About the Author
Since Highschool nagsusulat na ako nang kahit anu-ano lang. Hanggang sa naadik na ako magsulat. Marami-rami na rin akong nagawang iba't-ibang stories. At sa simula palang romance na ang genre ko. Kaya lang sa kasamaang palad hindi ko na alam kung nasaan na 'yong mga nasulat ko na kase sa notebook lang ako dati nagsusulat. Mahirap lang po kami, wala po kaming computer. Kaya notebook-notebook lang okay na sa 'kin, basta makapagsulat lang!
Na-stop ako magsulat dahil sa wala akong time dati at writer's block na rin (feeling writer talaga ako!) Kaya ito medyo nakakapanibago kase sobrang tagal na 'nong huling magsulat ako. Dahil nasa bahay lang ako, i'll take this opportunity. Dahil parang sasabog na ang utak ko sa dami ng 'plots' ng stories na naiisip ko. Kaya i decided na magsulat ulit. This time, hindi na sa notebook kundi sa apps na 'to.
Thanks for this apps kase maraming aspiring writer ang nabibigyan ng magandang break at nakakapag-release ng book. Actually, may bumasa lang nito masaya na 'ko! What more kung, maging libro pa, 'di ba? (Malay lang naman natin!) Sa lahat ng bumubuo ng Wattpad, baka naman po! Char lang!
Napakasarap lang talagang gumawa ng ganitong story lalo na't sa visual mo kunwari ikaw 'yong bida. Siyempre, parang goal mo na kailangan maganda ang kalalabasan ng love story mo kase love story mo 'yon.
So, 'yon! Gusto ko lang i-share kung paano ako nakakagawa ng ganitong stories. Napakasarap lang mag-share. Ika nga nila, Sharing is Caring!
This is my very first story here in wattpad.
Sa totoo lang, ang hirap palang magsulat ng story na first-person POV. Sanay kase ako sa third-person POV (mala-pocketbook)And, gusto ko pong linawin na hindi ako ganoon kagaling mag-english. Kaya kung may mali sa grammar ko, o kaya wrong spelling, ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensiya. Tao lang din po ako at hindi ganun kataas ang IQ ng lola niyo. Sobrang depensive po ba? Hehe gan'to lang talaga ako. Pero syempre, binuhos ko 'yong buong puso ko (corny man, pero totoo) para maganda ang kalalabasan nito. Yun 'yong pinaka-importante sa lahat, gusto mo 'yong ginagawa mo!
And, konting trivia lang!
Etong story na 'to ay inspired kay Mike D. Angelo, artista po siya sa Thailand. Kung hindi niyo po siya kilala pa-search na lang po kay Google! Ayun, siya 'yong ginawa kong bida sa story na 'to. Ini-imagine ko siya all the time, maganda kase 'yong may visual support ka para lalo kang mapamahal sa characters ng bawat isa.Kapag inspire ka, may masusulat ka.
Importante din na may experience ka sa maraming bagay kase mas maraming experience, mas lalawak pa ang kaisipan mo sa pagsusulat ng isang istorya. Mga Tip ko po 'yan para sa mga nagbabalak na magsulat d'yan (Go lang! Wag matakot magsulat!)Another trivia, napakarami niyang chapter pero each chapters mga 1000-1300 words lang siya. At bawat chapter siniguro ko talaga na may aabangan ang reader. Kaya sana hindi po kayo mag-skip ng kahit isang chapter dahil baka malampasan niyo ang iilang kilig moments ng mga bida!
Hopefully, Mag-enjoy kayo o kaya Nag-enjoy sana kayo sa love story na 'to!
Thank you po!
Franjzane Ruizz
My Pen nameP.S.
Ang mga nakasaad po dito ay imahinasyon lamang ng may-akda. Wala po itong pinag-gayahan. Orihinal na likha ni Ms. Franjzane Ruizz😘P.P.S.
Sana lang po ay huwag itong kopyahin o gayahin nang walang permiso ng may-akda.And by the way!
You are free to leave a comment.
And i hope you will like, vote and share this my story. Thank you in advance!
😘😘😘
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomansaWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...