15: Lover's Quarrel

54 2 0
                                    

'Yong lalaking 'yun hindi man lang nagpaalam. Grabe siya!
Oo alam ko, no strings attached. Pero wala naman sigurong masama kung sasabihin niya kung saan siya pupunta, di ba? Nakakainis talaga siya...

Teka, bakit ba ko nalulungkot? Bakit ba ako naaapektuhan? Hindi naman ako dati ganito.

Ginugol ko na lang ang panahon ko kay Celestine, nang sa ganun mawala ang inis ko sa tatay niya. Araw-araw ko siyang pinapaarawan tuwing umaga, maganda raw gawin 'yon sa pagitan ng alas-siete hanggang alas-otso ng umaga para naman makakuha ng vitamin D si baby. At bonding na rin namin iyon ni Celestine.

Kapag tulog siya, naglilinis ako ng bahay. Kailangan maging malinis ang paligid para hindi agad kapitan ng sakit si Celestine kaya naman bawat sulok ng bahay sinisiguro kong malinis. At sa gabi naman magkatabi kaming natutulog.

Lumipas pa ang mga araw. Hindi man lang ako nakakatanggap ng tawag o kaya text message man lang mula kay Jillian. Samantalang kay Tita Isabel ay tumatawag siya, video call pa!

Ano kayang trip nang taong 'yon?! Hindi man lang ako kumustahin. Ngayon ko lang naisip napakahirap pala ng pinasok ko. Kasal nga ako sa isang tao kaso hindi ko siya pwedeng pakialaman. Hayyy...

Pero kahit ganun ang ginagawa niya sa akin, gusto ko pa rin malaman kung 'kumusta' na siya.

Pang-siyam na araw na ni Jillian sa Hongkong ngayon. Uuwi na lang siya, wala pa rin siyang paramdam sa akin. Grabe naman ang taong 'yon napaka-insensitive niya!

~•~

Iniwan ko muna si Celestine sa Lola Isabel niya para mag-grocery sa supermarket. Naubusan na kase kami ng mga kailangan sa bahay, pati gatas ni Celestine malapit ng maubos. Napakalakas na kase niyang dumede tila nagmamadali siyang lumaki.

Napakahaba ng pila ngayon sa grocery-han, Pay day kase. Nangangalay na ako sa pagtayo habang nakapila. Kaya ganun na lang ang tuwa ko nang makarating na ako sa unahan. Nang malapit ng matapos mag-swipe ng mga item ang kahera, kinuha ko na ang wallet ko sa bag para kunin ang credit card na binigay ni Jillian sa akin. Kaya lang...

"Nasaan na ba 'yon?!" sabi ko habang nagkakalkal ng bag.

Wala kase sa wallet ko ang credit card ni Jillian. Wala pa naman akong cash!

"Six thousand seven hundred eighty-one po lahat, Ma'am." sabi ng kahera.

Wala talaga sa bag ko ang credit card, ano nang gagawin ko?!

"Ahm, Miss okay lang ba na ipa-hold ko muna ang mga pinamili ko? Naubusan kase ako ng---"

"Eto na lang Miss ang gamitin mo." sabi ng isang lalaki at iniabot niya ang credit card niya sa kahera.

"Tristan?"

Ngumiti ito sa akin.
Sh*t ang gwapo niya talaga! Wait--- This is not the right time para purihin siya!

"Nice to see you again, Lian!" bati niya sa akin.

Pagkatapos sa grocery-han, inilibre pa ako ni Tristan ng ice cream sa isang Ice Cream Parlor at doon na rin namin kinain ang order namin.
"Thank you pala kanina at saka sa ice cream!" pasasalamat ko.

"You're always welcome!"

Napangiti ako. "Mag-isa ka lang?" tanong ko.

"Oo. Nanood lang ako ng movie. Anyway, si Jillian nasaan siya?" usisa niya.

"Nasa Hongkong may shoot sila doon. Bukas pa ang uwi niya."

"Ah." patango-tango pa siya.

"Kwento ka naman magka-ano-ano kayo ni Jillian?" tanong ko sa kaniya, gusto ko kase siyang makilala pa. "Hindi kase palakwento si Jillian."

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon