Chapter 23

2.7K 60 3
                                        

"She said let her go, fuck!" Isang matigas na boses ang nagpahinto sa bastos na lalaking nasa harapan ko. Napamulat ang mga mata ko dahil d'on.

Naglaglagan ang luha sa mata ko nang makita si Diordè 'yon. He's here!

Blangko ang mukha niya ngunit punong puno 'yon ng galit at lamig habang nakatingin sa lalaking may hawak sa balikat ko. Humawi ang daan nang umabante ito, nahinto din ang tugtog dahil sa naganap.

"Who are you?" Tanong ng lalaki, "Pare can you mind your own business? Find other girl over there because tonight? She's mine." Ngumisi ito at akmang hahalikan muli ako.

"Gago ka pala e!"

Hinila siya ni Diordè at walang habas na pinagsasapak. Bigla akong nanghina na naging dahilan kung ba't ako napaupo sa lapag, habang nakatingin lang sa kanila.

Pinaulanan siya ng sapak ni Diordè na halatang galit na galit. Walang sumubok na umawat sa kanila, kinaubawan ni Diordè at walang awang sinapak ito ng paulit-ulit.

"Gago! Hindi lang siya basta bastang babae! Subukan mo pang i-dampi 'yang madudumi mong kamay sa asawa ko, mamatay kanang hayop ka!" Galit niyang sigaw sa pagitan ng pagsuntok dito.

Tumayo na ako upang umawat, kahit nanghihina na ako at hindi na alam ang gagawin ay nakaya ko naman tumayo.

Kundi ko siya aawatin ay baka mapatay niya ang lalaki sa sapak niya!

Mabilis ko siyang nilapitan, nabitin sa ere ang kamao niya nang makita ako. Nilingon niya ako, nanlalabo na ang mata ko sa mga luha.

"Tama na," awat ko dito. Still shaking and crying, feeling scared.

Nanlambot ang mga palad niyang nakayukom habang nakatingin sa akin. He immediately looked away, he murmured a curse before he stood up.

He extended his hands to reach me, inabot ko agad 'yon. He helped me to stood up too.

"Pasalamat ka at 'yan lang ang ginawa ko sayong gago ka." He's fuming mad, nakagat ko ang labi ko. "I will make sure you will root in the jail, you fucking bastard!" He added.

Hinila na niya ako palabas. The tears are keep falling in my eyes. What stupidity I have done this time? Kung hindi ko pinairal ang tigas ng ulo ko ay hindi ako mapupunta sa alanganing posisyon! Fuck.

Nang makalabas na kami ay padaskol niya akong binitawan, galit siya. Galit na galit siya nang harapin niya ako.

"Tangina naman!" Sigaw niya sa akin, mabilis akong napapikit. Ngunit napamulat ako nang marinig ko ang mahinang kalabog.

He punch the wall! Mas lalong naglaglagan ang luha sa mata ko nang muli niya pang inulit 'yon. There's also a blood dripping in his hands.

I'm out of my words because I know I am in fault in everything happened to me. Hindi ako nag-isip, masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Fuck it.

"Paano kung hindi ako dumating? What will happen to you?! Fuck it Triofea, ni hindi ka man lang nagsabi!" Sermon niya sa akin. I cried, shit. Alam ko kasalanan ko.

Hindi ko inisip na may posibilidad na mangyari ang bagay na 'to. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Hindi ako nag-isip ng maayos.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon