12: The Preparation

56 2 0
                                        

"Tita nandito na sila!"

Narinig kong sigaw ni Liza. Excited na excited siya. Pero alam kong hindi siya sa 'kin excited, kundi kay Jillian. Mahilig kase sa artista si Liza.

Pagkababa namin ng kotse ni Jillian. Pinagbukas kami ni Liza ng gate at si Mama naman ay sinalubong kami.

Fifty years old na si Mama pero hindi halata sa mukha niya dahil maalaga siya sa katawan. At ang ganda-ganda pa din ng nanay ko kahit ma-edad na.

Agad akong nag-mano sa nanay ko, ganun din si Jillian.

"Kumain na ba kayo?" tanong ni Mama.

Ang bait talaga ng Mama ko kahit na alam niyang may kasalanan ako sa kaniya lagi niya pa rin akong tinatanong kung kumain na ba ako. Kaya nakaka-konsensiya.

Hayyy, Mama. I'm sorry kung magsisinungaling ako sa inyo.

~•~

Nagha-hapunan na kami ngayon. Nagluto si Mama ng sinigang na baboy. Miss na miss ko talaga ang sinigang niya kase sobrang asim, bunga talaga ng sampalok ang ginagamit niyang pampa-asim. At mukhang nagustuhan din ni Jillian ang luto ni Mama, nakadalawang plato kase siya ng kanin.

"Sa totoo lang, hindi ako tutol sa pagpapakasal n'yo. Ang sa akin lang, bakit inilihim mo sa akin Lian, ang pagbubuntis mo?" tanong ni Mama sa akin. Ramdam ko na nagtatampo siya, dahil na rin sa boses niya.

"Natatakot lang ako 'Ma na baka magalit ka o kaya ma-disappoint ka. Kaya hindi ko ipinaalam sa 'yo." sabi ko.

Sa totoo lang napakahirap magsinungaling kay Mama kase kilalang-kilala niya ako. Ang dapat ko lang gawin ay galingan ko sa pag-arte para hindi siya makahalata. At sana lang, mapatawad niya ako sa oras na malaman na niya ang totoo.

"Disidido na ba kayo sa desisyon n'yong magpakasal?" paniniguro ni Mama.

"Opo." sabi ni Jillian sabay hawak sa kamay ko. At nakita ni Mama ang paghawak ni Jillian sa kamay ko.

Nice acting, Jillian!

"O sige. Kung saan kayo masaya susuportahan ko kayo."

Napangiti ako. "Thank you, Mama!" lumapit ako kay Mama at niyakap ko ito nang mahigpit.

"Teka, Insan. Selfie lang kami ni Jillian, ha?" agaw eksena ni Liza.

"Bakit sa 'kin ka nagpapaalam?" natatawa kong tanong.

"Baka kase pagselosan mo 'ko,e! Mahirap na!" katwiran ni Liza.

Nagtawanan kaming lahat dahil sa ka-kengkoy-an ni Liza. At hinayaan ko lang ito mag-selfie kasama si Jillian, humingi pa siya ng autograph!

~•~

Naging abala ako nitong nagdaang araw, nag-asikaso na kami para sa kasal. At masasabi kong hindi talaga biro ang pagpapakasal.

Mula sa invitation card, motif, theme, foods, venue, church, at attire. Lahat mabusisi. Pakiramdam ko nga mababaliw na ako sa sobrang dami ng aasikasuhin.

Tumutulong naman si Jillian sa preparations ng kasal. Paminsan-minsan nga lang dahil may sino-shoot siyang pelikula ngayon. Supporting Actor daw siya don kaya minsan gabi na siya umuwi, kaya hindi na rin kami nakakapag-usap ng matagal.

Pero kahit ganun, hindi siya nakakalimot na makipaglaro kay Celestine. Minsan nga ginigising niya ito sa pamamagitan ng pagpupog ng halik para lang maka-bonding niya ang anak niya.

Hindi naman masyadong nakaapekto sa career ni Jillian ang pagkakaroon ng anak. Infact, full support pa rin ang mga fans niya kahit na ikakasal na siya.

At kami naman ni Tita Isabel, nagiging close na kami sa isa't isa. Araw-araw ba naman kami magkasama. Siya kase ang katu-katulong kong mag-alaga kay Celestine. Siya na rin ang katuwang ko sa pag-aayos ng kasal kapag hindi nakakasipot si Jillian sa mga meeting namin. Kaya ang laki ng pasasalamat ko kay Tita Isabel.

Church Wedding ang napili namin ni Jillian. Ni-request ko sa Event Organizer na maghanap ng simbahan na natural ang pagiging 'vintage' ang hitsura. Para sa 'kin kase ang romantic ng gano'ng lugar, at saka 'yong ambiance.

Sa Reception naman Fairytale Wedding Theme ang napili ko. Gusto ko kase maging prinsesa kahit isang gabi lang. Kaya pati sa gown ginalingan ko na ng pagpili!

Off-shoulder, bell-shaped bridal gown ang napili ko. May lace bridal gloves pa etong kasama. Napaka-timeless kase ng disenyo na 'to. Kahit sinong babae siguro gugustuhing makapagsuot ng ganito.

We almost done. Nakapag-food tasting na rin kame. Nakapili na rin kame ng wedding cake. Mga four layers of white chocolate chiffon cake ang nagustuhan namin dahil sobrang sarap niya. Taste of Heaven talaga!

Nang matapos na ang lahat ng paghahanda sa kasal. Nakahinga na ako ng maluwag dahil wala na akong iisipin pa. Kami na lang ni Jillian ang kulang sa kasal.

Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang kasal na namin. Parang dati kase pinapangarap ko lang 'to--- Ang Ikasal.

Tapos ngayon, ikakasal na nga ako. Yun nga lang, hindi sa taong mahal ko!

Pero two years lang naman ang hihintayin ko at pwede na ulit ako maghanap ng taong mamahalin ko. Hihintayin ko na lang 'yon. Ang paglaya ko.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon