"Tao po!" sigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay namin. Sinilip ko kaagad sa bintana. Si Benj pala 'yon! Kababata ko dito sa probinsiya at former classmate ko noong high school, dito kase ako nag-high school sa probinsya.
Anak ito nang may-ari ng katayan ng baka na si Tito Roldan, na bestfriend ni Papa noong nabubuhay pa ito. Kaya naging 'close' kaming dalawa dahil lagi silang dumadalaw mag-ama kay Papa noon.
May dala-dala siyang supot na siguradong karne ng baka ang laman at mga mangga na hinog na, may sanga-sanga pa.
"Benj!" magiliw kong tawag sa kaniya at lumabas na ako ng bahay para lapitan ito.
"Lian, long time no see. Na-miss kita!" sabi ni Benj. Mukhang gusto pa niya akong yakapin pinigilan lang niya ang sarili niya dahil may mga dala siya.
Napalingon tuloy ako kay Jillian na nasa may likuran ko lang, karga karga ang anak niya. Sana lang hindi niya narinig ang sinabi ni Benj!
Highschool pa lang kami alam kong may pagtingin na sa akin si Benj. Kaso hindi ko siya gusto kaya na-friend-zone ko lang siya.
Napangiti ako. "Napaka-straight-to-the-point mo talaga kahit kelan!" wika ko.
"Nadulas lang dila ko, Sorry. Nalimutan ko na may asawa ka na nga pala. Oo nga pala--- Heto na 'yong order ni Tita Rose Ann na karne. At saka mangga para sa'yo. Alam ko paborito mo 'to kaya pinagpitas kita sa taniman ni Papa."
"Salamat." agad ko namang tinanggap ang mga dala niya.
"At saka sabi ni Papa kung pwedeng dalawin mo siya, gusto ka raw niyang makita at mangamusta. Kung okay lang din daw isama mo rin ang asawa mo nang makilala naman niya."
Dahil sa bestfriend ni Papa si Tito Roldan, parang anak na rin ang turing nito sa akin. Ganoon din ako, parang pangalawang ama na rin ang tingin ko dito.
"Oo naman! Walang problema." sagot ko
"O sige, mauna na ko. Kita na lang tayo mamaya!" pamamaalam niya.
At tuluyan nang umalis si Benj. Dinala ko sa kaagad sa kusina ang karne, kung nasaan si Mama. Naghuhugas ng pinggan.
"Ma, eto na 'yong karne ng baka na order mo daw." sabi ko at inilapag ko 'yon sa may mesa.
"O sige. Kaya lang sa ulingan ko 'yan palalambutin baka naman pwedeng magsibak ka ng kahoy, wala na kasing kahoy don na pangluto." utos ni Mama.
"Ma, naman! Panglalaki naman 'yang pinapagawa mo,e!" reklamo ko.
"Alangan namang si Jillian ang utusan ko, nakakahiya! At saka marunong ka naman!" sabi niya.
"Manugang mo naman siya, eh!" katwiran ko. "Di porket artista, maganda na agad ang treatment sa kaniya!" dagdag ko pa.
"Ang dami mo pang sinasabi. Kung sundin mo na lang kaya ako!" sermon ni Mama sa akin. Pinanlalakihan pa niya ako ng mata. "Kasalanan mo 'yan, aasa-asawa ka ng artista!"
Napanganga ako sa huling sinabi ni Mama. Talaga namang sinisi pa niya ako sa bagay na 'yon.
~•~
Pinasa ko ang utos sa akin ni Mama kay Jillian. Nasa likod-bahay kami ngayon para magsibak ng kahoy.
"Pa'no ba 'to?" tanong niya.Oo nga pala! Richkid nga pala 'to kaya hindi marunong sa ganitong gawain.
"Ganito..." kinuha ko 'yong palakol at isang kahoy, inilapag ko sa isang malaking tadtadarang gawa sa kapiraso ng malaking punong-kahoy. Pagkatapos ay pinakita ko sa kaniya ang tamang pagsibak. "Mas maliit, mas maganda kase liliyab agad 'yon." paliwanag ko.
"Okay." sabi niya, sabay hubad ng t-shirt niya. "Pakihawak, siguradong pagpapawisan ako dito." iniabot niya ang t-shirt sa akin. Hindi ko naiwasang sulyapan ang matipuno niyang katawan.
"Okay!" tulala kong tugon dito.
Habang pinapanood ko siyang magsibak, kinakain ko ang mangga na bigay ni Benj sa akin. Grabe, napakaganda ng view!
Mas maganda pa ito sa sunset kahapon. Pawis na pawis na siya sa ginagawa niya. Nagmistulang langis ang pawis niya sa kaniyang katawan dahil kumikintab-kintab ito kapag natatamaan ng sinag ng araw. Lalong lumitaw ang ganda ng kaniyang katawan!
"Hmm..ang sarap!" sabi ko habang nginunguya ang mangga.
"You really enjoy the view, huh!" sabi niya nang huminto siya saglit.
"Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan ko.
"You watch my body all the time!"
"Ano!" singhal ko. "Ikaw, ha. Assuming ka. Masama 'yan! Ang pinapanood ko 'yong kahoy. Pinapanood ko kung tama ba ang ginagawa mo!" palusot ko kaso pinagtatawanan niya lang ako. Hindi yata effective sa kaniya ang acting skills ko!
"Sige na ituloy mo na 'yan. Nipisan mo pa 'yong kahoy para hindi mahirapan si Mama sa pagpapalingas niyan!" utos ko sa kaniya.
~•~
Pagkatapos naming maghapunan sa bahay ay tumungo na kami ni Jillian sa bahay nina Tito Roldan kasama ang dalawa kong pinsan na sina Liza at Enzo. Para naman may kasama kami ni Jillian sa pag-uwi.
Andito kami ngayon sa garden nila. Nagset-up sila ng mahabang mesa at upuan dito. Kahit noong nabubuhay pa si Papa ganito din ang ginagawa ni Tito Roldan sa garden nila, tapos ay mag-iinuman sila at may kantahan pa.
"May buko pie na inihanda ang asawa ko para sa inyo. Gusto niyo ba?" tanong ni Tito Roldan sa amin.
"Kakakain pa lang namin, Tito. Medyo busog pa." sabi ko. Specialty pa naman iyon ng asawa niya.
"Sayang naman hindi niyo matitikman."
"Don't worry, Tito! Ite-take-out na lang namin 'yon. Para hindi masayang effort ni Tita!" sabi ni Enzo.
"Enzo! Nakakahiya ka!" saway ni Liza sa kapatid niya.
Nagtawanan kaming lahat. Ang pinsan ko talaga basta't pagkain walang palalagpasin.
"Kung busog pa kayong lahat, tamang-tama mag-inuman na lang tayo!" masiglang alok niya sa amin. "Anak, kunin mo 'yong lambanog sa kusina at saka 'yong gitara." utos niya kay Benj. Agad namang sumunod ito. "Lian, umiinom ba ang asawa mo?" usisa ni Tito Roldan.
"Oo naman po!" sagot ko.
"Okay na ba sa'yo, Hijo ang lambanog?" tanong ni Tito Roldan kay Jillian.
"Naku, Kuya Jillian napakasarap ng lambanog dito!" singit ni Enzo.
"Okay lang po!" sabi ni Jillian.
Nang makabalik si Benj bitbit na niya ang inutos sa kaniya. Agad na kinuha ni Tito Roldan ang gitara para ito'y ayusin.
"Anak, ikaw na ang magsalin ng alak sa mga baso natin." sunod na utos nito.
"Ako na po!" prisinta ni Jillian. Nakataas pa ang isang kamay. Nagkatinginan kaming lahat sa ginawa niya.
"O sige!" tugon ni Tito Roldan.
Maliliit lang naman ang shot glass, dahil napakatapang ng lambanog. At nagsimula nang magsalin si Jillian sa mga baso namin. Pinuno niya ang baso nang lahat, samantala sa baso ko ay kalahati lang ang laman.
Ang liit-liit na nga ng baso, kinalahati pa niya!
"Ano to?" reklamo ko sa kanya pero pabulong lang.
"Pwede na yan sa 'yo!" sabi niya.
Napapikit na lang ako sa inis. Ngayon alam ko na kung bakit prisintado siya sa pagsalin, iyon ay dahil may binabalak siya!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Storie d'amoreWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...