29: Wonderful Night

48 2 0
                                    

Umiiyak akong sumakay nang taxi. Sa totoo lang ayoko pang umuwi. Hindi ko nga lang alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko ay lumayo muna kay Jillian.

Hanggang sa madaanan namin ang Manila Bay. Walang masyadong tao kaya pinahinto ko ang taxi driver at nagpababa na lang ako rito.

Umupo ako sa bench chair doon.Nagpahangin. Nagmuni-muni. Nag-isip. Nagbalik-tanaw ako sa mga masasayang alaala kasama si Jillian at ang pamilya niya.

Naalala ko rin 'yong una ko siyang nakita sa Airport at 'yong nakakahiyang pangyayari sa eroplano. Pati na rin 'yong bigla siyang pumasok sa hotel room ko na akala ko ay isa siyang masamang loob.

Naalala ko rin 'yong unang 'dinner' na magkasama kami. Iyong tinuruan niya akong magpatakbo ng Jetski. Iyong na-meet niya ang mga kamag-anakan ko sa Batangas. At marami pang iba.

At naisip ko na, bakit sa una lang masaya ang lahat nang bagay?

Hindi ba pwedeng masaya lang?

Hindi ko namalayan, umaaagos na pala ang luha ko sa aking mga pisngi. Pinahiran ko 'yon, gamit ang aking kamay. At saktong tumunog ang cellphone ko. Akala ko, si Jillian na ang tumatawag. Pero hindi pala.

Bakit pa nga ba ako umaasang tatawagan nun? Siguradong masaya siya sa piling ni Sarah ngayon.

"Insan, ang tagal mo namang sumagot!" reklamo ni Liza sa kabilang linya. "Nasaan ka? Hinahanap ka ni Jillian sa akin. Wala ka pa raw sa bahay niyo at sa dati mong bahay."

Hinahanap niya ko pero hindi siya sa akin tumatawag...

"Alam ba ni Mama ang tungkol dito?" nag-aalala ko na pag nalaman ni Mama na hindi pa ako nakakauwi sa amin ay baka mag-alala na rin ito.

"Hindi. Alam mo naman si Tita--- Ayoko siyang ma-stress."

"Salamat. At wag ka nang mag-alala okay lang ako. Gusto ko lang muna mapag-isa."

"Ano bang problema? Baka makatulong ako, sabihin mo. Promise, hindi ko ipagsasabi kahit kanino!"
Kilala ko si Liza. Magaling ito magtago ng sikreto, kaya lang hindi ko alam kung tama bang ikuwento ko itong problema namin ni Jillian sa iba. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Dali na, sabihin mo na nang mabawasan naman yang sama ng loob mo. Alam ko kapag nagkakaganyan ka, may problema ka." pangungulit ni Liza sa akin.

"Insan... may tanong ako."

"Ano?"

"Kapag ba may taong may malubhang sakit at humingi nang pabor sa 'yo, pagbibigyan mo ba?"

Hindi ko kayang ikwento sa kaniya ang lahat kaya naman dinaan ko na lang sa tanong ang problema ko.

"Oo naman. Para maging masaya siya sa natitirang araw niya sa mundong 'to!" sagot niya. "Teka nga! Sino ba yan, ha? Si Jillian ba?" usisa nito

"Hindi. Kaibigan. Kaibigan lang."

"Ah.."

"Insan,"

"Ano?"

"Salamat sa pagtawag. Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko." sabi ko.

"Tawag ka lang palagi kapag may problema. At sana nakatulong ako sa 'yo ngayon."

"Oo naman, nakatulong ka." tugon ko.

"Pagbigyan mo na siya, Insan. Ikaw na rin naman ang may sabi, may malubha na siyang sakit. Deserve naman niya siguro na sumaya, di ba? Kung kaya mo lang naman gawin ang request niya, gawin mo. Pero kung hindi mo kaya, sabihin mo nang maayos para hindi siya magtampo sa 'yo." payo pa niya. Talagang maaasahan ang pinsan kong ito sa ganitong may problema ako.

Napaisip ako sa mga sinabi ni Liza. Siguro, iyon din ang naisip ni Jillian na gustong-gusto niyang ipaintindi sa akin. Kaya lang masyado akong nagpadala sa aking galit, kaya sarado ang utak ko para umunawa.
"Salamat, Insan. Sa payo mo."

"Umuwi ka na, nag-aalala na ang asawa mo. Siguradong nag-aantay na 'yon." bilin pa niya. Sana nga...

~•~

Napagpasyahan ko nang umuwi pagkatapos makausap si Liza. Para sa ikatatahimik nito. Pagbukas ko ng pinto, naabutan kong natutulog sa couch si Jillian, sa may sala. Tama nga siguro si Liza, inaantay ako ni Jillian. Kaya naman may dumungaw na ngiti sa aking mga labi.

Lumapit ako kay Jillian at umupo sa sahig. Pumwesto ako sa tapat ng mukha nito. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog.

Napaka-guwapo niya ngayon. Bagong gupit pa ang kaniyang buhok. Kaya lang hindi ko na nagawang purihin ang buhok niya dahil sa ayoko siyang makausap nitong nakaraang araw.

Napakaamo pala ng mukha niya kapag natutulog. Pero kapag gising na siya, mukha siyang 'bad boy'. Tapos ang labi niya, unang tingin palang alam mo nang malambot ito. Bigla tuloy nag-flashback sa akin ang paghalik niya sa akin noong kasal namin. Para tuloy gusto kong maulit iyon--- Ang mahalikan ulit ang mga labi niya.

"Lian?" papungas-pungas pa ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin.

"Jillian..."

Bumangon ito at niyakap ako. Ang yakap na tila nag-aalala.
"Akala ko, hindi ka na babalik." sabi niya.

Sa hindi ko malamang dahilan, naging emosyonal ako. Naluha ako habang kaharap siya.
"H'wag ka nang umiyak, please." pakiusap niya habang hawak niya ang magkabila kong pisngi dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Pinahiran niya ang mga luha ko, gamit ang kaniyang mga daliri. At hinawakan ko ang kaniyang kaliwang kamay para damahin ang mainit niyang palad sa aking pisngi.

Napapapikit ako sa init ng palad niya. Nakaramdam ako nang panandaliang kaligayahan sa palad niya.

"Lian,"

Napatingin ako sa kaniya nang tawagin niya ako. At inilihis niya ang kaniyang ulo at dahan-dahang lumapit sa akin para bigyan ako nang halik sa aking labi. Halik na noong una'y nagpagulat sa akin pero kalauna'y tumugon ako sa halik na 'yon.

Maya-maya'y tumayo siya at pinangko niya ako at napahawak ako batok niya. At habang umaakyat kami nang hagdan ay walang tigil niyang hinalikan ang labi ko hanggang sa marating namin ang kwarto.

Paglapag niya sa akin sa kama, mabilis niyang hinubad ang pang-itaas niyang damit. Tumambad sa akin ang napakaganda nitong katawan na medyo pinagpapawisan na. Muli niya akong binalikan para halikan. Ngayon ay mas malambing na ang maliliit niyang halik, mas mainit, at tila nanggigigil.

Unti-unti na rin niyang natanggal ang mga saplot ko sa katawan. Nang makita niya ang hubad kong katawan, matagal niya 'yon pinagmasdan.

Bawat sulok nang aking katawan ay kaniyang pinasadahan ng tingin. Kaya medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang. Napapikit na lamang ako sa sobrang hiya rito, dahilan para uminit ang mga pisngi ko.

"Pwede bang h'wag mo kong tingnan nang ganyan!" saway ko sa kaniya habang nakapikit ang aking mata.

"Bakit naman?"

"Dahil hindi ako kasing ganda ng mga babaeng artistang kilala mo. Hindi ako kasing seksi nila. Kaya hindi ako confident na makita---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsunggab niya nang halik sa akin.

"But, I love all your flaws. I love your hair, even if it's wavy. Your skin, even if it's not smooth. Your mountains, even if it's not that huge," napangisi ito.

Napangiti ako sa huling sinabi niya, dahil sa kapilyuhan nito.

"Siyempre, I love all your assets also.
Your eyes, your face, your character." patuloy pa niya.

"I love you, Jillian. Kahit na may mahal ka nang iba. Kahit na hindi ako 'yong pinangarap mong maging asawa. Salamat na lang sa gabing ito. Eto na yata ang pinakamagandang gabi sa buhay ko." pag-amin ko sa kaniya nang maghiwalay ang aming mga labi.

Wala akong nakuhang sagot sa kaniya, sa halip ay muli niya akong hinagkan. At tuluyan ko nang ibinigay ang sarili ko sa kaniya. Dahil mahal ko siya.

I know, it is too late.

Pero ngayon ko lang nakumpirma sa sarili ko na MAHAL KO NA PALA ANG TAONG 'TO!

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon