20: Salty Cake

40 2 0
                                        

Nasa dining table kami ngayon. Hinainan ko siya nang ginawa kong Cake. "Ano masarap ba?" tanong ko kay Jillian pagkatapos niyang isubo ang kapirasong cake. Nakaabang talaga ako sa isasagot niya.

"Parang maalat?" sabi niya habang ngumunguya.

"Ano? Patikim nga!" inagaw ko ang tinidor sa kaniya at kumuha ako ng konting cake para tikman. "Ganito lang talaga 'to! Panget naman kung sobrang tamis, di ba?" pagtatanggol ko sa cake na ginawa ko.

"But chocolates are always sweet not salty!"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kung ayaw mo e di ako na lang kakain!" pikon na pikon kong hinila ang platitong may cake na nasa harapan niya.

"Wait!" inagaw niya sa akin ang platito. "Wala akong sinabing ayaw ko. I'm gonna finish all of this!" kumuha siya ng napakalaking piraso ng cake. Nilakihan pa niya ang pagsubo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaasar. Para kasing iniinsulto niya ako!

"By the way--- Be my date. Malapit na ang movie premier namin." sabi niya.

"Sigurado ka? Ako ang date mo?"

"Yes! Sino ba dapat?" kuno't noo niyang tanong sa akin. "Ikaw lang naman ang asawa ko."

Nag-init ang mga pisngi ko sa mga huling sinabi niya. Para kasing may kumiliti sa tenga ko nang banggitin niya ang mga salitang 'yon!

"Oo nga pala--- Okay!" nakangiting sagot ko. Ngumiti lang din ito sa akin habang ngumunguya.

~•~

Nang sumunod na araw lumabas kami ni Jillian kasama si Celestine, pumunta kami sa isang mamahaling boutique ng mga evening gowns. Manghang-mangha ako sa sobrang ganda ng mga designs ng mga gowns dito. At kamangha-mangha din ang presyo!

Parang hindi ko kayang magsuot ng ganoong kamahal na damit para sa isang gabi lang. Okay naman na sa akin ang nabibili lang sa Divisoria.

"Jillian, mahal pala dito!" bulong ko sa kaniya. Nahihiya kase akong iparinig iyon sa sales clerk na nag-a-assist sa amin.

"Okay lang! I'll pay for it."

Wala na akong nagawa, siya naman daw ang bahalang magbayad. Nag-aalala lang naman ako sa gastusin.

Napakarami ko ng sinubukang gown. May pula, itim, asul, puti at marami pang iba. Napapagod na akong magpabalik-balik sa Fitting room. Si Celestine nga nakatulog na sa shop dahil kanina pa kami dito.

Lahat kase ng napipili ko ay hindi pasok sa taste ni Jillian. Ewan ko ba, kung bakit hinihingi ko pa ang opinyon niya tungkol dito. Eh hindi naman siya ang magsusuot, kundi ako!

"Alam mo Jillian, ayoko na! Napapagod na 'ko magpapalit-palit!" reklamo ko sa kaniya. Isinalampak ko ang aking sarili sa sopa doon, sabik na sabik na 'kong maupo.

"Sige na, mag-try ka pa ng isa! Tapos uuwi na tayo."

Para 'kong bata pakiusapan ni Jillian. Halata kasi sa mukha ko ang pagkainis at pagkapagod.

"Last na!" sabi ko.

"Oo!"

Pumili ako ng huling gown na susukatin ko. Isang napaka-eleganteng above-the-knee chiffon evening gown na kulay beige, this time. Napaka-simple lang kase. Wala masyadong skin-revealing, dahil three-fourth sleeve siya. Sa bandang harapan naman ay pa-V-neck ito, pero hindi masiyadong malalim.

Bago ako lumabas ng fitting room tinalian ko ang buhok ko ng pa-messy buns para bumagay sa suot ko. Nag-apply din ako ng lipstick na pink-nude ang shade.

Paglabas ko, napatulala si Jillian sa akin. Mula ulo hanggang paa niya ako tiningnan. Hindi niya siguro aakalain na may ganda rin akong hindi inakala!

Dahil sa mga titig niya, naiilang na ako. "Ano Jillian? Panget ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi na kase siya nakapagsalita.

"No! It was so beautiful! Actually, perfect dress for you." compliments niya.

Parang nagpalakpakan ang tenga ko sa sinabi niya, at as usual napangiti na naman niya ako!

~•~

Pumunta kami sa isang restaurant pagkatapos namin sa boutique. Nakakatuwang isipin, para kaming isang tunay na isang buong pamilya.
May pag-asa kayang mangyari 'yon?

Habang inaantay namin ang mga orders namin, nakikipaglaro kami kay Celestine. Habang lumalaki ang batang ito, lalo akong napapamahal sa kaniya. Isa na siya sa bumubuo nang buhay ko.

Kaya kung sakaling bumalik ang nanay niya, ipaglalaban ko ang karapatan ko sa kaniya!

"'Jill'." wika ng isang babaeng nakatayo sa harapan namin. Maganda siya, very classy, and sophisticated woman. Para siyang super model.

"Sarah--- Hi!" bati ni Jillian sa kaniya.

Siya si Sarah? Ang ex-girlfriend niya?
OMG! Sa dami ng mame-meet namin bakit siya pa?

Hindi ako ready. Napakaganda pa naman niya ngayon tapos ako. Ni-wala pa ako sa kalingkingan niya!

"Hi! Is she your wife?" tanong ni Sarah.

"Yes, she is." sagot ni Jillian.

"Hi! It's nice to meet you! I'm Sarah." magiliw niyang bati sa akin sabay lahad ng kaniyang palad.

Mabilis kong tinanggap ang kamay niya. "Lian." tugon ko sa kaniya.

Napalingon siya kay Celestine na nakahiga sa baby stroller.
"She so cute!" napasulyap pa siya sa akin habang sinasabi niya iyon. "By the way, I gotta go! Pumunta lang ako dito, just to say 'Hi'"

Tumango lang si Jillian sa kaniya.
"Bye, Jill. Bye, Lian!" paalam niya sa amin. At nakipagbesohan pa siya sa amin at tuluyan nang umalis.

"Ganda niya,ah." sabi ko nang makaalis si Sarah.

"She's beautiful in her own way. And you're beautiful too, just the way you are." seryosong saad niya sa akin.

Napalunok ako, hindi ko kase alam ang sasabihin ko. Eto na naman siya, eh. Sa t'wing sasabihin na lang niya na maganda ako, hindi mapigilan ng puso ko ang makaramdam nang kilig. Kung nakamamatay lang ang sobrang kilig baka matagal na akong pinaglalamayan!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon