Eto ang unang araw ko sa resort. Kaya dapat kong sulitin ang bawat araw dahil mabilis lang umikot ang kamay ng orasan. Kumain muna ako ng lunch, hindi kase ako nakakain kanina sa eroplano dahil nga natulog lang ako. Pagkatapos kong kumain naglibot-libot na 'ko sa Resort.
Suot-suot ko ngayon ang swim suit na binili ko. Naka-one piece ako na plain white. Medyo nakakailang lumabas-labas ng swim suit lang ang suot kaya nag-shorts ako at summer kimono sa pantaas.
AT syempre, picture dito, picture doon. Dapat lang na ma-capture ko ang bawat sulok ng lugar na 'to. Ang ganda naman kase dito, napakatahimik.Pinong-pino ang mapuputing buhangin, asul na asul naman ang tubig ng dagat, ang hangin tamang-tama lang hindi masyadong malakas pero napakalamig sa balat.
Medyo napagod na ko kakalakad kaya umupo muna ako sa beach lounge chair doon. Nakalimutan ko mag-sunblock kanina kaya inilabas ko ang sunblock na dala ko at nagpahid ako sa mukha, kamay, at sa legs ko. At nagbilad muna ako sa araw para naman feel na feel kong nasa beach ako.
Pwede palang ganito kasaya ang buhay. Pakiramdam ko nong mga oras na 'to wala akong problema. Ang gaan-gaan lang sa pakiramdam.
Kung mayaman lang ako dito na lang ako titira kase malayo sa polusyon, simple lang 'yong mga tao at friendly pa, hindi mo rin maririnig ang maiingay na busina ng mga sasakyan kase malayo 'to sa kalsada. Tapos 'yong pagkain mo palaging fresh lalo na 'yong mga seafoods. Napakasarap mangarap kung pwede lang talaga,eh. Kaso hindi ako mayaman!
Nakaidlip ako sa kwarto pagkatapos kong gumala kanina. Napasarap ang tulog ko alas-otso na pala ng gabi. At agad na tumunog ang tiyan ko hudyat ng nagugutom na naman ang alaga ko sa tiyan.
Naghilamos lang ako at nag ayos ng konti at nagpalit ng maayos na damit. Wala naman na akong balak mag-swimming ng gabi kaya hindi na 'ko nagsuot pa ng swim suit.
Maayos na ang lahat kailangan ko ng makalabas agad baka maubusan ako ng pagkain at mauwi na lang ako sa noodles.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil inaayos ko ng pagsuot ang sandals ko. Nang biglang bumukas ng malaki ang pinto at sumara ulit.
Gulat na gulat ako ngayon, at the same time nagtataka. Dahil may lalaki ngayon sa loob ng kwarto ko. At sinesenyasan pa 'ko na huwag maingay!
And take note he is not just ordinary guy. It was Jillian Martin!
Ano kaya binabalak nitong mokong na 'to?! Anong ginagawa niya sa kwarto ko? Kinakabahan na 'ko. Hindi kaya stalker ko siya, kaya alam niyang nandito ako?
Masamang loob?
O kaya Rapist?Kinikilabutan na ako sa takot, kahit na sobrang gwapo niyang rapist ayoko pa ring ma-rape! Oxygen! Pahinging oxygen!
Hindi na ako makahinga sa nangyayari ngayon!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Hindi porket artist----"
Naputol na ang sasabihin ko, tinakpan niya kase ang bibig ko nang kamay niya at hinapit niya ako sa bewang.Magkadikit na magkadikit ang katawan namin ngayon. Kaya naman lalong lumakas kabog ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang matitigas niyang dibdib at amoy na amoy ko ang pabango niyang matapang.
"I won't hurt you. Just be quiet so you can save me." aniya.
Kitang-kita ko ang pangungusap sa mata niya, kaya naawa naman ako. Tumango na lang ako. At binitawan na rin niya ako sa wakas.
"Can you please check the outside for me? Kung may mga tao pa?" pakiusap niyaHindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero sumunod na lang ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inilitaw ko lang ang ulo ko. May nakita akong dalawang baklang nag-uusap sa tapat ng elevator. Dinig ko ang usapan nila dahil medyo malapit lang ang kwarto ko sa elevator.
"Parang si Jillian Martin talaga 'yong nakita 'ko!" sabi nong isang bakla.
"Mars, baka namalik-mata ka lang!" sabi nong isang baklang may hawak na cellphone. Kaya siguro hindi niya napansin si Jillian dahil nakatutok ito sa cellphone.
"Dream ko pa naman siya ma-interview! Naku kelan kaya mangyayari 'yon?" sabi nong bakla na nakakilala kay Jillian. Marahil isa siyang reporter kaya tinaguan sila ni Jillian. Ngayon naiintindihan ko na.
"Tara na, Mars!"
Nakaakyat na din sa wakas ang elevator at nakasakay na ang dalawa.
At nakahinga na din ako ng maluwag dahil wala palang rape case na magaganap!Thank you, Lord! I'm safe!
"Wala na sila pwede ka ng lumabas." walang kabuhay-buhay kong balita sa kaniya. Pa'no ba naman kase naubos 'yong energy ko sa sobrang nerbyos.
"Thank you!" sabi niya at lumabas na din siya ng kwarto.
"Thank you?" pag-uulit ko, 'yong madiin ang pagkakasabi ko. Napalingon siya ulit sa akin. "Alam mo bang halos mangatog ako sa takot sa 'yo kanina? Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko! Tapos, thank you lang?" napahalukipkip ako. "Masyado mo naman yatang ginagamit 'yang pagiging sikat mo? Bakit? May bayad ba kung magpapaliwanag ka man lang kung bakit ka sa kwarto ko nagtago?"
Beast mode na talaga ako sa ka-antipatikuhan ng lalaking 'to!
"Okay! Nag-panic ako. Nakita kong bukas ang pinto mo, so ayun---- At saka pwede ba huwag ka ng magalit? Kanina sa eroplano, hindi mo ba naisip na may muntik ka ng.... Mabasag! I mean, 'yong ano ko! Basta alam mo na 'yon!" nahihiya niyang kwento sa 'kin.
Biglang nag-flashback sa kin ang nangyare. Ang aksidenteng napaupo ako sa mga hita niya. Napapikit ako sa hiya.
"Talaga? Muntik ng mabasag 'yong ano mo?" hindi ko matuloy sambitin ang word na 'yon pero nag-aalala talaga ako sa kaniya.
"Ano sa tingin mo? Hindi nga ako makalakad ng maayos kanina. Kaya ngayon lang ako nakalabas ng kwarto ko."
"Diyos ko!" natutop ko ang aking bibig. "Sorry talaga!" hahawakan ko sana siya, kaya lang umiwas siya. "Dalhin na kaya kita sa hospital? Para masiguro natin 'yong kalusugan mo." alok ko sa kaniya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot para sa ano niya. Sa kalusugan niya!
"Huwag na! Hindi naman na masakit." tanggi niya parang naa-akward na siya sa pinag-uusapan namin dahil hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...