34: Getting Jealous

56 2 0
                                        

"Sir, Jillian?" Napalingon kaming dalawa sa dumungaw na babae sa may pinto. Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko sa aking pisngi gamit ang aking mga kamay, at ganun din si Jillian.

Nakapayong ito at hinahanap si Jillian. Personal Assistant niya siguro ito dahil tinawag niyang 'Sir' si Jillian. Medyo bata pa ito. Siguro nasa bente-kwatro anyos pa lang, malaking bulas lang. Halatang nataranta ito nang makita kaming dalawa sa ganung hitsura.

"Nag-uusap pa po yata kayo, balikan ko na lang po kayo---"

Napatayo ako bigla.
"Tapos na kami mag-usap!" putol ko sa kaniya. At tinanggal ko ang jacket ni Jillian na nakapatong sa aking balikat, saka inabot ko sa kaniya. "Sige na, Jillian sumama ka na baka hinahanap ka na nila."

Hindi makapagsalita si Jillian. Tumayo na rin ito at nakatitig siya sa akin nang kunin niya ang jacket niya. Sinenyasan ko siyang umalis na, sa pamamagitan ng pagbaling ng aking ulo sa kinaroroonan nang babae. Npabuntong-hininga na lang si Jillian, halatang naiinis ito.

"Babalikan kita." sabi niya sa akin bago sumama sa P.A. niya. At ang mga salitang 'yon ay nagbigay nang kaba sa aking dibdib.

~•~

Araw ng Linggo, wala raw shooting ngayon dahil day-off nila. Dinagsa kami ngayon nang customer dahil siguro sa ginawang pag-shooting dito nang pelikula nina Jillian. Kaya hindi kami magkanda-ugaga sa pag-asaikaso sa dami nang tao.

Ganito pala ang kalalabasan ng shooting-shooting na 'yan. Tama nga sila, dadagsain nga kami ng mga customer. Mabuti na lang pumayag ako.

Agaw eksena ang pagpasok nang isang lalaki. Artista ba naman ang biglang dumating. Walang iba kundi si Jillian!

Nagpalingon-lingon ito sa paligid at nang makita ako ay kinawayan niya ako, nakangiti pa. Naglakad ito papalapit sa akin. Nag-uusap sa tinginan ang mga pinsan ko at nahalata ko 'yon. Sigurado, tutuksuhin na naman nila ako mamaya!

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong tanong kay Jillian.

"Nami-miss ko na kase 'yong kape mo at saka sabi ko sa 'yo kahapon, 'Babalikan kita'." tugon niya sa akin. May nalalaman pa itong pataas-taas ng kilay na tila nang-aasar.

Napapailing na lang ako sa inis.
"Maupo ka na nga!" utos ko dito.

"Excuse me, Miss." sabi ng isang babae na sa tingin ko ay ka-edad ko at maganda't sexy pa ito. Paalis na sana ako nang biglang tawagin nito.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Pwede bang picture-ran mo kami? Heto, oh." sabay abot ng cellphone niya na nasa camera application na. Pagkatapos ay kumapit ito sa braso ni Jillian, hindi ko naiwasang mapatingin don.

Hindi ba't uso na ang selfie ngayon? Bakit kailangang ibang tao pa ang magpi-picture sa kanila!

Napilitan akong sumunod dahil customer siya at ayoko namang masira ang imahe ng coffee shop dahil sa simpleng kahilingan nito. Paghawak ko nang cellphone, mabilis itong yumakap sa leeg ni Jillian. Kaya pala siya nagpasuyo sa akin na kuhanan sila ng litrato dahil yayakapin niya pala si Jillian. Napapangisi na lang ako. Halatang dinidikit niya ang malusog niyang dibdib sa katawan ni Jillian.

Andami pa namang tao ngayon dito. Hindi na nahiya ang babaeng ito! Nakaka-beast mode!

Hindi ko maiwasang umikot ang mata ko sa inis. Tapos etong lalaki na 'to, parang tuwang-tuwa pa siya sa pagkaka-yapos sa kaniya nang loka-loka na 'to, dahil nakahawak pa siya sa bewang nito.

Hay naku! Parang kahapon lang, sinabi niyang mahal niya ako! Tapos ngayon, nakikipaglandian siya, sa harapan ko pa!

"Okay. One, two, three. Smile!" walang kasigla-siglang pagbibilang ko. Sabay 'click' ng camera.

"One more, please?" sabi ng babae sa akin.

Kahit medyo naiinis na ako, pinagbigyan ko pa rin ito.
"Okay. One, two, ---" Hindi ko na natapos ang pagbibilang ko nang bigla niyang halikan sa pisngi si Jillian!

Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Kahit nga 'yong mga taong nasa paligid namin ay nagulat din. Grabe, nasobrahan na ng kalandian ang babaeng ito!

"Eto na 'yong phone mo!" padabog kong ibinalik sa babae ang cellphone niya, pagkatapos ko silang makuhanan ng litrato.

Pagkatapos ay lumabas ako nang coffee shop at dumiretso sa may Greenhouse. Nag-inhale at exhale ako, para kasing nanikip ang dibdib ko sa nangyari kanina!

"Lian!" Paglingon ko, si Jillian pala.

"Bakit mo ko sinundan? Akala ko ba magka-kape ka?" nagagalit kong tanong sa kaniya.

"Nag-alala lang ako sa 'yo kase bigla ka yatang namutla?"

Napahalukipkip ako. "Okay ako! Kaya bumalik ka na don. Balikan mo na 'yong 'fan girl' mong haliparot!" naiinis kong utos dito.

Naningkit ang mga mata nito sa akin.
"Nagseselos ka ba?" tanong niya.

"Ano!" singhal ko sa kaniya. "Bakit ako magseselos?" galit kong tanong.

"Eh, bakit ka nagkakaganyan? Padabog mo pang binalik 'yong phone sa babae. Nagback-out ka pa!"

"Pwede ba, nagback-out ako kase naiinitan ako sa loob! Hindi dahil sa selos!" rason ko.

"Ang lakas nang aircon niyo sa loob, naiinitan ka pa?" tanong niya na may halong pang-aasar.

Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba ako nag-back-out? At saka pinagdabugan ko pa 'yong customer. Bakit ko nga ba inasal 'yon? Para tuloy ako pa ang napahiya.

"Oo. Sobrang init. Dahil siguro sa kumukulo ang dugo ko sa 'yo." sagot ko. "May pahawak-hawak ka pa sa bewang!" natigilan ako. Hindi ko sana sasabihin 'yon dahil iniisip ko lang 'yon.

"Sandali nga!" sobrang laki ng ngiti nito. Parang alam ko na ang iniisip niya. "Ayaw mong isipin ko na nagseselos ka pero nagagalit ka sa paghawak ko sa bewang ng babae. Umamin ka nga, mahal mo pa rin ako, 'noh?" nakangising tanong niya sa akin.

Muli akong natigilan dahil sa tanong niya. Dahil, kahit sa sarili ko ay hindi ko alam ang sagot.

Ngumiti na lang ako, kunwari'y natutuwa ako sa tanong niya.
"Alam mo, nakakatuwa ka talaga-- Syempre, hindi na. Naka-move-on na 'ko, matagal na!" palusot ko.

"Okay!" tugon niya. "Pero gusto ko lang ipaalam sa 'yo na, gagawin ko ang lahat. Bumalik ka lang sa akin!"
Pigil na pigil ko ang aking hininga dahil inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. At mata sa mata niya ako tinitigan. Nakahinga lang ako nang maluwag ng umalis na ito sa aking harapan.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon