Chapter 12

3.6K 91 0
                                        

Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok na galing pa sa labas ng kwarto ko, mula kanina ay pabalik balik ang mga maid dito sa mansyon upang gisingin ako.

Inis akong nagkumot.

"Leave me alone!" Sigaw ko.

But I was shocked when the door opened, nanlaki ang mata ko. Handa ko na sanang singhalan kung sino man ito. Pero nagulat ako nang bumungad si Daddy.

"Ano na ang plano mo?" Tanong nito.

Ngunit hindi na gan'on kalakas. Kalmado na siya ngunit halatang nagtitimpi lang. Umayos ako ng upo at bumalik na sa pagkakahiga.

"It's seven thirthy five in the morning. Don't you have a class?" He asked.

Ayoko muna. Parang pagod na pagod kasi ang buong katawan ko.

"Or do you have plan to go to your home?" He asked again, nagtitimpi sa galit sa akin.

Tinignan ko si Dad. He's more serious but this time he's way calm. He gave me apologetic look, maybe that's because yesterday. Alam ko namang worried lang siya sa akin n'on, that's why he said that and also siya siguro ang nahihiya sa ginagawa ko kay Diordè.

Siya nga hindi nahiya na magdala ng babae sa bahay namin. They slept together pa nga e.

"Hindi muna ako uuwi." Saad ko bago tumayo na.

Hinawakan ko sa dalawang braso si Dad na handa pang makipagtalo sa akin. Tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko dahil gagayak na ako.

Nine o'clock pa ang pasok namin e. Tapos first subject is interior lightning, wala e ayon agad ang una naming subject.

Nag-ayos na ako mabilisan lang, suot ko ang uniform namin. I also comb my hair and face myself in vanity mirror.

Nang okay na ako sa itsura ko at dali dali na akong bumaba. Mahirap na dahil baka sermonan na naman ako ni Dad or baka magalit ito sa akin.

Umupo na ako sa hapag, ang laki ng table pero kaming tatlo lang ang kumakain. Nilingon ko ang mga maid.

"Upo muna kayo. Hindi ako sanay." Utos ko sa mga ito na halatang nagulat pa. Usually kasi ay maliit lang ang table namin ni Diordè e.

Umupo naman sila, binalingan ko si Dad at Mom na nakataas ang kilay sa akin. Muli akong ngumiti sa kanila bago nagsimulang kumain.

"Bakit kasi hindi ka na lang umuwi?" Dad started it again. "Kasal kana hija, kasal kana kay Jaxon." Dugtong pa nito.

Asawa? Sa papel. 'Yon ang mahirap dahil asawa ko lang 'to sa papel.

"Your action will reflect on each other. Dapat alam niyo ang ginagawa ng bawat isa." Saad pa niya.

"Tell that thing to him." Bulong ko. "Dad, I'll go school today but promise me one thing." Pagsusumamo ko.

"You will go with or without any condition Triofea you-" Tinakpan na ni Mommy ang bibig ni Daddy kaya natawa ako ng mahina.

"Shut up Philip!" Sambit nito dito. Dad just rolled his eyes. "What is it?" Baling sa akin ng Mommy ko.

"Mag-stay muna ako dito. Ako ang magsasabi kung kailan ako uuwi sa amin ni.." I cleared my throat. "..Diordè." Pilit akong ngumiti.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon