Four months na rin ako nagkukulong sa kwartong 'to, lalabas lang ako para bumili sa tindahan ng makakain. At pag may dumalaw sa 'kin na kaibigan o katrabaho, hindi ko pinagbubuksan ng pinto. Ayokong makita nila ako sa ganung sitwasyon.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Lalo na't wala na rin akong trabaho mas lalo akong nawalan ng pag-asa na magsimula ulit. Kung pwede lang pumatay ng tao eh uunahin ko na talaga ang ex-boyfriend ko! G*go siya!
At ako naman tanga! *sad face*Kahit sa sarili ko galit na galit ako kung bakit naman kase masyado akong naging kampante sa kaniya.
Eight years. Eight years ang nasayang sa buhay ko, bwisit siya!
Nong una akala ko panaginip lang eh na nakikipag hiwalay na siya kase hindi agad-agad nagsi- sync-in sa braincells ko ang mga sinabi niya. Pero nong sinabi na niyang hindi na niya ako mahal----
Wala na...tapos na talaga. Hanggang doon na lang 'yon.At sa muling pagkakataon tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Kung pwede lang kausapin ko ang mga body parts ko, uunahin kong kausapin ang puso ko. Sasabihin ko na huwag na siyang malungkot marami pang iba diyan. At ang sunod ang mga mata ko papagalitan ko siya nang ganito, "tama na! Huwag ka ng umiyak! Hindi ka ba napapagod?"
Hayyy, ano ba iniisip ko?
Baliw na ba 'ko?
Hindi pwedeng laging ganito, namumukmok, nakakulong sa kwarto. Dapat makaisip ako ng paraan para makawala sa kalungkutang 'to.Napasinghap ako sa paligid ng kwarto. At napatingin ako sa bag ko na ginagamit ko dati sa pagpasok sa trabaho. Naalikabukan na eto dahil siguro sa hindi na nagagamit. Hinalughog ko 'yon. Wala lang gusto ko lang siyang tignan nakalimutan ko na din kase kung ano ang mga laman ng bag na 'yon.
Marami palang laman ang bag na 'yon. Make-up kit, wallet, extra sanitary napkin, panyo, payong, at passbook. Napakuno't-noo ako at curious sa laman ng passbook ko. Hindi ko na kase maalala kung magkano na ipon ko. Pagbukas ko ng passbook, nagulat ako malaki-laki na rin pala ang laman ng deposit account ko.
E, paano ba naman hindi lalaki 'yon? Nuknukan ng kuripot ang Ex ko! Kahit na sabihin kong ako ang gagastos. Sa loob ng eight years never pa kame nakapag-travel as a couple which is gustong-gusto 'kong gawin. I-save ko lang daw ang pera for the future.
Pero ano nangyari?
Wala na kame!
Para saan na 'tong pera na 'to?Doon ko napatunayan, aanhin mo ang pera kung wala naman 'yong taong mahal mo sa tabi mo.
Napasandal ako sa kinauupuan ko, napabuntong-hininga, napaisip. What if, mag-travel ako? Kahit mag-isa.
What if, gawin ko lahat ng gusto kong gawin? Lahat ng bagay na pinagbawal sa 'kin ng ex-boyfriend ko.
What if, hindi pa rin ako makalimot kahit gawin ko 'yon?
Napapikit ako at napa-iling, napabuntong-hininga.
At least,sinubukan mo! Sabi ng isip ko."Tama! ganyan nga, Lian!" motivate ko sa sarili ko.
Bigla akong ginanahan, parang bigla akong nagising sa katotohanan.
Binuksan ko ang ilaw ng kwarto nang sobrang liwanag, dati kase lagi lang naka-dim light. At lumabas na ang katotohanan ng hitsura ng kwarto ko, maalikabok, kung saan-saan nakalagay ang damit. Ang gulo-gulo ng cover sheets ng kama at iba na rin ang amoy ng kwarto. Sa nakikita ko ngayon, ginanahan ako maglinis!Walis dito,walis doon, ligpit dito, ligpit doon. Nagpalit na din ako ng cover sheets ng kama at ng mga kurtina sa bintana. Nag-mop pa 'ko ng sahig para siguradong malinis. Habang sa pagwawalis ko ng ilalim ng kama may nakita pa kong sando na kulay puti,madumi na ito. Sando ng ex-boyfriend ko. Sa bwisit ko na makita ko 'yon, ipinunas ko sa sahig pagkatapos ay tinapon ko sa mga gamit na itatapon ko na!
Bitter kung bitter pero gusto ko na talaga siyang burahin sa buhay ko mula ngayon!
~•~
Tapos na ko mag-linis ng kwarto, hindi pa naman ako pagod at gutom kahit na biscuit palang ang laman ng tiyan ko. Kaya sinunod kong linisin ang sala, kusina, at CR. Maliit lang naman ang bahay na'to bungalow type may dalawang kwarto.
Sa parents ko 'tong bahay na 'to. Simula nong namatay ang Papa ko, si Mama umuwi ng probinsya nalulungkot daw kase siya dito kaya umuwi siya don at sa bahay ng lola ko siya tumira. Wala na rin ang lola, bahay na lang ang nandoon. Andoon din kase ang mga kapatid niya kaya mas pinili niyang manirahan doon.
Wala akong problema kay Mama pagdating sa pera dahil nakakatanggap naman siya ng pension ni Papa simula nong mamatay ang Papa. Kaya etong bahay na 'to pamana na raw niya sa 'kin. Nagalit pa nga ako kase buhay pa siya may pamana na siya kaagad sa akin.
Nang makaalis ang nanay dito nagsama na kame ni Jake na Ex-boyfriend ko, kase akala namin 'kame' na talaga hanggang dulo.
Five years na mag-'boyfriend' at three years na maglive-in partner. Nag-sama kame for three years at sa loob ng three years naiba ang hitsura ng bahay dahil kay Jake.
Marami kase siyang ayaw, tulad ng kurtina sa bintana. Mainit daw kase pero nagpalagay naman ng blinds.
At saka 'yong halaman sa loob ng bahay na pang decorations lang, ayaw niya rin nun kase nagdadala lang daw 'yon ng mga hayop na lumilipad-lipad hindi ko alam ang tawag don nakalimutan ko na!
At blah,blah,blah!!!So, ngayong wala na siya gagawin ko na lahat ng gusto ko sa bahay na 'to!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...