Heto na!
Dumating na ang araw nang pag-iisang dibdib namin ni Jillian. Pagbukas ng pinto ng simbahan, nasa akin lahat ng atensiyon ng tao. Sa dulo ng pulang carpet na 'to natanaw ko na din ang lalaking papakasalan ko.Nagsimula na akong maglakad sa 'aisle'. Kasabay nun ay ang pagtugtog ng banda at sabay sabay na pagkanta ng mga 'Choir'. Forevermore. Si Jillian ang nag-request ng kanta na yan. Sa totoo lang nababaduyan ako sa kanta na yan pero ngayon hindi ko alam kinikilig na ako sa kantang 'yan.
Habang papalapit ako ng papalapit sa altar lalo kong nasisilayan ang napakagwapo kong 'groom'. Ang gwapo niya ngayon sa suot niyang puting 'tuxedo' na hapit na hapit sa katawan niya. At hubog na hubog ang magandang katawan nya.
Ngayon nandito na ako sa harap ng altar kasama ang taong ito. Wala nang makakapagpigil pa sa kasalang ito. Umiiyak na inabot ni Mama ang kamay ko kay Jillian. Ganun din si Tita Isabel. Nang makaupo na ang dalawa, lumapit si Jillian sa akin at may ibinulong siya sa akin.
"You're so gorgeous!"
Napangiti ako at may ibinulong din sa kaniya. "Matagal na!" biro ko sa kaniya hindi niya napigilang ngumiti ng pagkalaki-laki.
Tumikhim ang Pari.
"Maaari na ba tayong magsimula?" tanong ng Pari sa amin tila nalimutan namin na may Pari sa harapan namin."Yes, Father." sagot naming dalawa at nagsimula na ang Misa.
~•~
"Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have. The gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" sabi ng Pari.
Lumakas ang kabog sa dibdib ko nang marinig ko ang katagang 'You may kiss the bride'.
Bakit nalimutan ko na may ganito nga pala sa isang kasal?
Itinaas na ni Jillian ang belong nakaharang sa mukha ko. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang gilid ng aking pisngi at hinagkan ako sa noo.
Sa noo lang? Hindi naman ako nagrereklamo nagulat lang ako. Pwede palang sa noo lang?! Mabuti naman.
Napangiti ako sa mga bisita kaso biglang hinawakan ulit ni Jillian ang aking pisngi at hinagkan ako ng mabilis sa tungki ng aking ilong. Akala ko ay tapos na pero hindi pa pala.
Muli niyang iniyuko ang ulo niya at dahan-dahan lumapit. Sunod niyang hinalikan ay ang mga labi ko. Napapikit na lang ako. Habang tumatagal, ang halik na 'yon ay lumalalim.
Tumugon ako sa halik niya. Inilapit pa niya ang katawan ko sa kaniya, dahilan para ako'y mapayakap sa batok niya.
"I did not expect. You're a good kisser!" bulong ni Jillian sa akin pagkatapos akong halikan.Napatungo ako at napakagat ako sa ibabang labi ko. Hiyang-hiya ako sa kaniya ni-hindi ako makatingin ng diretso. Hindi ko kase akalain na hahalikan niya talaga ako!
~•~
Nasa Reception na kami. Nagsimula na ang program. Napaka-Star-Studded ng kasal namin. Wala pa sa kalahati ng bisita ang family side ko, mas marami ang sa kaniya kasama ang mga kaibigan.
"Congratulations, Jillian and Lian best wishes to both of you! We wish you to be blessed with a long and happy life together with your daughter and future children." sabi ng lalaking Emcee. "Ladies and gentlemen, it is once again my privilege to present to you Mr. and Mrs. Martin with their First Dance--- Music Maestro!"
Pinatugtog nila ang ni-request kong kanta na 'Can't take my eyes off you' by Frankie Valli. Pinalitan nila ito ng arrangement para mas maganda at mas romantic ang dating dahil may kalumaan na ang kanta.
🎶You're just too good to be true
I can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch...🎶"Bakit 'yan ang napili mo?" tanong ni Jillian habang sumasayaw kami ng Tango. Tatlong araw din namin inensayo ang sayaw na 'to, bilang 'First Dance' namin.
"Bakit maganda naman,a!"
"May naaalala lang kasi ako sa kanta na 'yan."
"Ano?"
"Nong nag-propose ako kay Sarah iyan 'yong background music." kwento niya. Siguro nabubuwisit siyang marinig ang kantang niyan ngayon, dahil naaalala niya ang pag-reject sa marriage proposal niya sa 'Ex' niya.
Bigla tuloy akong nainis, parang gusto kong papalitan 'yong kanta!
"Ah.. E di sana sinabihan mo ko-- 'Uy, Lian h'wag mong papatugtugin 'yong kanta na Can't take my eyes off you,ha? Kase theme song ko 'yon kay Sarah!'." pilosopo kong saad sa kaniya. "Kung sinabi mo ng mas maaga, e di sana napalitan ko kagad 'yong kanta!" sabay irap sa kaniya.
"Nagseselos ka ba?" tanong niya
What the---
"Hindi! nagpapaliwanag lang. At saka bakit ako magseselos? Eh di ba palabas lang naman lahat ng 'to?" depensa ko. "At saka FYI, hindi kita type! Hindi ako mahilig sa gwapo!""Sa panget lang na babaero! Parang 'yong 'Ex' mo!" natatawa-tawa pa siya!
Ngiting-aso ang binigay ko sa kaniya. Nakakainis, ang lakas niyang mang-asar!
Natapos na din sa wakas ang First Dance namin as a married couple. At ang sumunod don ay ang paghiwa sa cake. Dahil sa ininis niya ako kanina sinubuan ko siya ng isang malaking slice ng cake!
Ahahaha, wala siyang nagawa halos mabilaukan siya!
Pagkatapos nun ay ang sabay-sabay na pag-inom ng wine. Sinalinan ng waiter ang isang baso nang wine at nong sasalinan na niya ang isa pang baso pinigilan siya ni Jillian.
"Water na lang 'yong isa." utos ni Jillian. Agad naman sinunod ng waiter ang utos niya. "Thank you." At umalis na ang waiter."Bakit Peach Wine ba 'yan?" tanong ko. At sa pagkakaalala ko, hindi peach wine ang ni-request namin dahil alam kong allergic siya don. Bakit kaya tubig 'yong laman ng isang baso?
"Hindi."
"Eh bakit tubig lang sa 'yo?"
"This is not mine, this is yours!" sabay bigay sa kin ng wine glass na ang laman ay tubig.
"Ano??? Bakit?"
Lokong 'to a ayaw akong painumin!
"Naalala mo nong nalasing ka? Kung anu-ano 'yong pinaggagawa mo. Baka mamaya umiyak ka naman at ipagsigawan mong mahal mo pa 'yong 'Ex' mo!" bulong niya sa akin.
Napapikit ako sa inis.
"Eh ano naman sa 'yo? Kung ipagsigawan ko? Bakit selos ka?"
Nice Lian! Nakaganti ka din!"If i would say 'Yes'?"
Natawa ako sa sinabi niya, siraulo talaga 'to. Araw ng kasal namin pinagtri-tripan ako!
"A celebration is never complete without a toast and a bottle of good wine. Let us now bring out the good wine and pour them to our glasses. " sabi ng Emcee.
"Cheers!" sabi ng mga guest. At sabay-sabay nilang ininom ang mga wine nila. Samantalang ako ay tubig lang!

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...