Masaya kaming sinalubong ng mga kamag-anak ko dito sa Batangas. Ang dami nilang nagpunta sa bahay ni Lola Dahlia nang malaman nilang magbabakasyon kaming mag-anak. Nagmistulang may Piyesta sa bahay dahil sa dami ng hinandang pagkain nina Mama. Katulong niya raw ang dalawa niya pang kapatid, si Tita Rosalie at si Tita Rosevie.
Pinakang-panganay si Tita Rosalie, siya ang nanay ni Liza at may isa pa nga palang kapatid si Liza, si Enzo. Pangalawa si Mama. Bunso naman si Tita Rosevie, may isa din siyang anak na babae, si Leslie. Mas matanda kami ni Liza kay Leslie ng limang taon.
Masyado yatang natuwa si Lola Dahlia sa bulaklak na 'Rose' lahat kase nang pangalan ng anak niya ay may 'Rose', dahil Rose Ann naman si Mama.
Nasa kwarto kami ngayon ni Celestine. Tulog na tulog ang bata, napagod yata sa biyahe kanina. At sina Tita Isabel at Jillian ay nasa sala, nakikipag-kwentuhan kina Tito't Tita. Kasama ko ngayon sina Liza at Leslie. Sinundan nila kami hanggang dito dahil giliw na giliw sila sa baby Celestine ko!
"Kagandang bata! Hulmang-hulma sa ama!" sabi ni Liza habang pinagmamasdan si Celestine. "Parang wala man lang namana ang anak mo sa'yo!" dugtong pa niya.
Napangiwi ako, natural lang na hindi ko kamukha ang bata dahil wala kaming koneksyon sa isa't isa. Pero para sa akin--- Anak ko siya!
Kailangan 'kong mapaniwala sila!
"Naku, Insan tinatanong pa ba yan! Aba siyempre, namana niya ang kagandahan at kaseksihan ko!" biro ko. "Saka syempre mamanahin din niya ang kagandahang asal ko!" humawak pa ko sa dibdib ko. Nice answer, Lian!"Okay!" sarkastiko niyang sagot.
"E, Insan saan mo nakilala si Jillian? Nang mapuntahan naman namin ni Ate Liza. Malay mo, makadawit din kame ng artista!" sabi ni Leslie.
"Ay, gusto ko 'yan!" sabi ni Liza kay Leslie, nag-apir-an pa sila.
"Ah, sa ano kami nagkakilala. Sa..." hindi ako makaisip ng isasagot, "Sa--- Alam niyo wala naman sa lugar 'yan. Kung kayo talaga para sa isa't isa, pagtatagpuin kayo ng tadhana!" palusot ko.
"Damot namang mag-share nito!" naka-ngusong saad ni Liza.
"Kaya nga."
Dismayado ang dalawa sa sagot ko. Nakakasawa na kasing magsinungaling sa ibang tao kaya ganun ang isinagot ko sa kanila.
"Di bale, marami namang kaibigan si Jillian na artista. Para sa inyo hihingin ko ang mga personal accounts nila sa social media!" sabay ngiti ko sa kanila."O, sige na nga. Pwede na 'yon!" sabi ni Liza.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin ng kung anu-ano. Na-miss ko talaga 'to ang maka-bonding ang mga pinsan ko. Ang sarap sa pakiramdam. Kaya natapos ang araw na 'to sa masayang pagpapahinga sa gabi.
~•~
Kinabukasan, Inagahan ko ng gising para matulungang maghanda si Mama ng almusal. Sobrang maasikaso si Mama sa mga bisita niya, kaya nga gusto ko siyang tulungan para naman hindi siya agad mapagod.
"Ma, anong pwedeng gawin?" tanong ko kay Mama na abalang-abala sa pagluluto ng sinangag.
"Marunong ka pa bang magtimpla ng kapeng barako?" tanong ni Mama.
"Oo naman!"
Dahil sa maraming kapeng barako dito sa Batangas, ang kapeng barako ang paboritong kape ni Papa. Bata palang ako tinuruan na ko ni Mama na gumawa nun. Para kapag nag-request si Papa ng kapeng barako ay maipagtitimpla ko ito. Kaya pag nakikita ko ang kapeng barako naaalala ko lang si Papa.
Nagsimula na akong magtimpla. Tandang-tanda ko pa ang bawat sukat ng tubig, kape, at asukal. Siguradong kapag natikman nina Jillian at Tita Isabel ito, I'm sure hahanap-hanapin nila ito!
Sa labas kami ng bakuran kumain ng almusal. Kasalukuyang ginagampanan ko ang pagiging isang ina kay Celestine. Pinapaarawan ko siya ngayon.
"Magandang umaga po!" bati niya kina Mama at Tita Isabel. Lumapit siya sa amin. "Good morning, Celestine!" sabay halik sa noo ng anak niya. "Good Morning, Mahal!" bati niya sa akin. Umakma ito para makipag-beso sa akin, at para akong robot nang ilapit ko sa kaniyang pisngi ang aking pisngi. Nahihiya kase ako, nakatingin kase sina Mama at Tita Isabel sa amin.
"Hijo, halika na't tikman mo ang kapeng tinimpla ni Lian. Naku, napakasarap!" puri ni Tita Isabel.
Etong biyenan ko talaga!
Bilib na agad sa akin!Dahil sa hindi ko maaasikaso ang asawa ko, si Mama ang nagsalin ng kape sa baso ni Jillian. Inamoy-amoy niya muna ang kape bago ito sinimsiman.
"Ano? Masarap, di ba?" tanong ni Tita Isabel."Well..." sambit niya habang nakakatitig sa akin.
Kinakabahan ako sa isasagot niya baka hindi niya nagustuhan.
"I like it. Pwede ka ng magtayo ng 'Coffee Shop'!" he smiled.Abot tenga ang ngiti ko. I know, he is teasing me right now because of the 'coffee shop' thing.
~•~
Napakaraming ganap sa bahay. Kaya tumakas muna kami ni Jillian. Inilibot ko siya sa lugar namin, naglakad-lakad para magpahangin. Kinuwento ko ang mga childhood memories ko dito sa probinsya. Parang kami lang ang tao sa kalsada, dahil may sarili kaming mundo ngayon. Mabuti na lang walang masyadong nakakakilala sa kaniya kaya wala din kaming dapat ikabahala.
Inabot kami ng hapon sa paggagala, dahil bumili kami ng Pizza sa bayan. Nagkre-crave daw siya doon. But struggle is real!
May nakakilala kay Jillian sa pizza parlor. Nang maramdaman niyang sinusundan kami ng apat na babae, na nasa edad bente na siguro. Magkahawak-kamay kaming tumakbo para takasan ang mga ito!
Grabe, hindi ba nila alam ang salitang PRIVACY??? At kailangan pa nila kaming habulin. Ganoon na ba sila ka-obsessed sa Idol nila? My gadd!
Pagkatapos namin matakasan ang mga humahabol sa amin, nakarating kami sa isang pasyalan na nasa tabing dagat. Parang Manila Bay ng Maynila. Hingal na hingal kaming dalawa pero masaya dahil hindi na namin matanaw 'yong mga babae. Nailigaw na yata namin.
"Nagma-marathon ka ba dati?" tanong niya. "Ang bilis mo tumakbo!"
"Ikaw din naman!" para kaming baliw na nagtawanan.
~•~
Doon na rin kami tumambay sa pasyalan. At doon na rin namin kinain 'yong pizza, may softdrinks pa!
"Dapat siguro, sinama natin sina Mama at si Tita, pati si Celestine." sabi ko, sabay kagat sa pizza."Next time. Pero okay din namang paminsan-minsan lumalabas tayo.
Para...""Para?"
"Para hindi sa lahat ng oras ay nagpapanggap tayo, di ba?" aniya.
"Sa bagay, may point ka." sang-ayon ko. At napatingin ako sa dulo ng karagatan, kung saan unti-unting bumababa ang araw.
Hanggang sa maging kulay kahel na may halong ginto ang palagid. Matatanaw din sa kalangitan ang unti-unting pagkalat nang madidilim at makakapal na ulap.
The view is obviously breathtaking. Kaya hindi na humiwalay ang mga mata ko rito.
"Ang ganda..." ang nasambit ko na lang."Like you." sabi ni Jillian.
"H-ha?" napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Akala ko kase nang-aasar ka na naman." sabi ko.
"Kapag sinabi ko. I mean it."
Napatingin ako sa kaniya na may halong pagtataka. Inaantay ko pa siyang magsalita para sabihing nagbibiro lang siya, pero hindi nangyari 'yon. He really mean it.
Hindi kaya... May gusto na siya sa akin?
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...