THE FINALE
Masaya kong tinitingnan ang mga picture nina Jillian at Celestine sa laptop kasama ang tunay na ina ni Celestine. Kasalukuyang nasa Dubai sila, nagbabakasyon at para makasama na rin ni Celestine ang kaniyang ina. Sa Dubai kase ito naninirahan kasama ang asawa nito.
Matagal na raw nangungulit ang ina ni Celestine kay Jillian na dalhin at ipakita ang bata sa kaniya. Kaso, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon si Jillian na mangibang bansa dahil sa abala ito sa trabaho. Masayang-masaya naman ako nang mabalitaan kong tanggap naman daw nang asawa nito si Celestine.
At kami naman ni Jillian ay naging matalik na magkaibigan sa loob nang isang taon mahigit na. Tanggap niya ang naging desisyon kong maging magkaibigan muna kami bilang isang magandang panimula. Para mas makilala namin ang isa't isa at magkaroon ng pundasyon ang binubuo naming pagkakaibigan.
Pero kahit ganoon man ang nangyari sa amin, hindi nagbago ang pakikitungo ni Jillian sa akin. Ganoon pa rin siya, malambing, maalalahanin, at maalaga. Minsan, hindi niya maiwasang pormahan ako. Tulad nang magbibitaw siya ng pick-up line na corny, o kaya naman pasimple siyang aakbay sa akin at yayakap. Natatawa na lang ako sa mga kalokohan niya. Akala niya siguro hindi ko mahahalata!
Binigay na lang niya sa akin ang wedding ring namin bilang isang regalo. Remembrance niya raw sa akin para sa t'wing makikita ko raw 'yon ay maalala kong minsan akong naging Mrs. Martin. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ang sinabi niya.
Miss na miss ko na silang dalawa ni Celestine. Isang buwan na kase sila na nasa Dubai tapos sa isang araw birthday na ni Jillian.
At hindi na ako nakatiis pa at makapag-antay na bumalik sila sa Pilipinas. Kaya binalak kong sundan sila.
~•~
Nandito na ako ngayon sa eroplano, at ilang oras na lang ay lalapag na ito sa International Airport ng Dubai. Walang kaalam-alam si Jillian sa pagsunod ko sa kanila ni Celestine. Gusto ko kase siyang supresahin sa araw ng kaarawan niya.
Kinausap ko din ang lahat ng mga kamag-anak at kaibigan namin na huwag ipaalam kay Jillian ang paglipad ko patungo sa kinaroroonan nila. Kinasabwat ko rin ang ina ni Celestine, sa kaniya ako kumuha nang impormasyon kung saang Hotel nanunuluyan si Jillian.
Lahat ay nakaplano na. Bukod sa susupresahin ko siya, binabalak ko din na magtapat na nang totoong nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko na kaya pang itago ito sa kaniya lalo na't lumalalim na ang pagmamahal ko sa kaniya.
At ngayong handa na akong mahalin ulit siya, handa na rin akong masaktan para sa kaniya.
~•~
Pupunta raw sa Al Seef si Jillian para mamasyal ngayong kaarawan niya. Tumawag kasi ito kagabi sa akin, nangangamusta at nagkwento lang nang kung anu-ano. Kwento pa niya sa akin, gusto raw niya sana isama si Celestine kaso hiniram ito nang kaniyang ina. Kaya mag-isa lamang siyang gagala. Pero ang totoo, kasama sa plano ko ang paghiram nang ina ni Celestine sa anak niya.
Nasa iisang hotel lang kami. Sinadya ko para hindi ako mahirapang matiyagan si Jillian. Maingat ko itong sinundan, simula sa pagsakay nito ng taxi. Hanggang sa makarating kami sa pupuntahan.
Mangha-mangha ako sa lugar na pinuntahan namin. Ang ganda dito sa Al Seef. Napakaganda, napaka-maaliwalas, at napakalinis. Pinaghalong luma at bagong disenyo nang mga istraktura ang naririto. Magkadikit lang kase ang Old Town at New Town.
Nakakatuwang isipin na pinangangalagaan pa rin nila ang mga lumang istraktura dito kahit na kilala ang bansang ito sa pagiging moderno nito pagdating sa istraktura.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomantizmWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...
