⇨Chapter 1⇦

2.5K 41 13
                                    

Hi mga beshyy, Ako nga pala ang pinaka magandang babaeng nabubuhay sa planeta syempre charot lang baka magalit pa kayo eh.

Ako nga pala si Kim Ianne na kambal si Kim Taehyung  pero mas matanda siya dahil una siyang nilabas at nakakatandang kapatid ni Kim Yeri.

Kami ng mga kaibigan ko at kaibigan ng oppa ko ang pinaka popular sa school namin. Twice ang pinaka close naming  kaibigan  dahil simula bata magkakakilala na kami at ayun stay strong padin kami. Matalik na kaibigan din namin ang kapatid ng kaaway ko,alam niyo kung bakit namin naging kaibigan?

Syempre hindi pa kasi sasabihin ko pa lang, naging kaibigan namin siya dahil close ang mga magulang namin yun nga lang yung oppa niyang pandak ang layo ng ugali sa kanya kaya ganun.

"Ianne!!! Baba na malalate na tayo" at ayun nga sumisigaw na ang aking oppa sa totoo lang di namin siya masyadong close ni yeri dahil palagi siya sa mga kaibigan niya at isa pa dun girlfriend niya ang kaaway namin xad layp.

"Ito na baba na" sabi ko at bumaba na baka lalong magalit eh. "Bakit ang tagal mo kasi unnie?" Tanung ni yeri sa akin habang nagsasapatos,"May ginawa pa ako eh,lika naaa" sabi ko kaya pumunta na kami ng kotse at pumunta na ng school.

Pagkababa namin ni Yeri yakap angad ang sumalubong sa amin galing sa mga unnie's. "Namiss namin kayong dalawa" sabi nila, napatawa naman kami at niyakap sila ng pabalik.

"Miss din namin kayo mga unnie" sabi namin ni Yeri. At kung nagtataka kayo kung wala si Laine last 4 years nasama siya sa accident at pagkatapos nun wala na kaming balita sa kanya.

"Pasok na tayo sa loob" sabi ni Jihyo unnie kaya pumasok na kami. Habang naglalakad naman ako may paang tumalisod sa akin at buti na lang napahawak ako kay Yeri.

"Jimin!!!" Sigaw ko dahil alam ko naman kung sino ang gagawa nun dahil halos araw araw na pagdaan ko sa hallway palagi niya ginagawa yun. "Ano na naman problema mo?" Tanung niya sa akin habang natawa.

"Ano bang ginawa ko sayo at palagi mo kong tinatalisod?! Wala ka bang magawang matino?! Kung hindi mo ako tatalisurin bubuhusan mo ako ng tubig,tatapunan mo damit ko!! Alam mo bagay talaga kayo ng girlfriend mo masama ugali!!" Sigaw ko sa kanya.

"Wag na wag mong idadamay girlfriend ko dito!" Sigaw niya sa akin pabalik "Babe hayaan mo na siya wala ka naman mapapala sa kanya eh desperadang palaka lang naman yan" sabi ng girlfriend ni Jimin at saka sila nagtawanan.

Palaka pala ha,bigla ko naman siya sinabunutan ay pigil ng pigil sa akin sila unnie pero hindi ko na talaga kaya pinaggagagawa nito eh.

"Kung desperadang palaka man ang pinaguusapan ikaw yun! Habol mo lang naman sa kanya pera diba? Halos lahat nga nang lalaki dito naging syota mo na! Ang landi mo talaga!" Sabi ko sa kanya habang hawak hawak pa din ang buhok niya.

"Ianne! Tama na! Ano bang ginawa niya sayo para sabunutan mo siya?!" Biglang naman nagsalita ang magaling kong oppa.

"Alam mo oppa napakalaki ng respeto namin sayo ni yeri pero mas pinagtatanggol mo pa din yang haliparot na yan?! Ano porket kaibigan yan ng girlfriend mo mas kakampihan mo siya? Kahit minsan ba tinuring mo kaming kapatid?"bigla na lamang tumulo ang luha ko.

"Kasi kahit kailan never namin yun naramdaman. Kami yung palagi nilang inaaway simula pa nung pumasok tayo sa school na to,pero ikaw wala ka man lang ginawa para protektahan kami. Oo kambal tayo pero tinuturing pa din kitang oppa. Alam mo sabihin mo na lang kung ayaw sa amin kesa naman ginaganyan mo kami"

Dumeretso na agad ako sa room namin pagkasalita ko. Dun naman na ako lalong naiyak, "Monday na monday naiyak ka,hayaan mona yang kambal mo  kung ayaw niya wag niyo siyang pilitin" sabi ni nayeon unnie,buti na lang andito sila para mahalin at suportahan kami ni Yeri.

Maya maya naman pumasok si Jimin kasama ang mga kaibigan niya at si oppa. Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman ako sa mood.

Dumating na ang aming adviser at may inannounce,di ko narinig kasi di naman ako interesado." So class meron kayong bagong classmate,pero hindi siya magtatagal dito kasi meron siyang mga importanteng bagay na ginawa"sabi ng teacher namin.

May pumasok naman pero di ko pa din pinansin,pero nung narinig ko pangalan niya nanlaki ang mga mata ko.

ⓔⓝⓓⓞⓕⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ1

A/N

So yun nga napublish ko na ang pinaka una kong libro. Please don't judge di naman ako masyadong professional sa pagsusulat. At request din pala ng mga kaibigan ko ang story na ito hihi.Don't forget to comment and vote.. Thank you for readingg💕Love you alll💕
-Yoon

the unexpected | park jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon