Chapter 13

3.6K 90 0
                                    

Nagising ako nasa isa akong puting kwarto at puting kama. Mabilis kong naigala ang paningin sa paligid.

I'm in the clinic.

May nakaharang na kurtina ngunit hindi sapat 'yon upang takpan ang bulto ng lalaki na nasa may sofa. Malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa kawalan.

Nang magtama ang mata namin. Nakita ko kaagad ang pag-aalala sa mukha niya, dali dali siyang tumayo upang lumapit sa akin. Si Seth 'yon.

"How are you feeling? Do you need something to eat?" Sunod sunod nitong tanong.

Ngumiti lang ako bago umiling. I sat and sighed. "Okay lang ako, Seth." I said with a smile on my face.

Inabot niya naman sa akin ang baso na may lamang tubig na mabilis kong ininom. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng tubig sa katawan. Dagdag mo pa ang hilo ko.

Napatingin ako kay Seth. He's still wearing his basketball jersey. Magulo din ang buhok niya ngunit ang nanaig ay ang mabango niyang amoy.

I owe him again, huh?

"Triofea," Saad nito. Nabalik ako sa realidad at inubos na ang tubig na nasa baso. "Buntis ka daw." Seryoso niyang saad.

Namilog ang mata ko sa gulat. Grabe! Nasamid pa ako dahil sa tubig na iniinom ko ngayon napaubo ubo pa ako. Tumawa siya ng malakas dahil sa naging reaksyon ko.

"Ang seryoso mo naman, nagbibiro lang e." Natatawa niyang sabi bago kinuha ang basong hawak ko, siya mismo ang naglapag n'on sa may table.

"Nagulat lang ako." Sagot ko. "Anong oras na pala?" Tanong kong muli.

"2:37 p.m." Simpleng sagot nito.

Atsaka ko muling naalala ang nangyari kanina. Oo nga pala! May pasok pa ako at hindi ko 'yon na attend-an.

Nagulat siya nang tumayo na ako. I still have class e, hindi pa naman siguro ako huli sa klase dahil vacant namin ng 2 p.m ngayon.

"Sa'n ka pupunta?" He raised a brow.

"Papasok!" Saad ko dito.

"Ba't kapa papasok? Na-excuse kana namin ni Coreen e." Agap niya. "Let's just go in Food Express and eat, para makapag-inom kana ng gamot. Malapit lang 'yon dito, kabilang kanto lang."

I just nodded. Grabe naman, ang dami ko ng utang kay Seth. Paano nga ba ako makakabawi sa kabaitan niya sa akin?

Inanalayan niya pa akong makalabas sa clinic hanggang sa makarating sa Food Express. Tama nga siya dahil malapit lang ang Food Express dito sa La Francè University. Plus the food, mukha at amoy pa lang ay masarap na!

"Hindi ko alam na may ganito pala." Saad ko habang ginagala ang tingin sa paligid. Umorder ako ng pork sisig at java rice.

Ngumiti siya. "Sabi na e, magugustuhan mo rin dito." Sambit nito habang nakapila.

Umupo kami sa may dulong parte ng Food Express, para siyang sizzling-an type. Maraming ulam na choices, tapos may mga banda na nakadikit sa wall. naagaw ng Eclipse ang atensyon ko.

Pinagkakaguluhan din kasi ang ibang mga bumibili 'yon.

"Know them?" Seth suddenly asked.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon