Hindi magkamayaw ang mga fans nang makita nilang isa-isang dumarating ang kanilang mga iniidolo sa Movie Premier Night ng Best of Friends. Na pinagbibidahan ni Aaron Rosales, Jennifer Love, at ni Jillian.
Inalalayan ako ni Jillian sa pagbaba nang sasakyan. Humawak ako sa braso niya bago tumapak sa red carpet. Nagulat ako nang tanggalin niya ang kamay ko sa pagkakahawak at inilipat niya iyon sa mga palad niya. Naghiyawan sa kilig ang fans dahil sa amin.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Silaw na silaw ako sa mga flash ng mga camera. Picture taking palang nakakapagod na, pero kailangan pa rin ngumiti ni Jillian sa harap ng camera dahil artista siya. Kailangan makita ng mga fans niya na masaya siya sa ginagawa niya.
Napakaraming artista ang pumunta para suportahan ang pelikula. Nagpunta rin si Tristan, nagpa-picture pa siya sa amin.
Papasok na kami sa movie theater nang makasalubong namin si Sarah. May kasama pa itong dalawang babae na sa tingin ko ay mga kaibigan niya. Pinauna na niya sa loob ang mga kasama niya, saka siya lumapit sa amin.
"Jill," sabi ni Sarah sabay beso kay Jillian. "Lian." nakipag-beso din siya sa akin. "Ang ganda-ganda mo ngayon, Lian."
"Salamat. Ikaw din ang ganda mo." bawi ko sa kaniya. Napaka-sexy niya sa suot na cocktail dress na fitted-style.
"Thanks for the support, Sarah." sabi ni Jillian.
"Yeah. Ever since, kapag may movie ka, I've always watch to support you." sabi ni Sarah habang titig na titig kay Jillian.
Talagang sa harapan ko pa kayo magre-reminisce, ha! Ginigigil n'yo ko!
Tumikhim ako, hindi ko na kase gusto ang nangyayari. Kunwari'y hinaplos-haplos ko ang leeg ko.
"Mahal...maupo na tayo, please!" singit ko sa kanila. Nagpa-cute pa ako sa kaniya. Tinawag ko siya sa endearment namin dahil gusto kong pagtripan si Sarah."Oo naman." tugon ni Jillian sa akin.
"Sarah, mauna na kami sa loob." paalam niya."Yeah. Sure!"
At nilayasan na namin siya. May kakaiba akong nararamdaman kay Sarah. Parang may mali. Iyong mga titig niya kay Jillian kanina parang may ibig sabihin. Hindi kaya, mahal pa rin niya si Jillian?
~•~
Nagsimula na ang pelikula, tutok na tutok ang lahat. Kwento pala ito nang magkakaibigan na nauwi sa love triangle sa pagitan nina Aaron, Jennifer, at Jillian. Mas pinili ni Jennifer si Aaron, kaya lang may sakit si Aaron. At namatay siya sa bandang gitna ng kuwento, bago mamatay si Aaron ibinilin niya sa girlfriend niya na magpakasal ito sa bestfriend niyang si Jillian. Para masiguro niyang sa mabuting lalaki mapupunta ang nobya niya.
Naikasal nga sina Jillian at Jennifer. Kaya lang hindi maka-move-on si Jennifer sa pagkamatay nang dati nitong nobyo. At ang Ending, hindi sila nagkatuluyan ni Jillian!
Mas pinili nilang magkahiwalay ang kanilang mga landas, dahil iyon ang nararapat. Naging mag-kaibigan na lamang sila sa bandang huli.
Dalang-dala ako sa kwento kaya naman hindi ko talaga napigilang umiyak habang nanonood. Lalo na 'yong part na naghiwalay si Jennifer at Jillian sa kuwento. Mabuti na lang inabutan ako ng panyo ni Jillian at iyon ang ginamit kong pamunas sa luha't sipon ko!
"Bakit hindi mo man lang sinabi na nakakaiyak ito!" sisi ko kay Jillian. Habang sumisinga.
"Bakit ko iku-kwento sa 'yo? E di wala ng excitement 'yon!"
Napanguso na lang ako sa sinabi niya.May Dinner Party pa raw ang mga bumubuo ng pelikula. Kaya lang bigla na lang hinila ni Jillian ang kamay ko, hanggang sa marating namin ang parking lot. May pupuntahan daw kami at hindi ko alam kung saan dahil hindi naman niya sinabi.
~•~
Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang building sa Makati. Pagdating sa loob ng establishimento, sumakay kami sa elevator para makarating sa rooftop nito.
Nang nasa itaas na kami, tuwang-tuwa ako sa nasilayan ko. Mga ilaw ng mga matataas na gusali, sasakyan, at street lights ang bumungad sa amin. Parang christmas lights na nagkalat sa paligid. Idagdag mo pa ang bituin at buwan sa langit. At ang simoy ng hangin na napakalamig.
Wala ring masyadong tao. Nakaka-relax ang spot na 'to lalo't sa gabi.
"May maganda pa rin sa Maynila kahit na parang ang gulo-gulo, ma-trapik, mausok. Pero pag gabi, tapos nasa ganito kang lugar--- Mawawala 'yong stress mo sa maghapon." mahabang litanya ko habang nakatingin sa magandang view ng siyudad. "Bakit mo nga pala ako dinala dito?" napalingon ako sa kaniya.
"Kase... I want to share it with you."
"Bakit naman?"
"Wala lang! I mean, I miss this place. Dito ako pumupunta, kapag gusto kong mapag-isa. Thanks for my friend of mine, I found this place."
"Gusto mo palang mapag-isa pero sinama mo 'ko! Weird mo talaga!" pagkatapos ngumiti ako.
"Kase gusto kong mapag-isa, kasama ka."
Napatitig ako sa kaniya. Ramdam kong bumilis ang kabog nang dibdib ko. Ganito palagi ang epekto sa akin ng mga matatamis niyang salita.
"Ang weird mo pa rin!" saad ko at umiwas na ako ng tingin sa kaniya.
Umupo kami sa bench chair doon. Dahil sa medyo napapagod na ang paa ko, hinubad ko ang high heels at hinilot-hilot ko ang mga binti ko.
"Alam mo, tulungan na kita d'yan!" Humarap ito sa akin. At walang pakundangang umupo sa sahig. "Humarap ka sa akin." demand niya at sinunod ko naman siya. "Give me your feet."
Nakakahiya man sinunod ko ang gusto niya. Pagkatapos ay hinilot-hilot niya ang aking mga paa at binti. Pinatong ko sa sandalan nang upuan ang braso ko at ginawa kong unan ng aking ulo habang nanonood sa ginagawa niya.
Napaka-malalahanin naman nitong tao na 'to. Kung sakaling matagpuan na niya ang taong mamahalin niya, napaka-swerte naman nang babae na 'yon!
"Feelin' better?" tanong niya habang iniikot-ikot ang paa ko.
"Oo. Feeling ko nga rin, Boss ako!" nakangising tugon ko sa kaniya. "Alam mo, ang tanga-tanga ni Sarah. Kase pinakawalan ka pa niya." panghihinayang ko.
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kase sa tagal na nating magkakilala. Sa Cebu pa lang napatunayan ko na mabait ka talaga. Samantala, nong di pa kita nakikilala, akala ko talaga bad boy ka o kaya chick boy. Nasa image mo kase kaya akala ko ganun ka talaga." paliwanag ko
"Well, bad boy ako paminsan-minsan. Depende naman kase 'yon sa tao. Kapag pinakitaan ako ng maganda, ibinabalik ko lang. Pero kung salbahe, salbahe din ako sa kaniya--- Simple as that!"
"Sa bagay."
"Masakit pa ba?"
"H-ha? Ah..hindi na okay na 'ko!" Ibinaba ko na ang mga paa ko. Umupo na ulit ako ng maayos at siya rin.
"Alam mo, nakakagutom." Tiyan ko naman ang hinilot-hilot ko. "Parang ang sarap kumain ng inihaw na atay, isaw, barbi-que, at saka paa ng manok!" pagke-crave ko. Gutom na gutom na kase ako, kung bakit naman kase tumakas pa kami sa dinner party!"Wooow!" natatawang bulalas niya. "Andami nun,a! Grabe talaga kayong mga babae mag-crave. Tapos kapag tumaba, namomoblema!" alaska niya sa akin.
Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi niya. "Kasalanan mo kaya, kung bakit ako nagugutom ngayon!" himutok ko. "Kung sa'n-saan mo kase ako dinadala!" humahaba tuloy nguso ko sa inis.
"Okay. Sorry na! Tara na, maghanap na tayo ng mga pagkaing gusto mo!" sabay akbay sa akin.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomantikWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...