Nagising ako sa alarm ko at hindi ko alam kung bakit may alarm ako eh Saturday naman.
Pagkababa ko nakita ko si Jin hyung na nagluluto. Lumapit naman ako at tumulong na din. "Himala ang aga mo ata nagising" sabi ni Jin hyung ng mapansin niya ako.
"Yung alarm ko kasi eh" sabi ko at naglagay na ng mga plato habang inaahin naman ni Jin hyung yung nga pagkain. "Gisingin mo na sila" sabi ni Jin hyung kaya umakyat ako para gisingin na sila.
Pumunta naman ako sa kwarto nila hyung. "HYUNG GISING NA" sigaw ko kaya nabato ako ni Yoongi hyung ng unan. "Napaka ingay mong pandak ka" makapag salita kala mo naman di siya pandak.
"Baba na kayo kakain na" sabi ko at nagising naman si Hobi hyung na masama tingin sa akin. "Baba ko na naman" sabi niya habang nakatingin pa din sa akin. "Lutang ka na naman baba kasi as in go down" sabi ni Namjoon hyung kaya napatawa si Hobi hyung parang kanina lang galit siya sa akin eh. "Susunod na kami" sabi ni Taehyung.
Pumunta naman ako sa tapat ng kwarto nila noona at kumatok. *tok tok* "Pasok" narinig kong sabi ni Nayeon noona kaya sumilip ako. "Kakain na daw po" sabi ko nginitian lang nila ako at sinabing susunod na sila.
Pumunta naman ako sa kwarto namin,at nakitang natutulog si Ianne sa kama. Sarap ng tulog nito samantala ako sa sofa ako natulog.
"HOY GUMISING KA NA MAY SUNOG" sigaw ko kaya nagising siya bigla. "Saan?! Saan?!" Tanung niya at ng marealize niya na wala naman tinignan niya ako ng masama at dapat babatuhin po ako ng unan pero naka labas na agad ako.
Bumaba na ako at nakita ko na silang nakain. Di man lang ako inintay. Umupo na ako sa tabi ni Yoongi hyung at nagsimula ng kumain. Maya maya naman at bumaba na si Ianne at nagsimula na ding kumain.
"Kailan natin bubuksan yung mga regalo?" Excited na tanong ni Taehyung "Wag kang excited alien ka kala mo naman mawawala eh" inis na sabi ni Yoongi hyung.
"Napaka init ng ulo nito, smile ka naman" sabi ni Nayeon noona kaya medyo napangiti si hyung.
"KINIKILIG SI HYUNGG" sabi ni Jungkook kaya nabatukan siya ni Yoongi hyung. Nagpatuloy na kaming kumain at nag ayos na para makita mga regalo na bigay ni Laine.
"Time Skip"
Nandito na kaming lahat sa kwarto ni Laine na para di kwarto. Kasi sobrang plain at isang cabinet lang ang meron. Wala pang sapin yung kama pano kaya siya nakakatulog dito.
"Ito ba talaga yung kwarto niya parang di naman bagay sa kanya" sabi ni Jeongyeon noona. "Ito po yung kwarto niya noona." Sabi ko kaya tumango na lang siya. May nakita naman akong note kaya binasa ko.
Hello mga kuya at unnie nagbabalik ang maganda niyong maknae HAHAHA so yun nga yung nasa rightside kila unnie at yung mga nasa left side naman ay kila kuya sana magustuhan niyo mga regalo ko :))) So yun nga yun nga HAHAHA byeee... - Maganda niyong maknae,Laine
Pumunta na ako sa sa mga regalo may mga pangalan naman ang mga regalo namin kaya walang problema.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.