Natapos na din sa wakas ang program, paunti-unti ng nababawasan ang mga tao. At isa-isa na naming pinupuntahan ang mga bisita para magpasalamat sa pagpunta nila.
"Insan! Congrats!" bati ni Liza sa akin, niyakap pa ako. Kasama niya ang iba ko pang kamag-anak. Isa-isa ko rin silang niyakap habang binabati ako.
"Mauna na kami, Lian. Malayo pa ang biyahe namin." sabi ni Mama.
"Sige po, mag-iingat kayo." niyakap ako ni Mama bago umalis, ganun din kay Jillian.
"Bro! Congrats!" bati ng isang lalaking ka-edaran lang ni Jillian. Nagyakapan pa sila.
Infairness! Gwapo siya!
Kaano-ano kaya siya ni Jillian?Hay, naku Lian umayos ka. May asawa ka na. At hangga't kasal ka kay Jillian dapat behave ka lang. H'wag kang titingin sa iba!
"By the way, I'm Tristan!" sabi niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon, parang isang Prinsipe nang makita niya ang kaniyang Prinsesa.
Dug! Dug! Dug!
Ang puso ko. . ."Hey, Bro! Loko ka talaga!" sabi ni Jillian. Bigla niyang kinuha ang kamay ko kay Tristan at hinawakan na lang niya iyon.
Acting lang kaya 'yon?
Bakit ganoon ang reaksyon ni Jillian?"Wooow! Tine-testing lang kita, bro!" natatawang reaksyon ni Tristan. Napangisi na lang si Jillian, mukhang hindi siya natutuwa ayon sa ngiti niya.
"Well, Lian ang masasabi ko---Inlove talaga sa 'yo si Jillian!" saad pa ni Tristan.
Ano daw!??
Napangiti na lang ako sa kakulitan ni Tristan. Saan bang lupalop ng mundo ito nanggaling si Tristan? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Sayang naman ang pagkakataon!
Parang gusto kong kumanta.
Sana'y nalaman ko na nadarating ka sa buhay ko
Eh di sanay naghintay ako...~•~
Nakauwi na kami. Nakakapagod ang mahabang araw na 'to. At ang sakit na rin ng paa ko dahil sa high heels kong sapatos. Nandito ako sa kwarto ko ngayon, sariling kwarto ko na ito dito sa bahay ni Jillian. Kasalukuyang nakaupo na ako sa kama at nagtatanggal ng sapatos.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinihintay sa kwarto ko." sabi ni Jillian na bigla-bigla na lang sumulpot. Nakapameywang pa. Nakabihis na agad ito ng pantulog.
"Eh di ba dito naman talaga ang tulugan ko? Bakit mo ko inaantay sa kwarto mo?" tanong ko.
Ngumiti siyang umiling-iling. Lumapit ito sa akin pagkatapos ay binuhat ako bigla. "Ay! Ano ba!" reaksyon ko nang buhatin niya ako. Sa takot kong mahulog, kumapit ako sa batok niya.
"Habang nandito si Mama sa bahay hindi pwedeng hiwalay ang tulugan nating dalawa. Dahil siguradong magtataka 'yon!" aniya.
Oo nga pala..
"Ah..eh nalimutan ko,e!"
Binuhat niya ako hanggang sa sarili niyang kwarto. At ibinaba niya ako sa gilid ng kama. Kung titignan, para talaga kaming totoong bagong kasal. Kaso hindi,eh. Palabas lang ang lahat nang 'to.
"Magpalit ka na, matulog na tayo." utos niya.
Suot ko pa rin kase ang Wedding Gown ko kaya inuutusan niya akong magpalit.
"Saan ako matutulog?" curious kong tanong. Wala namang ibang tulugan sa kwarto na 'yon kundi ang queen size niyang kama kung saan niya ako nilapag."Sa kama."
"Ikaw?"
"Sa kama din."
"Ano!" singhal ko.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...