Chapter 29

2.5K 44 0
                                    

Am I too blind or nagbubulag bulagan lang sa nangyayari sa paligid ko? I noticed how everything changed between the group team, lumamig ang pakikitungo nila kay Diordè. Pansin ko rin ang pag-iwas ni Jonas sa amin.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at pinagsawalang bahala na muna, baka pare-pareho lang kaming pagod at kailangan magpahinga?

Nakasakay kami ngayon sa bangka de motor pabalik sa kabilang Isla sa Palawan. Naging maayos naman ang stay namin d'on. Inaasahan ko na aabot kami ng isang linggo or mahigit pa sa Isla na ito ngunit nagkamali ako dahil ikatlong araw pa lang sana namin, ngunit eto kami ngayon at pauwi na.

Nauna na daw si Jonas at Kuya Theo pauwi. Nakakapagtaka dahil ang bilis naman nilang tinapos ang lahat, gan'on lang ba talaga kadali 'yon or sadyang minadali lamang nila?

Humampas ang malakas na alon, nabasa ako ng bahagya dahil doon ngunit dahil wala ako sa sarili ay ni hindi ko man lang namalayan. Hinubad ni Diordè ang suot na sweater at sinuot 'yon sa akin.

"Tomorrow, we will go back to La Francè." saad niya sa tabi ko, napalingon ako sa kan'ya dahil sa sinabi niya.

Oo nga pala, once na makabalik kami pagkatapos ng project na 'to ay pwede na kaming bumalik sa La Francè. Malamang ay nauna na ring umalis sina Jonas at Kuya Theo dahil tapos na rin ang aayusin namin.

"Talaga?" Tanong ko dito.

Ngumisi siya at tumango, pilit din akong ngumiti nang milyon milyong alaala ang bumalik muli sa aking isipan.

I don't know, but the idea of coming back to La Francè is terrifying. Hindi ko rin alam kung ano ba ang kinakatakot ko, hindi din naman sa ayaw ko ng umuwi. It's just that, hindi ako masayang bumalik.

Maybe dahil pakiramdam ko ay bitin ang bakasyon namin? Pero halos isang buwan din kaming nawala sa La Francè. Marami akong hahabulin na school work for sure.

Nalaman ko rin na nakabalik na pala sila Mommy galing sa trip nila sa Canada, and Mommy said Cassi will go back to Canada and will live their for departure on there.

I remember how broken she was when the last time we talk. How is she? Pakiramdam ko ay konektado ito bagay na hiniling ni Cassandra sa kan'ya noon.

Her twin sister who died, years ago.

"What's on your mind?" Biglang tanong ni Diordè sa tabi ko, mabilis akong umiling habang nililingon siya. "Ang lalim ng iniisip mo." He wiggle his brows.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa shore, mabilis niyang inextend ang kamay at marahan akong hinila pababa.

Walang sabi sabi niya akong hinila papapunta sa penthouse na tinuluyan namin, pinindot niya ang elevator at sumakay kami roon.

Seryoso lang siya at deretso ang tingin, mukhang nagmamadali din.

"Sa'n tayo pupunta?" Takang tanong ko kasabay ng pagbukas ng elevator, hinila niya akong muli palabas.

"I wanna spend the remaining days we have together." Saad niya, "Before going back to La Francè, I want to create a beautiful memories with you."

Napangiti kaagad ako dahil sa sinabi niya, he cupped my face then kissed the tip of my nose, he then grabbed my hand to pull me inside the penthouse.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon