Chapter 14

3.6K 95 2
                                        


Coreen was with me in the whole time. I decided to stay in their house for a while, ayoko muna kasing umuwi.

Medyo nahiya na nga ako kasi halos dito na ako, last week pa. Tito and Tito knows that I am staying here, hindi naman sila nagalit dahil wala rin daw kasama si Coreen sa bahay nila.

Ang ambag ko lang naman ay ang tumulong sa gawain bahay, or kaya naman ay samahan si Coreen mag-grocery which I always do naman in our house before.

Kaya eto pagka-tapos pa lang ng klase ay hinila na ako ni Coreen papuntang crystall mall. Ang sabi niya'y tulungan ko daw siyang bumili ng regalo para sa pinsan niyang mag-birthday next week.

"Ano sa tingin mo ang taste ni Max?" She asked. "You know, I'm having hard time to chose kasi. Hindi ko naman siya gan'on ka-close." She added.

"Huh? Hindi ko rin alam. Hindi ko pa nakakasama e." Kibit balikat kong sagot sa kan'ya.

Umiikot na kami sa crystall mall para bumili. Halos paikot-ikot na kami mula kanina pa ngunit wala parin siyang napipili para sa pinsan niya

Pinagtitinginan kami dahil suot pa namin ang uniform ng La Francè University. May iba pa ngang kusang napapalingon sa amin, siguro dahil sa suot namin or sadyang famous lang si Coreen?

Bigla kong naalala na na-cut na pala ang bank account ko dahil sa ginawa kong pagtakas sa bahay. Hindi naman nila ako hinanap nang sinabi kong gusto ko munang lumayo.

"You will go with me." Sambit nito.

Agad akong umiling bilang pagtanggi. May iba na kasi akong plano para sa araw na 'yon. Mamimili ako ng bagong set ng painting at pain brush. Pati narin ng sketch pad ko ay paubos na.

"Can't. Mamimili ako ng art supplies ko." Sagot ko dito.

Ngumuso siya. "Sa'n ka kukuha ng pera? Cut ang allowance mo!" Sambit nito. Halatang gustong gusto talaga akong isama sa party na pupuntahan niya.

"May ipon ako. I have my ways." Ngisi ko dito.

Hinila ko na siya sa may jewelry store. Siguro this will do? Hindi naman kasi gan'on kaarte ang pinsan niya. Isa pa, JHS pa lang 'yon sa LFH ah?

Nang dumeretso na kami sa Jewelry store, mabilis kaming nilapitan nang saleslady. Naisip ko lang naman siyang biruin, malay mo pumayag?

Tinuro ko ang isang kwintas sa saleslady, isa 'yong two layer silver choker necklace tapos ang design niya ay star at mood.

"Bilhin mo para sa akin 'yan." Utos ko dito. Binibiro ko lang naman siya. "Makukuha naman ako sa suhol." Sambit pa nito.

Nagulat ako nang kuhanan niya ng litrato ang kwintas. Tapos pumunta siya sa IG niya at mas lalong nanlaki ang mata ko nang i-send niya kay Diordè 'yon.

"Hoy!" Tingka kong agawin ang phone niya ngunit mabilis niya 'yong naiwas.

Wala na akong nagawa nang makitang na-seen na ni Diordè 'yon. Sinamaan ko si Coreen ng tingin ngunit ngumisi lang siya.

cbellèvillarueco: buy her something, nakukuha naman daw siya sa suhol.

cbellèvillarueco: sunduin mo na nasa amin. 176 Buzz street La Francè.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon