10: The Agreement

75 1 0
                                    

"Alam mo hindi mo naman kailangang sundin si Mama sa gusto niyang mangyari." sabi ni Jillian sa 'kin.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay, sa may lanai. At si Tita Isabel naman ay nasa kwarto, nagpapahinga kasama ang apo niya. Kaya malaya kaming nakakapag-usap ngayon.

Kanina pa ako palakad-lakad sa iisang puwesto lang. Nag-iisip kase ako habang ginagawa ko 'yon.
"Sa tingin mo ba problema mo lang 'to?" seryoso akong nakatingin sa kaniya. "Problema ko na rin 'to Jillian! Siguradong pati ang nanay ko ay alam na ang tungkol dito."

Napabuntong-hininga na lang ito.
"I'm sorry." ang nasabi na lang niya.

"Alam mo, imbis na mag-sorry tayo sa isa't isa. Bakit hindi na lang tayo mag-isip ng ibang paraan para malutas natin 'tong problema na 'to!"

"Tulad ng?"

"Nang..." hindi ko alam kung magandang ideya ba ang tumatakbo sa aking isipan.

"Tulad ng ano?"

Umupo muna ako, medyo nahihilo na rin kase ako sa pinaggagagawa ko. "Tulad ng magpapakasal pa din tayo. Pero 'No Strings Attached'. Kasal tayo pero hindi tayo comitted sa isa't-isa!" suggestion ko.

Ilang minuto rin niya pinag-isipan ang sinabi ko. "Sure ka? Gusto mong gawin natin 'yon?" usisa niya.

"Siguro." tugon ko. "Makinig ka. Ang gusto lang naman ng nanay mo ay may kilalaning ina ang anak mo. Ayaw niyang maging illegitimate child 'yong anak mo. That's why, gusto niya tayo makasal."

Nanahimik siya bigla sa sinabi ko. At parang hindi niya gusto ang suggestion ko.
"Unless, sasabihin mo 'yong katotohanan. Iyon ang pangalawang option." dagdag ko pa.

"At kapag ginawa ko ang pangalawang option na 'yon. Siguradong ipapahanap niya ang tunay na ina ng anak ko."

Pagtango lamang ang aking tinugon dito. Halata sa mukha niya na stress na stress na siya sa problema niya. Kawawang Jillian.

"I have a deal." saad ko.

"Ano?"

"Magpapakasal tayo. Tapos, after two years mag-file tayo ng annulment para maging malaya tayo sa isa't-isa." biglang umaliwalas ang mukha nito. Sa tingin ko'y nakukumbinsi ko na siya.

"Deal." sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Tumayo at inilahad niya ang kaniyang palad.

Tumayo rin ako at nakipag-kamayan ako sa kaniya. The Deal is Closed. At wala nang atrasan 'to! Nagkatitigan kami. Matagal. Dahilan para makaramdaman ako ng pagkailang.

"Magpahinga ka na. Uuwi muna ako." mabilis kong binawi ang kamay ko. "Pero babalik din naman ako, kukuha lang ako ng ilang piraso ng damit."

"Samahan na kita!" insist niya.

"H-ha??? Sigurado ka?"

"Oo. Para naman malaman ko kung saan nakatira ang 'future wife' ko." at ngumiti pa ito ng parang nakakaloko.

Future Wife?
Lumaki ang mata ko sa narinig ko. Bigla akong kinilig sa two words na 'yon!

Ano ba Jillian! Parang awa mo na
Don't tease me! Tao lang din ako. Minsan marupok!

~•~

Nandito na kame sa harap ng bahay ko. Mabuti na lang gabi na, wala na masyadong tao sa lugar namin. Kokonti na lang ang dumadaan-daan.

"Lian!"

Sigaw ng isang lalaki sa akin habang binubuksan ko ang pinto ng gate. Tinigilan ko muna ang pagbubukas ng pinto, nagloloko na kase ang 'lock' nito. Nilingon ko muna ang lalaking tumawag sa akin.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon