Chapter 16

3.4K 77 1
                                    

Gaya nga ng sabi ko na mag-date kami ni Diordè, nagulat ako nang umaga ay narito siya sa harap ng bahay namin.

Hindi siya pumasok at nanatiling nakatayo sa harap ng bahay, pinapaikot nito ang susi sa kan'yang daliri. He's patietly waiting for me.

"Diordè?" I called him.

Napatingin siya sa akin at mabilis na umayos ng tayo. He came near to me at nagtaka pa ako nang kunin niya rin ang mga librong hawak ko.

"Hi, good morning." Mababa ang tono niyang bati sa akin. I smiled.

"Good morning." Malapad din ang ngiti kong bati bago sumakaw sa kotse niya.

Grabe, ang rupok ko talaga!

Nagmaneho na siya sa tabi ko, pansin kong naka-focus lang talaga siya tuwing nagmamaneho. Panaka naka din ang paggalaw ng panga nito, at pagkunot ng noo.

Ang gwapo!

He glanced at me, "Dad said they're going to canada for a business trip." He said as he focused on driving.

Mabilis akong napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam na pupunta pala sila ng Canada? They didn't even tell me yet.

"Hindi nila sinabi," Hindi ako makatingin sa kan'ya, sinandal ko ang ulo sa salamin ng bintana. "Ayan siguro ang gustong sabihin ni Dad kahapon." I whispered na alam ko naman rinig niya.

Hindi naman kami gan'ong nagtagal dahil wala namang traffic, mabilis lang kaming nakarating ng La Francè University at pansin kong may hawak siyang gym bag.

Magkasabay kaming naglalakad sa hallway, hindi ko alam kung kami ba ang pinagtitinginan or siya lalo na sa suot niyang uniform.

"Practice?" Hindi ko mapigilang tanong.

He just nodded. "Yeah." Inayos nito ang gym bag na nakasabit sa balikat niya, hawak niya parin ang mga libro ko.

Akma ko na sanang kukunin nang bigla akong mahiya. Ang bigat na nga nang gym bag niya tapos hawak niya pa ang mga libro ko.

Nahinto lang ako dahil sa pag-angat ng palad niya sa ere. Unti unti akong nag-angat ng tingin at sumalubong sa akin ang isang kilay niyang nakataas.

"Let me carry this." He said.

Napatango na lang ako. Bayad na lang siguro niya sa mga pananakit niya sa akin? Napailing ako sa sariling naisip.

Ang harsh ko na sa asawa ko, this is not so me!

Nang nasa tapat na ako nang building namin ay huminto na kami.

"Thank you!" I said smiling brightly, ewan ko ba dahil hindi ko mapigilan! Inabot naman niya ang mga libro ko.

Lalo tuloy kaming pinagtinginan at pinagbulungan ng mga nakakakita. Ang akala ko ba ay ayaw niyang malaman nila ang namamagitan sa amin lalong lalo na dito sa school? Pero anong ginagawa niya ngayon?

"Maayos naba ang mga gamit mo?" Tanong nito, umiling ako.

"Hindi pa e." Nahiya ako bigla, grabe! Parang gusto na niya akong i-uwi, ah?

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon