Jimin's POV
Pagkatapos namin pumunta ng mall. Pumunta din kami sa park na tinatambayan namin noong highschool kami. Pero di namin inaasahan na nandito din pala sila Ianne at mga kaibigan niya.
Di kami lumapit dahil nahihiya kami sa mga ginawa namin sa kanila kaya sa ilalim ng Narra kami naka upo ngayon.
"Ano na kayang nangyari kung di tayo nag away-away?" Tanung bigla ni Hobi hyung. "Edi masaya pa rin tayo" sabi naman ni Jin hyung.
Nalaman kasi nila noona ang ginagawa namin ni Taehyung sa kapatid namin meron din naman nagawa sila hyung na di maganda.
Mga lalaki kami matataas ang pride kaya simula ng nalaman nila yun di na namin sila pinansin,parang wala lang,daan daan na lang sa isa't isa.
Pero sila hyung medyo kinakausap na sila noona except sa amin ni Taehyung. Ewan ko kung ayaw ko pa din silang kausapin siguro nahihiya din ako sa mga pinaggagagawa ko sa kanila.
Miss ko nung nga bata pa kami ying lahat kami sama sama naglalaro minsan sa isang bahay matutulog bawat bahay tinutulugan namin.
Mayamaya ay umalis na sila kaya umalis na din kami pero nagpahuli kami ng onti para di naman halata.
"Time Skip"
Nakauwi na ako ng bahay at pinuntahan ko agad si Laine sa kwarto niya,syempre kumatok muna ako. Nang pumayag siya pumasok kaagad ako.
"Laine pwede ba tayong mag-usap?" Tanung ko sa kanya at tumango naman siya.
"Laine... Sorry sa mga nagawa ko sayo dati. Yung mga pang bubugbog ko sayo dahil sa ex. Dahil di kita pinaniwalaan noon. Yung mga times na kailangan mo ako pero wala ako sa tabi mo. At thank you dahil andyan ka para tumulong sa akin kahit pinagtatabuyan na kita. Thank you dahil nirespeto mo pa din ako bilang kuya mo kahit sinasaktan kita. Sorry dahil ako ang dahilan kung bakit ka na aksidente." Sabi ko sa kanya at yumuko habang isa isa natulo ang mga luha ko.
"Oppa wag ka ng umiyak ha? Matagal na kitang napatawad. Alam ko namang di mo sinasadya yun. At huwag mong sisihin sarili mo dahil sa aksidente ko ako ang may kasalanan dun ha. Tandaan mo oppa mahal na mahal kita bilang oppa at hinding hindi magbabago ang tingin ko sayo. Ikaw yung oppa kong mapagmahal,mabait,hindi agad nasuko,palaging sumusuporta at nag-aalaga sa akin kaya thank you oppa" sabi niya habang nakangiti at niyakap ako.
"Bakit ka ba nag-iimpake?" Tanung ko sa kanya dahil andami niyang naka impake na gamit.
"Umuwi lang naman ako dito para makita kayo dahil miss na miss ko na kayo at para kunin yung mga natira kong gamit." Sabi niya " Ano bang gagawin mo sa Pilipinas?" Tanung ko sa kanya.
"Pinapagamot ko po ang brain anuerysm ko oppa, kaya kailangan ko ng mag-paopera at may business din ako dapat i-hahandle sa Pilipinas" nalungkot ako ng marinig ko na may sakit siya at mag isa lang niya iniinda iyon samantalang ako nagpapakasaya lang sa buhay at di iniintindi ang sarili kong kapatid.
"Alam ba nila eomma?" Tanung ko sa kanya. "Paano nila malalaman kuya kung di nila ako kinakausap at asa naman akong kamustahin ako nila eomma" sabi niya habang nakangiti ng malungkot.
Meron ding dahilan kung bakit hindi siya pinapansin nila eomma. Ang alam ng madaming tao perfect na family kami,pero ang di nila alam ay halos watak watak na kami.Madami siyang iniimpake kaya tinulungan ko na din siya dahil baka lalo siyang mapagod.
"Oppa andyan pala yung mga regalo niyo nila oppa at mga unnie ikaw na bahala mag bigay sa kanila sige na oppa ako na magtutuloy dito" sabi niya at ngumiti. Tamang tama naman ng pagkababa ko nakita ko doon sila eomma at appa.
"Jimin mag-bihis ka may pupuntahan tayo" sabi ni appa ng seryoso kaya di na ako nagtanung at nagbihis na agad.
Ianne's POV
Hapon na ng makarating kami ni Yeri. Habang naka upo naman kami tamang-tama na biglang dumating si oppa."Ianne at Yeri pwede ko ba kayong maka-usap?" Tanung sa amin ni kuya kaya tumango na lang kami ni Yeri. Umupo naman siya sa harapan namin.
"Ianne at Yeri sorry kung di ko nagampanan ang pagiging oppa ko ha? Sorry sa mga nagawa ko sa inyo,sorry dahil nagkulang ako sa inyo,sorry sa mga nasabi kong masama sa inyo,sorry dahil kahit alam kong nasasaktan na kayo wala pa din akong ginagawa para maprotektahan kayo. Ianne thank you dahil kahit kambal tayo nirerespeto mo pa din ako bilang oppa mo,sorry dahil wala akong ginawa nung panahon na na bubully ka."
"Yeri sorry din dahil kahit ikaw yung bunso ikaw yung mas matapang kesa sa akin,alam kong natatakot ka pero di mo iuon pinapakita,sorry dahil di kita napoprotektahan tuwing nay nangbubully sa inyo,sorry sa lahat ng nagawa kong mali sa inyo. Pero simula ngayon gagampanan ko na ang pagiging oppa ko at poprotektahan at mamahalin ko kayo ng sobra sobra" sabi ni oppa at bigla kaming niyakap naramdaman ko namn basa ang balikat ko kaya tinignan ko ang mukha niya. Pinunasan naman namin ito ulit ni Yeri at niyakap siya ulit ng mahigpit.
"Oppa wag mong sisihin ang sarili mo. Nagampanan mo naman ang pigiging oppa sa amin ni Yeri eh. At sorry din po dahil minsan pasaway kami sayo kaya naiinis ka sa amin pero oppa mahal na mahal ka namin ni Yeri" sabi ko at habang patuloy pa ding yakap si oppa. "Mahal na mahal din kita oppa" sabi ni Yeri habang nakangiti.
"Mukhang nagkabati na ang prinsipe at mga prinsesa namin ah" sabi ni eomma habang nakangiti at katabi si appa. Nginitian naman namin sila ng pabalik.
"Ianne mag-ayos ka at may pupuntahan tayo" sabi ni appa kaya agad akong nag-ayos.
"Time Skip"
Nakarating na kami sa pupuntahan namin at restaurant naman ito. Umupo agad ako sa table namin dahil may iintayin pa daw kami. Maya maya naman ay may narinig akong pamilyar na boses kaya napatingala ako mula sa aking cellphone.
ⓔⓝⓓⓞⓕⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ3
A/N
Sorry sa late updatee HAHAHAHA may pinuntahan kasi kami kanina kaya di agad ako naka-update~skl. So yun nga. Don't forget to comment and vote .Thank you for readinggg💕💕. Love you all kahit di niya ako mahal HAHAHA
-Yoon✨
![](https://img.wattpad.com/cover/183373683-288-k978751.jpg)
BINABASA MO ANG
the unexpected | park jimin
Fanfic"expect the unexpected." credits to the rightful owner of the images. book cover made by me start: 04/03/19 end: 06/13/20