31: New Chapter

54 2 0
                                        

Maraming nagulat sa biglaang paghihiwalay namin ni Jillian. Mula sa pamilya namin, kaibigan, at syempre ang kaniyang mga 'fans'. Umuwi ako kay Mama nang luhaan at humingi ng tawad sa lahat. Ni-isang salita wala akong narinig mula sa kaniya, sa halip niyakap niya lang ako.

Hindi naging madali para sa akin ang nangyari. Nagkulong na naman ako sa kwarto ko. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay kasama ko si Mama. Hinayaan niya lang ako magmukmok, umiyak, at mag-isa. Tinulungan talaga ako ni Mama hanggang sa makabangon ako ulit.

After Three Years...

Heto na ako ngayon, isa na sa mga may-ari nang Studio Coffee Shop. Co-owner ko sina Liza at Leslie. Pare-parehas kase kaming hindi makahanap ng trabaho kaya nagtayo na lamang kami ng business dito sa may Tagaytay.

Kakaibang pakulo ang ginawa namin sa coffee shop namin. Tuwing Sabado't Linggo kapag may magdi-dine-in sa amin, kinukunan namin sila nang litrato gamit ang Instax para ma-develop agad ang hard copy nito. Pero siyempre, hinihingi pa rin namin ang abiso nila kung gusto nila magpakuha ng litrato.

Naisip kong gawin gimik iyon dahil sa mahilig akong kumuha ng litrato nang ibang tao, lugar, pati hayop. Kaya nagmistulang may exhibit sa loob ng coffee shop sa dami ng mga naka-frame na picture sa pader. Karamihan dito ay mga stolen shots. Kaya naman tinawag namin itong 'Studio Coffee Shop' dahil sa konsepto nito.

Sa akin nakatoka ang pag-record ng mga paglabas ng pera, expenses, at sales. Kaya naman minsan maghapon akong nakatutok sa computer. Kapag may free time ako, tinutulungan ko sina Liza at Leslie sa counter at sa pag-serve.

At ang nagmistulang photographer namin ay si Enzo. Siya na rin minsan ang gumagawa ng mabibigat na trabaho tulad ng pagbubuhat at nang maintenance ng mga nasisirang gamit sa coffee shop. Kaso extra lang siya sa coffee shop dahil nag-aaral pa ito. Tumutulong lang siya ngayon dahil bakasyon.

Nakakatuwa nga eh kase nag-click agad ang negosyo namin. Tuwang-tuwa sila sa konsepto nang coffee shop. Binabalik-balikan din nila ang mga cupcakes namin, tinapay, at pies.

Nag-aral kase si Mama mag-bake at nahiligan niya. Napansin kong kahit baguhan siya sa larangan na 'yon, masasarap ang gawa niya. Hindi tulad ko, pagtimpla lang ng kape ang kaya kong gawin.

Oo nga pala, best seller namin dito ang kapeng barako na ako mismo ang nakagawa ng timpla!

~•~

Isang mahabang araw na naman ang natapos. Pagod na pagod kaming apat. Sabay-sabay kaming umupo sa mahabang couch doon. Nagsara na kame dahil alas-nueve na ng gabi. Nang biglang may kumatok pa sa pinto kahit na may nakalagay na don na CLOSE sign board.

"Ano ba yan! Sa sobrang sarap ng kape natin hindi na sila makapag-antay ng kinabukasan!" reklamo ni Leslie. Napangiti na lang kaming tatlo dahil kay Leslie.

"Sige na, Less. Pagbuksan mo na." utos ni Liza.

"Huwag na! Close na nga tayo, di ba?" pigil ni Enzo.

"Oo nga." pagsang-ayon ni Leslie.

"Ako na nga!" prisinta ko. Nakakaawa naman kaseng hindi pansinin 'yong customer. Siguradong nilalamig na ito sa labas dahil sa sobrang lamig ngayon sa Tagaytay.

Tumayo ako at pinagbuksan ko nang pinto ang taong kumakatok.
"Yes, Sir? Ano pong kailangan nila?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Mukha namang hindi siya masamang tao. Maayos ang pananamit niya, sa tingin ko ka-edad ko siya. At mukha siyang nerd, dahil sa salamin niya. Pero cute siya, infairness!
"Hi! I'm Jeff!" inilahad niya ang kaniyang palad na ikinagulat ko.

Akala ko kase, andito siya para mag-kape, 'yon pala para lang makipag-kilala. At hindi ko tinanggap ang kamay niya, kumuno't noo lang ako doon. Agad din naman niyang binawi ang kamay niya nang maramdaman niyang ayokong makipag-shakehands sa kaniya.

"Lian." nag-aalangan kong sagot sa kaniya. "Ano Sir, Magkakape ba kayo o makikipagkilala lang?" tanong ko.

"Both. At kung okay lang na makausap ko ang mga owners nito kase, I have a business proposal."

Business Proposal? O Monkey Business?

"Teka, baka naman modus ka?" tanong ni Enzo. Hindi ko namalayan, nasa likuran ko na pala silang tatlo.

"Bakit andito na kayo?" tanong ko sa tatlo.

"Ang tagal mo kase bumalik!" sagot ni Liza.

"Kayo ba ang mga owners?" tanong ni Jeff.

"Kami nga!" sagot ni Leslie. "Bakit?"

"Leslie!" saway ni Liza dito.

"Teka nga! Bago ka namin kausapin, pahingi kaming Company ID, NBI, Police Clearance. Dapat ang ipapakita mo ay 'yong pinaka-latest!" sabi ko. Mabuti nang makasiguro kaming hindi ito masamang tao bago namin kausapin. Tungkol pa naman sa Business ang pakay niya.

"Sure. Meron ako lahat niyan! Expected ko na 'to. Kung gusto mo ibigay ko pa ang mga personal social media accounts ko para ma-background check niyo ako."

Tinititigan ko ang mga mata niya, sa mata palang kase mahahalata mo ng nagsisinungaling ang isang tao. Mukha namang hindi ito nagsisinungaling.

"O sige na, pumasok ka na!"

Ako pa mismo ang gumawa ng kape niya. Habang inaantay nila ako matapos sa ginagawa ko, nag-uusap na sila sa isang mesa.
"Wow! Totoo nga ang NBI at Police Clearance niya." sabi ni Liza habang sinusuri ang mga personal na dokumento nito.

"Isa ka palang Novel writer. Ang cool!" sabi ni Enzo nang makita nito ang Company ID nito.

"Oo. Tama ka." sabi nito.

"Writer ka pala at hindi business man. Anong klaseng business proposal ang iaalok mo?" tanong ko dito nang maibaba ko ang isang tasa ng kape sa harapan niya, at saka ako naupo sa tabi ng mga pinsan ko.

"Gusto ko sanang dito i-shoot ang mga ilang eksena ng pelikula namin. Novel ko ang pelikulang 'yon. Ang totoo niyan, inspirasyon ko sa storya ko ay ang Coffee shop niyo."

"Talaga?" tanong ni Leslie.

"Na-inspire kase ako sa 'yo, Miss Lian." sabay tingin sa akin ni Jeff.

"A-ako???" tanong ko. Napatingin ako sa mga pinsan ko, binigyan lamang nila ako nang nakakalokong ngiti.

"Yes. Noong soft opening niyo, nandito ako nun. Naabutan kitang kinukuhanan mo nang litrato ang isa sa mga customer mo. Ang saya-saya mo nong araw na 'yon. Ikaw na yata ang may pinaka-magandang ngiti sa araw na 'yon. And that day, nakabuo ako nang isang kwento sa isip ko."

"Hayyy... Nakakakilig naman!" hirit ni Leslie.

Naiilang tuloy ako sa Novel writer na 'to, kung anu-ano kase ang pinagsasabi! Tinutukso tuloy nila ako!
Si Liza naman panay ang siko sa tagiliran ko. Si Enzo kalalaking tao halatang kinikilig din dahil sa laki ng ngiti nito. Napapangiwi na lang ako rito.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon