Everything went smooth as day as passes by, naging mas madali para sa akin ang i-catch up ang mga lessons, pero mas naging hectic ang schedule ko.
The school is smooth, wala naman akong namimiss sa mga lesson, nakakasabay din naman ako. I took that as an advantage to be better, lalo na ngayon I know what my passion is.
I'm doing fine with my study but kabaligtaran n'on ang relasyon namin ni Diordè. He became as cold as ice. I can't bear that, kaya I decided to focus more on studies nalang.
He would act like as if I'm not existing in his world. It hurts me but I used to feel this pain before. So I tried my best not to think about it, siguro this is for the better narin?
We're in the same house but why does I feel like I'm alone? Para bang hindi ko ramdam ang presensya niya kahit halos magkatabi lang kaming dalawa.
The thing that happened on that day make it worse. This is worse than before, today is really different.
I found myself staring at the ceiling thinking what just happened? We're okay that night, he claim me as his but what is this cold treatment for?
Oh, I'm so demanding. Masyado ba akong natuwa dahil sa sinabi niya? Maybe he said that because Grant was my cousin's boyfriend which is a family member, that's all. Walang meaning but I put meaning on it.
"What's with your face?" Panirang bungad ni Coreen sa akin sa cafeteria, umirap siya. "Mukha kang nalugi, girl." Komento nito bago naupo sa tabi ko dala ang inorder niya na para sa aming dalawa.
Inabot niya sa akin ang burger at fries na pina-order ko sa kan'ya, dali dali ko namang nilantakan 'yon. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom e.
I started to lost my appetite since the day he acted like that. Ang akala ko n'on ay ang makasabay lang siya sa pagkain ang siyang magpapagana sa akin, look how table have turned. Dahil siya na rin mismo ang dahilan kung bakit wala akong ganang kumain ngayon.
"Gutom much?" biro ni Coreen na nasa tapat ko, but I'm busy with my food so I didn't bother to look at her.
Halata namang nantitrip na naman siya. Maybe dahil LQ sila nang jowa niyang napulot niya lang sa may Orangeade nitong nakaraan.
"Your husband is dull." Bigla niyang singit kay Diordè sa usapan, ngumiti siya bago pumalubaba sa harapan ko. "You're pretty and lovely, hindi kayo bagay." Umiling-iling siya habang nakangiwi sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin ulit. Eto na naman po tayo sa pagiging hater nito kay Diordè. I just eat, I haven't eaten anything yet.
"Kung ginugutom ka ni Jax-ass? Uwi kana sa inyo." Sambit niya pa.
"Hindi lang ako nakakain, dami ko kayang ginawa." Pagdadahilan ko dahil alam kong hindi siya titigil, "Hindi ko naman gugutumin sarili ko dahil sa kan'ya 'no." Sambit ko pa bago kumagat sa burger ko.
"Wow naman Triofea, big word!" Sarkastiko niyang saad. "Ako pa niloloko mong kasama mo na noon pa sa kagagahan mo? Kailan ba nawala si Jaxass sa sistema mo, aber?" Singhal nito sa akin.
"Ngayon, focus na ako sa pag-aaral e." Ngisi ko pabalik dito.
"Magshift na ako ng Culinary Arts." Sambit niya. "You keep it up in Fine Arts. You're doing good na e." Saad pa niya bago ngumiti.
"Yeah," Nalungkot ako. "I-same mo schedule natin sa minor." Sulsol ko na lang na tinangian niya.
Nag-focus na lang ako sa pag-aaral. It's for my future. Malay mo hindi na kami magkasama noon, hindi ba? I'm still into my dreams.
"Malapit na ang finals, ano balak mo sa sembreak?" Biglang tanong nito.
Napaisip ako. Wala naman akong gagawin kundi ang mag-review. Ano pa nga ba? Kailangan kong maipasa ang mga exam dahil baka makakuha ako ng singko. Ayoko ng umulit pa 'no!
"Review." Maikling sagot ko. "Then spend time to my family." I smiled.
Rinig namin ang mahinang bulungang ng mga babae sa katabi naming lamesa, ang iilan ay mabilisan pang nagsitayuan upang makiusyoso.
"For sure, nand'yan na naman ang mga Engineering." Naiiling nitong saad.
Dahil sa narinig ay mabilis kong naigala ang tingin sa paligid, hoping sana na ay nar'on si Diordè para makita ko naman siya ngayon. Hindi ko kasi siya nakita kaninang pag-alis ko, mas nauna siyang pumasok kaysa sa akin.
"Ang dami namang malalandi ang kaluluwa, ayon pinalulubutan ang mga poging senior ng Engineering!" Sambit niya habang naiiling. Nagulat ako nang batukan niya rin ako. "Isa ka pa e!" Singhal niya nang mapansing pasimple rin akong nakikisulyap sa paligid.
"Para tingin lang, asawa ko naman." Humina ang boses ko dahil d'on sa asawa part.
"Duh! Bahala ka d'yan. Stalker!" Maarte niyang sabi bago niya hinawi ang buhok niya.
"Come again?"
"Bakit hindi ba? Medyo creepy nga e." Nanginig nginig pa ito na parang tanga.
"Tse!" Iritado kong sabi dahil sa pang-aasar niya, "Magkaiba ang stalker sa admirer." Pagtatama ko pa bago umirap sa hangin.
Nawala lamang ako sa focus nang makita ko si Diorde na nakaupo kasama ang mga blockmate niya, I just stared at him for a moment, ngunit umiwas din agad ako.
Natapos din agad ang klase namin. Dinismiss kami around five o'clock nang last prof namin.
"Guys! Meeting daw." Bungad na sabi sa amin, nagkatinginan kami ni Coreen dahil doon.
"Why daw?" Tanong ni Coreen na katulad ko'y nalilito lang din.
"Utos lang ni Seth e." Kibit balikat nitong sabi, "Uuna na ako ha? Pasa ko pa kasi 'to. Sa may Lemonade daw."
Nilakad lang namin ang lemonade dahil tapat lang naman 'yon nang La Francè University. Dumaan pa kami sa pedestrian lane bago dineretso 'yon.
Isang ice cream-an pa talaga?
"Oh, and'yan na pala ang mga VIP e!" Sarkatikong saad ni Yasmin pagpasok namin.
Dumeretso kami sa may table nila at naupo na d'on. Kumakain na din ang mga ito ng ice cream nila.
"Sus! Syempre maganda kaya VIP." Maarte ding sagot ni Coreen. "Palibhasa, hindi pretty." Bulong niya pa na alam kong rinig ni Yasmin.
Kita ko tuloy ang inis sa mata ni Yasmin, pumagitna na ako sa kanila at bahagyang hinampas ang lamesa.
"Simulan na." Pagputol ko. Bumaling ako kay Seth. "Bakit nga pala biglaan ang meeting?" Tanong ko.
"May pag-uusapan lang, and magkakaroon ng botohan kung sino ang pupunta sa exhibit." Sagot niya habang nakangiti, "Idedemo din natin to, so we should plan this carefully."
He started to discussed what kind of strategy we will do for the project. Panay lang ang tango namin dahil ang ganda ng mga ideas niya.
"That's all for today, we can go home." Sambit ni Seth nang matapos na 'yon. "May meeting ulit, dito sa Lemonade."
"Yes!" Sagot ni Coreen, I just noddedn
Lumabas na kami, nandito lang kami sa tapat ng Lemonade nang biglang umulan. Wala pa naman kaming dalang payong.
Nagulat ako nang mag-paalam na si Coreen umalis. Tumango na lang ako, siguro sasakay na lang ako ng taxi.
Habang naghihintay ng taxi na dumadaan dito sa tapat ng Lemonade ay biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Binaba niya ang tinted na bintana, ay si Seth pala.
"Wala bang susundo sayo?" Nakangiti niyang tanong, umiling ako. "Let's go, hatid na kita sa inyo."
Bigla akong nahiya, mabilis akong napailing. "Hindi na Seth." Tanggi ko.
"Come on Triofea, responsibilidad kita dahil leader niyo ako remember? Baka mapano kapa, ang lakas ng ulan oh." Seryoso nitong sabi.
Napakagat ako ng labi, mas lalo pang lumalakas ang ulan kaya halos mabasa na ako. Wala akong magawa kundi ang pumayag na, padilim narin kasi.
"Okay." Sagot ko.
Maybe there's nothing wrong in riding someone's car, aside from that I doubt if there's a taxi in this hour tapos maulan pa. Isa pa, La Francè University is kinda far from our house. Ayoko naman maglakad, if ever.

BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...