwarto. Tabihan mo na lang ako dito." sabi niya.
"Maghihilamos lang ako."
"H'wag na, hindi mo na kailangan nun kase maganda ka na. Kaya matulog na tayo." bola niya sa akin habang nakapikit ang mga mata.
Napabuntong-hininga na lang ako. Para siyang bata. Ganito pala siya malasing, bumabalik sa pagkabata. Pero hinayaan ko na lang siya sa gusto niya para makatulog na siya.
~•~
Tapos na ang bakasyon namin. Malungkot akong nagpaalam kina Mama, at sa buong mag-anak ko. Back to normal na naman ang buhay ko. Nakakabitin naman ang bakasyon na 'yon. May trabaho pa kase si Jillian kaya hindi kami pwedeng magtagal doon.
Naging hands-on ako sa pagiging ina kay Celestine. Lalo na't umuwi na si Tita Isabel sa bahay niya. Kaya kapag wala si Jillian kami lang ni Celestine ang naiiwan sa pagkalaki-laking bahay na 'to. Wala man lang akong malibangan bukod kay Celestine. Nag-surf ako sa internet na pwedeng gawin sa bahay.
At naging interesado ako sa 'baking'. Hindi ko pa nasusubukang mag-bake ng kahit ano. Gusto kong subukan ito, kahit isang beses lang sa buhay ko. Kaya agad-agad kaming umalis ni Celestine para mag-grocery. Balak kong gumawa ng chocolate cake.
Nang makabili ng ingredients, sinimulan ko na ang pagbe-bake habang binabantayan si Celestine. Maingat kong sinundan ang instructions. Siniguro ko din tama ang bawat sukat ng ingredients. Ayokong mapahiya kay Jillian, oras na tikman niya ito. Kaya pinilit kong maging perfect ito kahit unang subok ko pa lamang 'to.
~•~
Laking tuwa ko nang mailabas ko na sa oven ang ginawa kong cake. Hindi na din masama ang naging outcome nito. Sigurado matutuwa si Jillian kapag natikman niya 'to.
Matiyaga naming hinintay ni Celestine ang pag-uwi ng tatay niya, sa may sala. Gusto ko kasing ipatikim sa kaniya 'yong cake, pagkarating niya. Kaya lang gabi na, wala pa siya. Kadalasan kase alas-otso ng gabi ang uwi niya. Pero lagpas alas-otso na.
Nagising ako sa pagbukas ng pinto. Nakatulog na pala ako sa sala kasama si Celestine. At kararating lang ni Jillian. Napabangon kaagad ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. Twelve midnight na pala.
"Bakit ngayon ka lang?" inaantok-antok pa ko.
"Nagkayayaan lang kaming lumabas kasama ang mga staff ng pelikula." sagot niya.
"Ah, ganun ba?"
"Inaantay mo ba 'ko?" tanong niya.
"Hindi!" in denial kong sagot.
"Bakit dito kayo natulog?"
"Nakatulog na lang din ako, habang nanonood sa laptop ng movies." palusot ko.
"Okay. Magpapalit lang ako." sabay tumalikod siya.
"Kumain ka na ba?" napalingon ulit siya, "Nagluto ako ng ulam kanina baka gusto mo..." alok ko.
"Busog pa 'ko,e."
"Ah, Cake kaya? Nag-bake ako ng cake. Baka gusto mong i-try!" sunod na alok ko rito. Hindi ako makakapayag na hindi niya matikman ang Cake. Inantay antay ko pa naman siya.
"Sige."
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...