Jimin's POV
Pagkapasok namin ng bahay nakita namin ang mga magulang namin. Niyakap naman agad nila Ianne sila Tita at sila noona at hyungs.
Lumapit naman ako kila eomma at nag bow kasama ko din si Jihyo noona.
"Eomma,Appa" sabi ni Jihyo noona at niyakap sila eomma. Pero tinulak lang siya ni Appa kaya hinawakan ko si noona.
"Bakit niyo ginawa yun?" Mariin kong tanong pero sinamaan labg ako ng tingin ni Appa.
"Sundan niyo kami" sabi ni Appa at pumunta sa isang guest room. Kaya sinundan na lang namin siya ni noona.
"Alam ba ni Laine na nahanap na si Jihyo?" Mariin na tanong ni eomma sa amin.
"Hindi po" sabi ni noona at yumuko. "Wag na wag niyong sasabihin sa kanya hangga't di pa namin nagagawa ang plano namin" sabi ni Appa habang naka ngiti ng masama.
"Ano bang ginawa sa inyo ni Laine at ginaganyan niyo siya?!" Pagsigaw ko kaya lalong sumama ang tingin nila sa akin.
"Jimin wala kang paki alam kung ano man ang gusto naming gawin sa babaeng yun" galit ma sabi ni eomma kaya di ko na napigilan ang sarili ko.
"MAY PAKI ALAM AKO DAHIL KAPATID KO SIYA AT WALA KAYONG KARAPATAN SAKTAN SIYA KAHIT MAGULANG NAMIN KAYO DAHIL NEVER NAMAN KAYO NAGING MAGULANG SA KANYA MISKI SA AMIN NI NOONA!!"
Sinampal namn ako ni Eomma kaya pinatigil na ako ni noona. "Jimin mag sorry ka na kila appa" nag papanic na sabi ni noona dahil baka may gawin pa sa amin sila appa.
"Hindi dapat ako ang magsorry sa mga pagkukulang nila noona" sabi ko habang nakatingin sa kanila.
Sasapakin na dapat qko ni appa ng hindi niya tinuloy. "Bakit di niyo tinuloy ha?! Dyan naman kayo magaling diba?! Ituloy niyo na tutal wala naman kaming kwenta para sa inyo. Dahil mas mahalaga yang company kesa sa amin na anak niyo" galit kong sabi at umalis na.
Jihyo's POV
"Eomma,Appa sorry sa sinabi ni Jimin"
"Wag kang mag sorry sa akin yang kapatid mo dapat ang mag sorry. Buti naman wala yang kapatid mong bunso" sabi ni Appa habang naka ngiti.
"Hindi ko kayo maintindihan. Ayaw na ayaw niyo kay Laine ano bang meron sa kanya?" Sabi ko habang naka tingin sa kanila ng mariin.
"Gumagaya ka na ngayon sa mga walang kwenta mong kapatid?" Sabi ni eomma sa akin habang naka tingin sa akin ng masama.
"They are not useless! Kayo lang naman ang nagsasabi na wala silang kwenta" sigaw ko sa kanila kaya lalo akong sinamaan ni appa ng tingin at hinawak ang pulso ko ng mahigpit.
"Sino ka para sabihan kami ng ganyan? Wala nga dapat yang Laine na yan dito eh dahil isa lang siya kasalanan. At pasalamat kayo ni Jimin dahil di namin kayo ginanyan" sabi ni appa sa akin kaya tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"Hindi ko alam kung magulang ba namin kayo o hindi dahil hindi namin iyon namramdaman" sabi ko sa kanila at umalis na.
Ianne's POV
May narinig kaming sigawan sa taas at malakas ng kalabog ng pinto kaya medyo natahimik kanina. Akyat na dapat ako pero pinigilan ako ni eomma.
"Hayaan mo muna sila Ianne" sabi sa akin ni eomma kaya tumango na lang ako.
Habang naguusap naman kaming lahat sa sala bumaba sila Mrs. Park at Mr. Park kaya nag bow kami sa kanila binigyan naman nila kami ng ngiti.
"Mauna na kami,may aasikasuhin pa kasi kami eh" sabi ni Mr. Park,di ako sanay na tawagin siyang appa for some reasons. Tumango na lamang sila Tito at Tita pati sila eomma at nag bye sa kanila.
BINABASA MO ANG
the unexpected | park jimin
Fanfiction"expect the unexpected." credits to the rightful owner of the images. book cover made by me start: 04/03/19 end: 06/13/20