33: His Tears

53 2 0
                                    

"Alam ko na bawal akong lumapit sa 'yo dahil iyon ang gusto mo. Pero... Pasensiya ka na, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi ka lapitan." katwiran ni Jillian sa akin. Pero kahit anong matatamis na salita ang bigkasin niya sa akin ngayon ay hindi na ako maniniwala!

"Ano bang kailangan mo?" pagtataray kong tanong dito.

"Gusto ko lang mangamusta."

"Okay lang ako! Makakaalis ka na!" masungit kong pagtataboy dito.

At biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis na hinubad ni Jillian ang leather jacket niya, pagkatapos ay ginawa niyang payong iyon para sa aming dalawa. Napatingin ako sa kaniya nang mga oras na 'yon dahil hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon.

"Tara na? Bumalik na tayo sa coffee shop." yaya nito sa akin.

"H-ha? Hindi. I mean, ikaw na lang ang bumalik. Dito na lang ako sa loob ng Greenhouse. Excuse me." umalis ako sa pagkakasilong ko sa ilalim ng jacket niya at binuksan ko ang pinto nang Greenhouse. Kaso sumunod siya sa akin sa loob kahit walang permiso galing sa akin. "Bakit mo ba ako sinusundan?" naiinis kong tanong sa kaniya pagkapasok niya.

"Malakas pa kase 'yong ulan. Mamaya na lang siguro ako babalik sa coffee shop kapag tumigil na ang ulan."

"Wala akong pakialam, basta ayokong nandito ka---" naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagkidlat at pagkulog nang malakas sa kalangitan. Kaya napapikit ako nang mariin dahil sa takot. "D'yos ko po!"

Transparent pa naman ang bubong ng Greenhouse kaya kitang-kita ko ang liwanag na nagmumula sa kidlat na ikinatakot ko nang sobra. Napalapit tuloy ako sa kaniya habang takip-takip ko nang aking mga kamay ang aking mukha. Hanggang sa magkasunod-sunod pa ang pagbulusok ng kidlat at kulog. Sa takot ko, itinago ko ang aking mukha sa balikat ni Jillian.

May phobia kase ako sa kidlat at kulog. Nong bata pa ako, nasaksihan ko sa probinsiya namin kung paano tumama ang kidlat sa isang puno ng mangga. Nasunog ang puno, mabuti na lang ay umuulan noon at mabilis namatay ang apoy. Simula noon ay takot na takot na ako sa kidlat at kulog.

Naramdaman kong ikinulong ako ni Jillian sa mga bisig niya.
"Ssshh... Nandito lang ako." bulong niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ligtas na ako.

~•~

Sa wakas, ilang sandali ay tumigil na din ang pagkikidlat at pagkulog, pero medyo malakas pa rin ang ulan. Kaya nandito pa rin kami sa loob ng Greenhouse. Nakaupo kami ngayon sa upuan na gawa sa kahoy.

Yakap-yakap ko ang aking mga binti dahil sa lamig nang panahon. Marahil napansin ni Jillian na nilalamig ako kaya inilagay ni Jillian ang leather jacket niya sa aking likuran at nakatulong naman iyon para maibsan ang lamig na aking nararamdaman.

"Salamat." pasasalamat ko. Kahit papaano ay na-appreciate ko ang ginawa niya.

"Basta ikaw."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya. Hindi ko alam na nakatingin pala siya sa akin kaya umiwas ako nang tingin sa kaniya dahil naiilang ako.

"Matagal na kitang hinahanap. Dito lang pala kita makikita." saad niya.

Pinagtaguan ko kase ito simula noong maghiwalay kami. Dahil iyon ang nararapat.

"Dahil wala nang dahilan para magkita pa tayo ulit." saad ko.

"Para sa 'yo wala nang dahilan pero para sa akin meron..."

Napangisi ako sa narinig ko. Ano na naman kayang kalokohan ang sasabihin niya?!
"At ano naman 'yon?" tanong ko.

"Simple lang. Dahil sa... Mahal kita."

Natawa ako sa rason niya. "Anong pinagsasabi mo? Nakakatawa ka alam mo ba 'yon!" insulto ko sa kaniya.

"Totoo yon. Mahal kita, noon pa!" pag-uulit pa niya na may halong pagka-inis.

"H'wag mo nga akong pinagti-trip-an. Annuled na tayo lahat-lahat, tapos sasabihin mo 'yan sa akin ngayon! Baliw ka ba?" galit kong saad rito.

"Siguro nga. Baliw na 'ko. Pero gusto ko lang linawin sa 'yo na naipit lang ako sa sitwasyon ko noon. Na kailangan kitang bitawan para kay Sarah dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya. Malala na kalagayan niya noon, wala rin siyang pamilya dahil ulila na siya. Kaya sumama ako sa kaniya bilang isang kaibigan." paliwanag niya.

"I loved you Lian. Hanggang ngayon. Hindi ko lang nagawang aminin sa 'yo noon. Dahil naging kumplikado na ang lahat." patuloy pa niya.

Bigla na lamang pumatak ang mga luha sa mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala ngayon sa mga sinasabi niya. Mahal pala niya ako pero bakit ganun? Mas pinili niyang saktan ako. Hindi ko pa rin siya maintindihan.

"Ang buong pag-aakala ko, si Sarah ang mahal mo dahil siya ang pinili mo. Sobrang sakit Jillian.." pinagdiinan ko sa kaniya ang salitang 'Sakit'. "Pinagdusa mo ko sa mahabang panahon. Tapos malalaman ko na lang, na maling-akala ko lang ang lahat nang 'yon!" napatayo ako at hinarap siya.

"Grabe, ang galing mo,noh?
Best actor ka talaga for all times. Kahit ngayon! Akala mo, maniniwala pa 'ko sa 'yo?" umiling-iling ako. "Hindi na. Hindi na Jillian, dahil ayoko nang magpakatanga sa 'yo!" galit na galit kong saad sa kaniya.

"Tama na 'yong gabi-gabi akong umiiyak nang dahil sa 'yo. Iyong... pagkukulong ko sa kwarto, nang dahil sa kahihiyan." lalo akong naging emosyonal. "Tama na 'yon, Jillian. Ayoko nang makitang nasasaktan ang pamilya ko nang dahil sa akin!" pakiusap ko sa kaniya.

"I'm sorry, Lian..." tumayo ito at nagtatangka siyang hawakan ang mga kamay ko. Kaya lang pilit kong iniiwas ang kamay ko sa kaniya.

Napaupo ako dahil pakiramdam ko ay nawalan ako nang lakas. Pagkaupo ko ay lumuluhang lumuhod ito sa harapan ko.

"I'm sorry, kung hinayaan kong masaktan ka. Pero hindi ko naman ginusto 'yon. Kung alam mo lang, halos mabaliw ako nong mawala ka sa buhay ko. At araw-araw kong sinisisi ang sarili ko sa pag-alis mo. Kaya hinanap kita ulit, kaya lang nabigo ako. Nagpakalayo-layo ka na raw sabi ng pamilya mo. At ayaw nilang sabihin sa akin kung nasaan ka."

Pilit ko siyang pinagtaguan noong mga panahong hinahanap niya ako sa probinsiya. At tanging sina Tito at tita lang ang humaharap para kausapin siya.

"Mas maganda raw na itigil ko na lang ang paghahanap sa 'yo, dahil iyon raw ang pinakamagandang magagawa ko para sa 'yo. At naniwala naman ako. Pero... kahit tumigil akong hanapin ka, palagi ko namang pinagdarasal sa Diyos na... ibigay ka niya ulit sa akin. At ngayong nakita na kita, sisiguraduhin kong hindi ka na mawawala sa 'kin."

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon