24: Surprise!

40 1 0
                                    

Masaya kong dinidiligan ang mga halaman sa labas ng bahay namin. Medyo matagal-tagal na ding hindi nakakaranas ng pag-aalaga ang mga halamang ito. Kaya naman pinagtiyagaan kong tanggalan ito ng mga ligaw na damo at saka tuyot na dahon.

Habang nagtatanggal ako ng mga damo, nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa center table sa may sala. Agad kong nilapitan iyon, dahil baka si Tita Isabel ang tumatawag. Kaya lang hindi naman si Tita, hindi rin Jillian ang tumatawag.

Sino kaya 'to? Number lang kase.

"Hello?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

"Lian? Si Miss Lea 'to." sabi nang nasa kabilang linya.

Si Miss Lea? Bakit siya napatawag?
Di kaya alam niya na magkaaway kami ni Jillian.

"Miss Lea, bakit po kayo napatawag?"

"Busy ka ba? Gusto sana kitang isama sa birthday suprise ko kay Jillian, mamaya. After pictorial." sabi niya.

Nagulat ako, birthday niya pala. Pero syempre hindi ako nagpahalata. Siguradong magtataka si Miss Lea kapag nalaman niyang hindi ko alam ang birthday ni Jillian.

"Talaga po?" masiglang tanong ko.

"Oo, pwede ka ba?"

Napaisip ako sandali, siguro magandang pagkakataon na ito para patawarin siya.

"Sige po." sagot ko.

"Great!" tuwang-tuwa ito. "So, text ko sa 'yo 'yong address dito at kung anong oras ka pupunta. Oo nga pala! Kung okay lang na ikaw na ang bumili ng Cake, busy kase kami ngayon. Babayaran na lang kita!" pahabol niya

"Naku, Miss Lea! Kahit hindi na!"

"Nakakahiya naman kase sa 'yo--- Hinahanap na pala nila ako! Bye, see you later!" paalam niya.

Pagbaba ko ng tawag, nagmadali akong pumasok sa kwarto. Hinubad ko kaagad ang damit ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkaligo ko, namili naman ako ng damit na susuotin. Hindi ko alam, parang nakakaramdam ako ng pressure. Hindi ko kase malaman kung ano ang mas maganda sa dalawang dress na hawak ko sa harap ng salamin. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Jillian kapag nagkita kami.

Nang makapili ako ng damit na susuotin, saktong nagtext si Miss Lea. Nakalagay sa text ang address at oras ng punta ko. Mga dalawang oras na lang pala ang bakanteng oras ko, kaya lalong nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili ko.

~•~

Nasa isang dressing room ako ngayon, nagtatago. Walang kaalam-alam si Jillian na nandito na ako sa loob ng studio, hawak ang binili kong cake para sa kaniya. Medyo kinakabahan ako na nae-excite. Sana matuwa siya kapag nakita niya ako.

Nagtext na ulit si Miss Lea. Mag-ready na raw ako, malapit na raw matapos ang pictorial.

Nakaabang na ako ngayon sa may pinto. Sa oras raw na kantahan nila si Jillian ng birthday song saka ako papasok.

"Mamaya na tayo magpack-up! Kantahan muna natin si Jillian nang Happy birthday!" anunsyo ni Miss Lea sa mga taong nandoon.

Tanaw na tanaw ko ang ngiti ni Jillian mula sa puwesto ko. Hindi niya siguro aakalain na susupresahin siya ni Miss Lea sa kaarawan niya.

"Happy Birthday To You,
Happy Birthday To You..."

Oras na, para magpakita na ako. Bitbit ang cake na may isang kandila sa ibabaw, na may sinding apoy. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Napansin kong gumigilid ang kaniyang luha habang nakatitig sa akin.

Hindi pa ako nakakalapit sa kaniya nang bigla siyang naglakad papunta sa akin at bigla akong niyakap. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya yon sa harap ng maraming tao.

Agad na kinuha sa kamay ko ang cake, nang isang staff dahil baka mabitawan ko 'yon. Pagkatapos, napayakap na rin ako sa kaniya.

Panay ang katyawan ng mga tao sa amin habang magkayakap kami. Halatang kinikilig sila, hindi na rin nila natapos ang kanta.

"Jillian, kinakantahan ka pa namin. Mamaya na 'yang yakapan!" saway ni Miss Lea sa alaga niya na may halong biro.

"Oo nga, para namang antagal niyong hindi nagkita!" biro ng isang bakla.

Napapatitig kami at nagkangitian. Kung alam lang nila kung ano ang mga nangyari nitong nakaraang araw.

~•~

Pinagsaluhan ng mga staff ang dala kong cake. Samantala kami ni Jillian ay nakaupo lang sa may sopa at pinapanood lang sila.
"Thank you sa pagpunta." sabi ni Jillian.

"Wala 'yon. Nakakahiya nga,e. Kase ang totoo n'yan hindi ko alam na birthday mo. Tinawagan lang ako ni Miss Lea para pumunta at supresahin ka." pagbubunyag ko sa kaniya.

Napangisi ito ng malaki na parang may iniisip. "Kaya pala hiniram niya ang phone ko. Sabi niya makiki-text lang siya!" pagkakaalala niya.

Mabuti na lang pala ginawa iyon ni Miss Lea at nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpakita sa kaniya.

"Pumunta ka ba dahil sa napatawad mo na 'ko?" tanong niya.

Ngumiti ako at halos mabali ang leeg ko sa kakatango.

"Thank you."

"Basta ba, hindi mo na 'yon uulitin,ha? Mag-promise ka." I raised my pinky finger to make him a promise to me.

"Promise."
The promise has been made. Dahil nakipag-pinky-swear siya akin.

~•~

Tuwang-tuwa si Tita Isabel nang makita akong nagbabalik sa bahay. At sa sobrang pagkasabik niya sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang saya ko rin nang makita ko si Celestine. Niyapos at hinagkan ko ang bata dahil sa sobrang pagka-miss ko dito.

Kinagabihan, kinakabahang pumasok ako sa kwarto ni Jillian. Andito si Tita Isabel, ibig sabihin sa iisang kwarto lang kami dapat matutulog.
"Lian, Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jillian, pagkapasok ko. Nabalikwas ito ng bangon sa nang makita ako.

"Matutulog. Di ba kapag nandito si Tita, dapat sa iisang kwarto lang tayo matutulog. Nalimutan mo na ba?" paalala ko sa kaniya.

"Hindi naman. I just want to make sure na gusto mo pa rin gawin 'to." pag-aalangan niya. "Pwede namang doon na lang ako sa kwarto mo, tapos ikaw dito. Para mas kumportable ang tulog mo." tumayo siya at kinuha ang isang unan.

Parang siya ang hindi kumportable sa akin. Medyo nahihiya siya sa akin.
"H'wag na! Maiinitan ka don. Walang Aircon don,di ba? Kaya... Dito na lang tayong dalawa."

Naglakad ako papalapit sa kama, pagkahubad ko ng tsinelas ay humiga na ako sa kama saka nagkumot.
"Tara na! Matulog na tayo!" masaya kong anyaya ko sa kaniya dahil nakatayo pa din siya. At sumunod naman siya.

Parehas kaming tahimik at nakatingin sa kisame ngayon. Medyo nakakailang kase, hindi ko alam kung bakit.

"Sorry, talaga Lian sa nagawa ko." biglang sira niya sa katahimikan.

"Ako din, gusto kong mag-sorry sa pagsiko ko sa 'yo noon. Nabigla lang ako." paghingi ko ng tawad dito. Hinihintay kong magsalita pa siya pero wala na akong narinig pang salita mula sa kaniya dahil nakatulog na pala siya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang natutulog. "Sweet dreams."

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon