5: Getting To Know

69 2 0
                                        

"Saan ka ba pupunta? Magdi-dinner ka ba?" tanong ko kay Jillian.

"Oo." matipid niyang sagot at mukhang nagsusungit na ito.

"Tamang-tama magdi-dinner din ako, sabay na tayo----Treat ko!"

Hindi agad nakasagot ang mokong akala niya siguro binibiro ko siya. Ite-treat ko lang naman siya kase nako-konsensya ako sa nagawa ko sa kaniya.
"Okay."

"Antayin mo lang ako dito may kukunin pa ko sa loob!" tuwang-tuwa kong wika sa kaniya.
Tumango naman siya.

Mabilis akong pumunta sa closet ko, kumuha ako ng sumbrero, shades, at kumuha na rin ako ng scarp. Pagkatapos, mabilis ko ding tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ch-in-eck ko lang kung maganda pa din ako. May kasama pa naman akong artista sa dinner baka mamaya mag-mukhang Personal Assistant niya lang ako!

Paglabas ko siniguro kong naka-lock ng mabuti ang pinto.
"Okay ka na? Malapit ng umakyat 'yong elevator." sabi ni Jillian.

"Wait. Suotin mo 'to!" sabay abot ko
ng shades, kulay pink pa naman 'yon. Tinanggap naman niya kaso takang-taka siya. "Alam mo kaya ka nakikilala,e hindi ka man lang mag-disguise!" patuloy ko pa. "Pati ito suotin mo." ako na ang naglagay sa kaniya ng sumbrero sa ulo niya, maliit lang naman ang size nun kaya hindi halatang pambabae 'yong sumbrero.

"Ayoko ng shades na 'yan! At saka gabi na magse-shades pa ko?" reklamo niya. At ibinalik niya sa kin 'yong shades, itinago ko na lang sa bag ulit.

"Kanina nga sa eroplano natutulog kang naka-shades!" banat ko sa kaniya. "Eto na lang kaya?" wala na siyang nasabi pa nang ipulupot ko sa leeg niya ang scarp.

"San ka nakakita ng taong naka-scarp sa BEACH?" pinagdiinan pa nya ang salitang Beach.

"Dami mong arte! Pa'no kung makilala ka na naman nong mga baklang reporter? Kaninong kwarto ka na naman kaya magtatago?" paliwanag ko sa kaniya. May point naman ako di ba?

"Pero kung ayaw mo talaga, tanggalin ko----" napatigil ako, tatanggalin ko sana 'yong scarp sa kaniya nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko para pigilan ang mga 'yon.

"Huwag na." sabi niya. Titig na titig pa siya sa 'kin!

Punyemas! Anong problema?
Bakit may kakaiba akong nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko. Sana hindi niya mahalatang namumula 'yon.

Lian, umayos ka!
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na hinawakan ng lalaki ang kamay mo!

Biglang tumunog ang elevator hudyat para sumakay na kame. Pagsakay namin sa elevator init na init ako. Tumaas yata ang altapresyon ko dahil sa lalaking ito.

~•~

Sa isang seafoods restaurant kame pumunta. Hindi masyadong marami ang tao kaya 'safe' si Jillian dito. Naparami ang order ko, marami kase akong gustong i-try sa menu list nila. Naisip ko lang, bakit kaya sa mga restaurant ang kokonti ng servings nila? Napapa-order tuloy ako ng marami.

Nagsimula na kame kumain. Habang kumakain kami, panay ang sulyap ko sa kaniya. Kapag napansin niyang napatingin ako sa kaniya, umiiwas kaagad ako ng tingin. Hindi kase ako makapaniwala na kasabay ko sa pagkain ang isang artistang tulad niya.

Kapag kinuwento ko kaya eto sa iba, may maniniwala kaya?

Tahimik lang ako sa ngayon kase medyo nahihiya pa kong kausapin siya. Tapos, siya naman hindi rin umiimik.
"Uhm.. Ano nga ulit pangalan mo?"

Sa wakas nag-start na siya ng conversation!

"Lian Cassandra Marquez. Pero Lian na lang." mabilis na tugon ko.

"Okay." aniya. At nagpatuloy siya sa pagkain.

Tumahimik na naman siya. Pero atleast tinanong niya ang pangalan ko. Full name na ang binigay ko para kung sakaling hanapin niya ko sa social media, mahahanap niya ako kagad!

Teka? Bakit ako kinikilig?

"Ma'am, Sir? Would you like to try our newest flavor of wine? Don't worry this is free." tanong nang isang waiter na lumapit sa amin na may hawak na bote ng wine.

"What is this?" tanong ni Jillian.

"Peach Wine, Sir!"

"Allergic ako sa Peaches. Ikaw Lian? Gusto mong i-try?"

"Huh? Sige! Hindi naman ako allergic d'yan." sabi ko. At agad naman akong sinalinan sa wine glass ng waiter. "Thank you!"

"Thank you, Ma'am, Sir! Kung gusto niyo pa po Ma'am tawagin n'yo lang ako."

"Okay, Thank you!" sagot ko. At umalis na ito.

Inamoy amoy ko muna 'yong wine at dahan-dahan inikot ang baso. Nakita ko lang ito sa isang pelikula, ginagaya ko lang. Mas sasarap daw ang wine pag ginawa mo 'yon.
"Alam mo first time ko makakatikim ng wine!" kwento ko sa kanya.

"Talaga?"

"Oo! Kase 'yong ex-boyfriend ko ayaw niya kong painumin ng gan'to."

"Kahit occasionally?"

"Oo."

"Grabe naman 'yang 'Ex' mo."

"Kaya nga,eh. Dahil sa kaniya marami akong bagay na hindi pa nasusubukang gawin o kaya ma-experience." bigla na naman akong nalungkot.

"Bakit parang malungkot ka? Dapat nga masaya ka kase 'Ex' mo na siya! Wala na 'yong taong maghihigpit sa 'yo!"

Sinusubukan niya bang pasayahin ako?

"Ikaw? Wala ka bang Girlfriend?" pag-iba ko ng topic.

"Hindi mo ba nababalitaan sa TV? Isang Aktor, ni-reject ng Girlfriend ang marriage proposal niya."

Ni-reject? Aww, mas masakit 'yon sa break-up!

"Pasensya ka na kung wala akong alam sa 'yo. Hindi kase ako mahilig sa Local Artist. At saka hindi ako nanonood ng TV." paliwanag ko.

"Okay lang."

"Mag-isa ka lang ba pumunta dito?" sunod kong tanong .

"Yup. Actually, tumakas lang ako. Medyo nata-toxic na kase ako sa trabaho ko. Ikaw? Bakit wala kang kasama? Usually sa babae nagta-travel ng may kasama."

"Tumatakas lang din naman ako..." sabi ko habang iniikot-ikot 'yong baso ko na may laman na wine.

"Saan?"

"Sa kalungkutan. Galing ako sa break-up ng eight years relationship ko."

"Eight Years? Wow! Ang tagal nun,a" halatang na-amaze siya.

"Oo matagal talaga! Kaya nga ang sakit-sakit pa rin,eh." emosyonal kong sagot sa kaniya.

"Alam mo, tikman mo na 'yang wine mo kanina mo pa hawak 'yan."

Halatang iniiba niya ang usapan. Okay rin palang kasama 'tong mokong na 'to.

"Cheers?" itinaas ko ang baso ko at itinaas niya rin ang sa kaniya kahit tubig lang ang laman.

Lumalalim ang gabi pero andun pa rin kami sa restaurant. Okay rin pala makipag-kwentuhan sa taong hindi mo kilala kase mas naiilalabas ko ang totoong ako. Kaya napakadami kong naikwento sa taong 'to.

Nagbabanggit din ako ng pangalan na hindi niya kilala pero ayos lang sa kaniya, nakikinig pa rin siya sa kwento ko. Nakakahiya nga e, kase napaparami na ang inom ko ng wine. At habang tumatagal nagkaka-amats na 'ko. Pero ang saya-saya ko kase eto 'yong unang pagkakataong nalasing ako!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon