Chapter 15

3.8K 80 2
                                        

Agad din kaming umuwi ni Diordè. Lulan kami ng kotse niya ay nanatili akong tahimik dito sa tabi niya, pinapakiramdaman namin ang bawat isa.

Huminto ang kotse niya sa may tapat ng isang kainan. Ang alam ko ay eto ang Food Express kung saan kami kumain ni Seth nang nakaraan.

"Do you want to eat?" Bigla niyang tanong sa akin. Tumango na lang ako.

Bumaba na siya kaya sumunod na ako. Tahimik lang kaming tumawid pero hindi katulad ng dati na awkward 'yon. It's way comfortable than before.

"Manong Julius, dalawang order nga po ng pork sisig atsaka three cup of java rice." Magiliw nitong saad sa nagtinda. Napamaang ako.

Kilala niya ba ito? The way he spoke kasi ay parang magkakilala na sila dati pa, tapos parang customer na siya ng kainan na ito.

"Oh, ikaw na naman pala Jax, buti napadaan ka?" Sambit ng matanda bago ngumiti, napatingin siya sa akin. "Nobya mo ba 'to? Ang ganda." Puri niya pa sa akin.

Umiling si Diordè, aray naman.

"Hindi po." Saad ni Diordè ngunit nagulat ako nang akbayan niya ako. "Asawa ko 'to Manong." Ngisi niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, ano daw? Hindi ko maiwasang hindi mamula dahil d'on. Nanghina ng literal ang mga tuhod ko sa kilig!

Marahan niya akong hinila patungo sa table na good for two. Hindi ko alam na kumakain din pala sa ganitong lugar si Diordè? Hindi ko rin alam na marami siyang kakilalang tao.

"Have you eaten here?" Bigla kong naitanong habang ginagala ang tingin sa paligid.

"Yes. You?" Balik na tanong niya.

"Yup, kasama ko si-" Bigla akong natigilan nang magtama ang tingin namin. I cleared my throat.

Hindi ko na lang tinuloy. "'Yong lalaking naghatid sayo sa bahay?" He suddenly asked.

Kumunot ang noo ko. "Who?" Naguguluhan kong tanong.

Laging si Coreen lang naman ang kasama ko madalas at siya rin ang palaging naghahatid sa akin sa amin.

"Nevermind." He cleared his throat then looked away. Kita ko ang pamumula ng mga tainga niya dahil nakatapat sa kan'ya ang ilaw.

I just shrugged. Cute tho.

Dumating na ang order namin. The owner personally send us our food. Todo din sila sa usap ni Diordè habang nakatingin sa akin.

"Anong pangalan mo, ineng?" Tanong nito bago umayos ng tayo.

Ngumiti ako. "Triofea po." Simpleng sagot ko.

Sumubo na ako sa java rice, napangiwi ako nang dumampi ang kamay ko at mapaso ako ng bahagya sa pork sisig na metal place. Ngunit mas nagulat ako nang hablutin ni Diordè ang kamay ko.

Hinipan niya 'yon. "Be careful!" He shouted. Muli akong nagulat dahil nagalit siya sa akin, but then his eyes softenened when our eyes met. "Mainit 'yan." Umiwas agad siya ng tingin.

Muling bumalik ang matanda. Todo parin sila sa pag-uusap, naitabi ko ang napaso kong kamay sa ilalim ng lamesa.

"Hindi mo sinabi sa akin na may asawa kana!" The old man said. "Ang akala ko ay pwede pa kayo ng anak kong si Sullie." Sambit pa nito.

Ayan ata ang nakaagaw ng atensyon ko. Muling umalis na si Manong. So, siya pala ang ama ni Sullie? Ang kabit ng asawa ko?

Habang nagmamaneho si Diordè pabalik sa bahay. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon