"Sinasabi mo bang ako ang bida sa novel mo?" tanong ko kay Jeff.
"Ikaw ang visual support ko. Pero siguradong may pagkakaiba pa rin kayo nang bidang babae sa storya ko. Kase... medyo masungit ka sa personal at 'yong bida naman ay hindi." paliwanag nito.
Pigil ang tawa nang tatlo kong pinsan. Hindi sila makatawa nang malakas kase alam nilang maiinis ako.
"Ang totoo niyan, Jeff. Mabait talaga ang Ate Lian dati. Eh ngayon kase, signs of aging na yata 'yon!" sabi ni Leslie sabay ngisi ito."Aging? Hindi pa ko matanda, noh!" tugon ko. Napanguso pa ako.
"Naging masungit lang 'yan nong nagkahiwalay sila ni Kuya Jillian!" hirit pa ni Enzo.
"Enzo!" saway ni Liza.
Napapapikit na lang ako sa inis!"Jillian?" tanong ni Jeff.
"Hay naku! Huwag na nating pag-usapan ---" sabi ni Liza.
"Ex-husband ko 'yon." putol ko sa sasabihin ni Liza. Natigilan ang mga pinsan ko nang magsalita ako.
Simula kase nang maghiwalay kami ni Jillian ay naiilang na akong pag-usapan ang taong 'yon sa harap nang pamilya ko. Pero ngayon ay iba na. Hindi na ako masyadong apektado.
"Bakit parang natigilan kayo?" tanong ko sa tatlo kong pinsan.
"Ha?" reaksyon ni Enzo
"Wala naman!" sagot ni Liza
"Hindi,ah!" sabi naman ni Leslie.
Parang mga sira 'tong mga pinsan ko, akala nila hindi ko hindi sila nahalatang nagulat sa sinabi ko!
"Kapangalan niya 'yong artistang gaganap sa bidang lalaki. Si Jillian Martin!" singit ni Jeff.
"Ano!!!" sabay-sabay na tanong naming apat.
"Bakit parang nagulat kayo?"
Siguro itong tao na 'to hindi nanonood ng TV o kaya ng balita man lang. Halatang wala siyang alam kay Jillian!
"Yong Jillian kase na ex-husband niya at 'yong Jillian Martin na artista ay iisa!" paliwanag ni Liza.
Halatang nagulat ito dahil bahagyang napaawang ang bibig nito.
"I'm sorry. Hindi ko alam na ikaw ang ex-wife ni Jillian Martin." paghingi niya nang tawad sa akin."Okay lang." walang kangiti-ngiting tugon ko kay Jeff.
"Sa tingin ko, parang hindi mo ako mapagbibigyan na mag-shoot sila dito sa Coffee shop niyo." malungkot na saad sa akin ni Jeff. Gusto ko ang pagiging 'advance' nito mag-isip. Alam niya na agad ang maaaring mangyari.
"Ate, pumayag ka na. Sayang ang opportunity! Sigurado, pagkatapos nun dudumugin tayo nang customers!" pag-uudyok sa akin ni Leslie. May punto naman siya, kaya lang ang makita si Jillian...
Ay hindi magandang ideya!
"Oo nga Ate! Tataas ang sales niyo n'yan." dagdag pa ni Enzo.
"Teka nga! Tanungin niyo muna si Ate Lian niyo kung handa na ba siyang makita si Jillian." singit ni Liza. "Ano Insan? Okay na ba sa 'yo na makita ulit si Jillian?" seryosong tanong ni Liza sa akin.
Napaisip ako sa katanungan ni Liza.
Okay na ba talaga ako?
Naka-move-on naman na ako at alam ko 'yon sa sarili ko. Pero ang tanong,
handa na ba talaga ako?"Ahh.. Okay na 'ko. Naka-move-on na ko sa nangyari. Siguro for the sake of our business. Wala namang masama kung i-grab ang opportunity, di ba?" hindi ko man masabi nang diretso pero um-oo na ako sa gusto nila.
"That would be great!" tuwang-tuwang reaksyon ni Jeff. At ganun din sa mga pinsan ko.
Maybe this is the right time na mag-krus ang landas namin ni Jillian pero syempre hindi porke pumayag na ako ay makikipag-kaibigan na ulit ako kay Jillian.
It's a big NO!
"In one condition. H'wag lang makalapit-lapit sa akin 'yang tao na 'yan. Dahil hindi pa ako handang kausapin siya!" pahabol ko.
"Okay!" sagot ng mga pinsan ko.
"Noted." sabi ni Jeff, sabay ngiti.
~•~
Abalang-abala ang mga staff ng pelikula sa pagse-set-up. Unang araw kase ng shoot ngayon. Napakaraming tao sa labas, nakiki-usyoso. At half day lang ngayon ang coffee shop dahil sa shooting na 'yon.
Ako naman ay nanonood lang sa CCTV sa may opisina habang nagka-kape. Off-limits sila sa office namin dahil iyon ang request ko. Habang ang mga pinsan ko ay nasa may counter nakaabang para manood. Ayokong makihalubilo sa kanila, hindi naman ako interesado lalo na't si Jillian lang naman ang makikita!
Nang matapos ang pagse-set-up ay nagsimula na sila. At nakita ko na din sa wakas ang taong tatlong taon ko nang hindi nakikita--- My Ex-Husband.
Malaki ang pinagbago nito, nagpatubo kase ito ng balbas at bigote pero hindi naman sobrang haba. Rugged look na siya ngayon. Tapos may hikaw siya sa may kaliwang tenga, na nagpa-bad-boy pa ng husto sa imahe niya.
Tama na Lian! Ayaw mo nga siyang makita, di ba? Bakit pinakatitig-titigan mo pa!
Matapos ang unang eksena nang pelikula, nagbreak-time muna sila. Patago naman akong lumabas nang opisina. At dumiretso ako sa may maliit na Greenhouse na nasa likod nang coffee shop.
Dati nang may Greenhouse itong coffee shop, kasama ito sa binayaran namin dito. May interes naman ako sa halaman kaya karamihan nang nakatanim doon ay mga tanim ko.
Napasandal ako sa pader doon at napatingin sa kalangitan. Medyo nagkukulay abo ang langit tila nagbabadyang umulan na naman, dahil siguro sa tapos na ang buwan ng tag-init.
"Kumusta ka na?" baritono ang boses nang nagtatanong. Napalingon ako sa taong bigla na lamang nagsalita sa gitna nang aking pagmumuni-muni.
"Jillian?"
Parang huminto ang paligid nang makita ko ito. Dahil siguro sa tagal kong nakatitig sa kaniya at isabay pa ang pagkagulat ko nang makita ito. Parang kanina lang kase ay sa CCTV ko lang siya nakikita pero ngayon ay nasa harapan ko na.
"Bakit ka nandito?" masungit kong tanong sa dito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomansWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...