"Salamat Tristan sa paghatid sa 'kin dito." sabi ko kay Tristan nang makaalis na si Tita Isabel.
"Bakit pinagtakpan mo si Jillian? Alam mo naman talaga kung nasaan siya, 'di ba?" usisa niya.
Hindi ako kaagad nakasagot. Lutang na lutang kase ang utak ko ngayon.
"Naiintindihan ko na. Dahil 'yon sa pagmamahal mo sa kaniya."Napatingin ako rito dahil sa sinabi niya.
Si Jillian, mahal ko? Paano naman niya nasabi 'yon? Pinagtakpan ko lang 'yong tao, mahal ko na agad?!
"Tama ka, pinagtakpan ko siya dahil mahal ko siya." pagsang-ayon ko sa kaniya, kunwari."Okay." Sandaling natahimik ito. "Mabuti pa, kumalma ka muna dyan. Ibibili lang muna kita sa canteen ng maiinom." paalam niya sa akin. Tumango lang ako pagkatapos ay umalis na ito.
Napa-upo ako sa monoblock chair na nasa gilid ng kama. At hinawakan ko ang kamay ni Celestine. Napansin ko parang nanlalamig ang palad niya. Pero mainit ang katawan niya nang mahawakan ko. At nagsisimula na akong makaramdam ng kaba sa aking dibdib.
"Nurse!" sigaw ko sa may pasilyo ng hospital nang sumilip ako sa pinto. Mabuti na lang ay may napadaan na babaeng nurse. "Miss, pakitawag naman si Doc. Iyong anak ko kase nilalagnat na naman." natatarantang pakisuyo ko rito.
"Sige po. Pero kumalma lang muna po kayo. Kunin ko lang po muna ang body temperature ng anak niyo." sabi ng nurse.
Paano ako kakalma? Hindi maayos ang lagay ni Celestine. Napapaluha akong umupo ulit sa upuan habang pinagmamasdan sila. Nang matapos ang nurse umalis din agad ito.
Pagkaalis ng nurse, saktong dating ni Tristan na may dalang supot.
"Lian, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Tristan sa akin. "May nakasalubong akong nurse, ngayon-ngayon lang."Imbis na magsalita ako, napatingin lang ako sa kaniya habang may luha sa aking mga mata. Agad na rumehistro sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Agad itong lumapit sa kinauupuan ko, at niyakap ako.
Dala nang aking mabigat na emosyon, napayakap na din ako sa kaniya. At hindi na napigilang humagulgol sa pag-iyak. Mabuti na lang nandito si Tristan kundi baka nabaliw na ko sa pag-aalala kay Celestine.
"Hindi lang ako kaagad dumating. May kayakap ka na agad na iba."
Humiwalay kaagad ako sa pagkakayakap kay Tristan nang marinig ko ang nagsalita na 'yon. Si Jillian.
Sobrang sama nang tingin niya sa aming dalawa ni Tristan. Mukhang may masama siyang iniisip tungkol sa aming dalawa ni Tristan dahil sa naabutan niya.
Napatayo ako at nakipagtagisan ng tingin kay Jillian.
"Pwede ba, hindi ito ang tamang oras para diyan sa pagiging immature mo. Mahiya ka naman sa anak mo!" galit na galit kong saad dito. Sa sobrang inis ko rito, lumabas ako nang kwarto.~•~
Kasalukuyang nasa garden ako ng Hospital. Sinundan ako ni Tristan hanggang dito. Muli niya akong inabutan ng panyo. Iyon 'yong panyo na kanina'y tinanggihan ko at ngayon, ay tinatanggap ko.
"Jillian threatened me." sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Kapag sinundan daw kita, kalilimutan na niyang kaibigan niya ako."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung pinagbantaan siya nang kaibigan niya, bakit niya pa ako sinundan? At saka, bakit naman kaya ginawa ni Jillian ang bagay na 'yon sa kaibigan niya. Imposible namang nagseselos siya.
"I'm sorry, Tristan. Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag ko nang maayos sa---"
"No." putol niya sa akin. "It was my choice, okay? Hayaan mo siyang mag-isip bata doon." sabi niya pa.
"Pero bakit? Bakit mo ginawa 'yon?" pagtataka ko.
"Adulting? I mean--- Alam ko naman talaga kung sino ang dapat kong kampihan. Siya ang nagkamali, kaya ikaw ang kakampihan ko. No other reasons." paliwanag niya.
Napatango ako sa paliwanag niya. Buti pa si Tristan may malawak na pang-unawa. Hindi katulad ng kaibigan niya.
"Thank you." pasasalamat ko rito.
~•~
Pinauwi ko na si Tristan, dahil ayokong magkabanggaan na naman sila ni Jillian sa oras na magkita ulit sila. Bumalik ako sa kwarto ni Celestine. Naabutan kong nag-uusap si Jillian at ang Doktor ni Celestine. Nakita ko ding may nakakabit na dextrose sa kamay ng bata na labis na nagpalungkot sa akin. Hindi kaya ng puso ko na makita siyang nasa ganoong sitwasyon.
Masayahin kase ang batang ito pero ngayon luha lang sa mata ang nakikita ko. Kaya napapaluha na naman ako at pilit kong pinipigilan iyon.
"Nakikita ko ang mga sintomas ng Measles sa kaniya. May Measles Outbreak kase sa lugar natin. Mabuti na lang ay nadala agad siya dito dahil wala naman talaga tayong gamot sa virus na 'yon. At ang kailangan lang nating gawin ay agapan 'yon." sabi ni Doktora kay Jillian.
Tumatango-tango lang si Jillian sa sinasabi ng Doktor sa kaniya.
"Sige, kailangan ko na munang umalis may aasikasuhin pa akong ibang pasyente. Pero kung may mapansin kayong kakaiba kay Baby sabihan ninyo agad ako." bilin nito.
"Yes, Doc. Maraming Salamat din po." sabi ni Jillian.
Inihatid niya ito hanggang sa may pinto. Ako nama'y agad na lumapit kay Celestine, umupo ulit ako sa upuang nasa tabi ng kama nito. Niyakap ko ito at hinagkan sa noo kahit na natutulog. At narinig kong sinara na ni Jillian ang pinto.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Jillian sa akin.
"Ano bang pag-uusapan natin?" balik-tanong ko sa kaniya. Hindi ko siya nilingon man lang.
"Mag-usap tayo nang maayos. H'wag ganito. Hindi ka man lang tumitingin sa akin. Mag-usap naman tayo ng maayos, Please?" pakiusap niya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinila siya palabas ng kwarto. Pagkatapos isinandal ko siya sa pader doon, nasa harapan niya lang ako at nakapamaywang. Saktong-sakto, kami lang ang tao sa hallway na 'yon.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." utos ko sa kaniya. Pagkatapos ay mata sa mata ko siyang tinitigan.
"Bakit kayo magkasama ni Tristan?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Nagkataon lang na nagkita kami nong tao. Tayo nga dapat ang magkikita, di ba? Pero wala ka. Hindi ka dumating." paliwanag ko
"Bago ka magalit, pwede bang pakinggan mo muna ang paliwanag ko."
"Jillian, alam ko na ang sasabihin mo. Hindi mo na kailangang magpaliwanag."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Alam ko na ang totoo, na 'KAYO' na ulit ni Sarah."
"Ano???" mukhang gulat na gulat ito sa mga sinabi ko, halatang hindi pa niya alam na nabalita na naman siya sa TV.
"Hindi ba magkasama kayo ni Sarah kanina? Sinugod mo pa nga siya sa Hospital, sabi sa balita." kwento ko sa kaniya.
"Oo, magkasama kami---"
Napasinghap muna ako sa paligid pagkatapos muli kong ibinaling ang tingin sa kaniya.
"Oh see? Tama ako, Jillian!" putol ko sa kaniya at hindi na rin ito nakapagsalita. "Pwede ba sa susunod galingan mo namang magtago. Kase kung sa akin lang naman, OKAY lang na magkasama kayo ni Sarah. Pero 'yong masaktan ang buong pamilya ko para sa akin. Iyon ang hindi tama! Dahil wala naman silang alam sa katotohanan. Kaya dapat hindi sila maapektuhan. Kaya sana... bigyan mo naman ng konting respeto ang 'Marriage' na 'to." mahaba kong salaysay sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...