7: Moments With You

72 3 0
                                        

Paggising ko agad akong bumangon kailangan mauna akong gumising para kahit papaano maipagtimpla ko siya ng kape. Pakonsuwelo man lang. Naghilamos, nag-toothbrush, at nagsuklay muna ako. Ayokong makita niya ang 'morning face' ko na namamaga ganun kase ang mukha ko sa umaga.

Paglabas ko nagulat ako gising na pala siya. Palpak ang mga balak ko!

Kasalukuyan siyang nagbabasa ng dyaryo nang nakapatong pa ang paa sa center table at naka-reading glasses pa siya. Malabo na din pala mata niya. At napansin ko may kape na din siya na iniinom, dapat talaga siguro mas inagahan ko ang gising.

Alas-otso pa lang naman ng umaga. Anong oras kaya siya nagising?

Naka-boxer shorts lang siya ngayon, kaya nakakaagaw pansin ang malalaking hita at legs niya. Halatang batak na batak sa gym ang taong 'to.

Napaka-hot naman niya sa suot niyang 'yon!

Grabe ang sarap ng almusal ko busog na ang mga mata ko. Ganito pala ang feeling nang may kasamang hearthrob sa paggising sa umaga. Wala ka pang kinakain, busog ka na!

"Good morning." bati ko pero mahina lang ang boses baka kase magulat siya kapag nilakasan ko ang boses ko.

"Mabuti gising ka na. Pinagtimpla kita ng kape. Mainit-init pa yan. Andiyan sa table." sabi niya.

Thoughtful siya. Nahiya naman ako bigla. "Salamat."

Lumapit na ko sa dining table kung saan nandon ang kapeng tinimpla niya. Mainit-init pa nga iyon tamang-tama sa sikmura ng bagong gising. Hinipan-hipan ko pa bago uminom.
"Ang sarap ng kape mo,a. Pwede ka ng magtayo ng coffee shop." puri ko sa kaniya, na-appreciate ko kase ang effort niya.

"Ha? 3-N-1 coffee lang 'yan. Kaya masarap talaga 'yan." natatawa niyang wika sa akin.

Napangiti ako, ngiti ng napahiya.
Malay ko ba!
"Ah nagugutom ako breakfast tayo sa baba?" iniba ko kagad 'yong usapan.

"Okay. Magpapalit lang ako."
Inubos niya muna ang kape niya bago tumayo at inilapag ang dyaryo sa mesa.

Pagtalikod niya halos mabali ang leeg ko kakasunod ng tingin sa likuran niya. Ang laki kase ng 'buttocks' niya. Bakat na bakat sa boxer shorts niya. At bihira sa mga lalaki ang may matatambok na puwet. Halatang pinaghirapan niya iyon sa gym, makapag-gym na nga rin!

~•~

Nang matapos kaming kumain ng almusal pumunta naman kame sa pangpang, naglakad-lakad. Masakit na sa balat ang init kaya tumambay na muna ako sa ilalim na puno, naglatag lang ako ng malong sa buhanginan. Pero si Jillian hindi niya alintana ang init nag-swimming pa rin siya. Tuwang-tuwa siyang nakikipaglaro sa mga bata doon na kasama nyang maligo sa dagat. Mahilig pala siya sa bata. Hindi ko akalain na makikita ko ang 'father figure' sa kaniya.

Maya-maya'y umahon na si Jillian sa tubig, parang nag slow-motion siya sa paningin ko. Iyong pagtayo, paghawi ng buhok niya, at ang paglalakad.

Damn! Parang may bumabang anghel sa lupa a este Diyos ng Karagatan. Tama para siyang si Poseidon!

Ayan na papalapit na si Poseidon sa 'kin. Ano kaya ang kailangan sa 'kin nito hindi ko naman siya tinatawag para lumapit. Nami-miss siguro ako!

"Lian!"

"H-ha???" nagulat ako nasa harapan ko na pala siya at tanaw na tanaw ko ngayon ang maganda niyang katawan.

"Come with me." yaya niya.

"Bakit saan tayo pupunta?" Clueless ako pero sumunod na lang ako. Alam kong mabait naman siya,e hindi naman niya ako siguro lulunurin sa dagat.

Pagdating namin sa pangpang may nakita akong Jet ski hawak-hawak ng isang lalaki. At humugot ng pera si Jillian sa waterproof phone case niya at iniabot iyon sa lalaki pagkatapos umalis na ito. Agad na sinakyan ni Jillian ang Jet Ski at pinaandar iyon papunta sa akin.

"Sakay ka na!" yaya niya sa akin.

"A-ano kase... Safe ba 'yan? Hindi kase ako marunong lumangoy." takot na takot kong tanong sa kaniya.

"Oo naman. Magaling yata akong mag-drive!" pagmamayabang niya.
Kinakabahan pero sumakay pa rin ako.

"Akina 'yang kamay mo."
Nang mailapit ko ang kamay ko sa kaniya kinuha niya iyon at inilagay sa bewang niya.

"Kapit ka lang nang mabuti tapos pag feeling mo malalaglag ka bumalanse ka lang. Parang nagba-bike lang. Marunong ka bang mag-bike?"

"Oo naman!" atleast may naipagyabang din ako!

" E di maganda. I think..."
Ano kaya iniisip niya? Kinakabahan ako parang hindi maganda.

"Mas magandang ikaw dito sa harap!" suggest niya.

"Ano!" gulat gulat kong tanong sa kaniya.

"Para ma-experience mo magpatakbo ng Jet ski! Di ba sabi mo sa 'kin madami kang gustong subukan?"

"Oo kaso natatakot ako. Ayoko!"

"Alam mo kapag nagpadaig ka sa takot mo walang mangyayari sa 'yo."

Bakit ba ang kulit ng tao na to!
Sinabi na ngang hindi ko kaya, e. Buti kung lupa ang babagsakin namin kung sakaling matumba kami. Hindi eh! Dagat bess! Dagat yan! Pa'no kung may pating d'yan! Eh...di sayang ang lahi naming dalawa.

"Sige na." disido siyang ako ang maging driver kaya bumaba siya at pinalipat ako ng upuan. "Aalalayan kita, huwag kang matakot." sabi pa nya.

Medyo nakukumbinsi na niya ako.
"Basta d'yan ka lang, guide mo 'ko ng maayos!"

"Oo! Trust me!"

So ayun na nga napilit na niya ako ang galing niya kaseng mangumbinsi parang salesman na magaling mag salestalk.

Nagsimula na kaming paandarin ang Jet ski wala nang atrasan to dahil malayo na kame sa pangpang. Magaling magturo si Jillian nakukuha ko naman kaagad parang nagbi-bisikleta lang pala ang kinaibahan lang walang pedal.

Nong una parehas kaming nakahawak sa manibela pero kalaunan ay bumitaw na siya at hinayaan na niya ako mag-isa. At ngayon nakayakap na siya sa bewang ko.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang balat wala kase siyang pantaas naka-trunks lang siya. At naiilang ako sa pagkiskisan ng mga balat naming dalawa. Nawawala tuloy ang concentration ko sa pagda-drive.

"Ang dali lang di ba?" bulong niya sa puno ng tenga ko dahilan para magtayuan ang balahibo ko. Malakas kase ang kiliti ko don!

"Oo madali lang." Pilit ang ngiti ko.

Pero sa totoo lang masaya ako. Masayang-masaya. Salamat sa taong 'to may natuklasan na naman akong bago.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon