Dahan-dahan akong kumatok sa pintong nasa harapan ko. At muli kong tinignan sa text message kung tama ba ang room number na pinuntahan ko. Nang makumpirma ko na, bumukas na ang pinto.
"Lian, pasok ka." wika ni Jillian.
Pagpasok ko napansin ko kaagad na may hawak na isang bouquet nang bulaklak si Sarah, habang nakaupo at nakasandal sa kaniyang higaan. Siguro'y galing kay Jillian ang mga bulaklak.
"Lian!" masayang bungad sa akin ni Sarah. At ningitian ko naman siya.
Halata sa mga mata niya na may malubha siyang sakit kahit na ito'y nakangiti sa akin ngayon.
"Hi, Sarah. Para sa 'yo." may bitbit akong iba't-ibang prutas para sa kaniya. Agad namang kinuha ni Jillian ang mga prutas at inilagay sa basket na nasa ibabaw ng mesa na may iilan na ding nakalagay na prutas.
"Salamat. Salamat din sa pagpunta.." sabi ni Sarah.
"Lalabas muna ako para makapag-usap kayo." paalam ni Jillian sa amin.
"Salamat, Jillian." tugon ni Sarah. At lumabas na ito ng kwarto. Tanging kami na lang dalawa ni Sarah ang naiwan.
"Maupo ka."
May monoblock chair sa gilid ng kama at doon ako umupo. Inilapag muna niya ang mga bulaklak sa side table niya.
"Nang mabalitaan ko ang nangyari sa 'yo, hindi ako makapaniwala." panimula ko. "Sobrang nagulat talaga ako..."
"Ganyan din ang reaksyon ko nang malaman kong may sakit ako. I was so depressed that time. Pakiramdam ko, i'm alone, i have no time, and hopeless."
"I'm sorry." simpatya ko.
"It's Okay. Tanggap ko naman na ito ang kapalaran ko. And that's the reason kung bakit ko ni-reject noon ang marriage proposal ni Jillian. Because, I knew I was about to die." salaysay niya na may kalakip na kalungkutan.
"Pero mahal ka naman ni Jillian nong mga panahon na 'yon. Bakit hindi mo na lang sinabi ang totoo? Sigurado namang matatanggap niya ang sitwasyon mo." kumento ko.
"Dahil ayokong mahirapan siya. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang malungkot araw-araw nang dahil sa akin. Kaya ko ginawa ko 'yon." dahilan niya. Huminga ito nang malalim at muling nagsalita. "Nong nabalitaan kong ikakasal na siya, parang gumuho ang mundo ko. Beacause he is my world. And then i realized, i want to beside him until i die." mangiyak-ngiyak niyang kwento sa akin. "Kaya nang makita ko siya kung paano siya mag-alala sa akin, noong gabi na 'yon. Nabuhayan ako nang loob para ipagpatuloy ang buhay..."
Napatingin ako sa kaniya at pilit kong pinagtatahi-tahi ang gusto niyang iparating at kung ano ang gusto niyang hilingin sa akin.
"Nagkaroon ako ng pag-asa nang dahil sa kaniya---"
"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin? Para saan ba ang pagpunta ko rito? Sabi ni Jillian, may hihilingin ka raw. Ano ba 'yon?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa ang usapan.
"Gusto kong isama si Jillian sa America habang nagpapagamot ako. Gusto ko siyang makasama hanggang sa gumaling ako." kahilingan niya.
Hindi madali ang hinihingi niya. Kasal kami Jillian, at iyon ang alam ng mga tao. Kung pagbibigyan ko siya, siguradong makakagulo-gulo lang ang mga buhay namin. At si Celestine, paano na lang siya?
"Kasal kami ni Jillian. Imposible 'yang request---"
"Alam ko na ang lahat, Lian. Alam ko nang after two years ay maghihiwalay din kayo,"
Kaya pala, may lakas siya ng loob na humiling nang ganun! Dahil alam na niya ang lahat.
"At kung okay lang sa 'yo. Ikaw muna ang tumayong magulang ng anak niya habang wala kami." dagdag pa niya. "Huwag kang mag-alala magbibigay kami ng monthly salary mo.." patuloy pa niya.
Napangisi ako.
"Ano? Seryoso ka ba?" naiinis kong tanong sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot sa tanong ko. Napapikit ako sa inis kaya naman ay tumayo na ako sa kinauupuan ko."Pasensiya na. Pero ayoko!" pagtanggi ko. "Ipapaalala ko lang sa 'yo. 'Yong batang tinutukoy mo ay iniwan nang sarili niyang ina. Tapos 'yong ama niya, ilalayo mo naman sa kaniya." pangongonsensiya ko sa kaniya. "Pasensiya ka na. Alam naman natin na mahaba-habang gamutan 'yang sakit mo. Ibig sabihin, lalaki na lang ang bata na 'yon nang walang nakakasamang biological parents. Hindi ka ba naaawa sa kaniya?" maluha-luha kong tanong sa kaniya.
Sana lang ay makuha niya ang pinupunto ko. Kawawa naman si Celestine kapag nangyari ang gusto niya.
"Kaya nga ako nakikiusap sa 'yo." saad pa niya habang umiiyak.
"Naaawa ako sa 'yo pero mas naaawa ako sa bata. Kaya sana h'wag mong gawing rason 'yang sakit mo." hindi ko maiwasang itaas ang boses ko. Naubos na kase ang pasensiya ko. "At saka, payong kaibigan lang,ha? Huwag mong idepende ang sarili mo kay Jillian. Kung gusto mo talagang mabuhay, gagawin mo 'yon para sa sarili mo. Hindi para sa ibang tao!" payo ko rito. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto, iniwanan ko siyang umiiyak.
~•~
"Lian," sambit ni Jillian. Nasa labas lang pala ito ng kwarto, marahil narinig niya ang pinag-usapan namin ni Sarah.
"Ano!" inis na inis kong tanong dito.
"She's sick. Baka naman pwede mo siyang pagbigyan."
"Iniisip ko lang si Celestine! May mali ba don?"
"Wala. Actually, ang saya-saya ko kase siya ang iniisip mo at concern ka sa anak ko. Pero hindi ba pwedeng pagbigyan natin si Sarah sa request niya? Lalo na't alam nating maliit na lang ang 'chance' na mabuhay pa siya nang matagal. Naiintindihan mo ba?" mahabang pakiusap niya.
"Hindi!" galit kong sagot sa kaniya. "Pero sinusubukan kong intindihin. Kaso hindi ko talaga maintindihan, e! Kung alam mo lang... Hirap na hirap na 'ko sa lahat. Hirap na hirap na din akong magsinungaling, magpanggap, maging ina ng batang hindi naman sa akin nanggaling. Ang hirap Jillian... Lalo na't napamahal na ko kay Celestine..."
Pati na rin sa 'yo, bulong ng puso ko.
"I'm sorry." maikli niyang saad.
"Ikaw pa rin naman ang totoong magulang, kaya bahala ka na sa magiging desisyon mo. Bahala ka kung gusto mong iwan ang anak mo, para samahan siya. Bahal ka na lang Jillian."
Iyon na lamang ang huli kong sinabi sa kaniya bago umalis. Umiiyak ako habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Wala na akong pakialam kung may nakatingin sa akin.
Nasaktan ako nang sobra sa nangyayari ngayon. Parang kanina lang ay maayos na ulit kami Jillian, at ngayon ay may gusot na naman sa pagitan namin.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...