Yong tingin, ngiti at kislap sa mata ni Diordè lang ang nakikita ko hanggang makauwi ako ng bahay.
I busy myself on sketching, ngunit nakailang pilas na ako sa sketch pad ko ay wala parin akong nagagawang matino. Nakakainis.
Sumimsim ako sa apple juice na nasa gilid ko. Ang dami ko namang nilagay na flavor, pero bakit parang ang pait?
I can taste the bitterness. Familiar na ito kaya maging ang panlalasa ko ay naging apektado narin. Napangiwi ako.
May nakita na akong kahalikan ni Diordè but this one hurts me a lot. Dahil ba may involve feelings or dahil sa pinaramdam sa akin ni Diordè nang nakaraan?
Ang assumera ko talaga. Another false hope started to kill my happiness.
But you know what worse than what I saw? Pag-uwi ko ay naabutan ko sila dito bahay namin ng asawa ko. They're having some fun again inside of our house!
Sa inis ko ay bumaba na muna ako. Pati ang art work ko ay apektado. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?
"Babe," Suyo ni Sullie dito.
Napaatras ako upang magtago saglit. Wow, babe? Akin 'yan e. Babe?!
Hinablot kasi ni Diordè ang phone nito. May inayos 'yon d'on at kung hindi ako nagkakamali. Nilagay niya ang sarili bilang wallpaper ng phone nito.
"Yes?" Natatawang sagot naman ni Diordè. Inayos parin nito ang wallpaper ni Sullie. Sige, edi kayo na.
Dumeretso na lang ako. Grabe, ang sakit nila sa mata pati sa puso. Umayos ako ng lakad at umaktong walang pakialam, kahit ang totoo ay gusto ko ng magmakaawa na umalis na sila dito dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko.
"Nakakainis ka, babe!" Asar niyang sambit bago hinampas si Diordè na tawa nang tawa ngayon.
Sinadya kong dumaan sa harapan nila ngunit parang bula lang ako sa paningin nila. I was like, hey? I'm here oh? Broken?
Sumikip muli ang dibdib ko, I looked on how happy he is while pissing Sullie off. Ni hindi niya nga magawa ang tignan ako ng matagal, but look how whipped he is. Nakakapikon na.
Nahinto lang sila nang hinablot ko ang blazer ko sa may sofa. Diordè eyed me then my blazer. I just shrugged was about to go out when he asked.
"Saan ka pupunta?" He asked.
Ayan ka na naman e. Bibigyan mo na naman ako ng false hope sa mga bagay na hindi ko dapat i-assume. Hindi ko lang kasi maiwasan.
"Going to sparkle." Simpleng sagot ko lang.
"Huwag na, gabi na." Seryoso nitong saad habang nakatalikod parin ako.
"Saglit lang ako." Pilit ko parin.
Puta, ano na naman 'to Diordè? Pinapaasa mo na naman ba ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ang sakit sakit na!
"Tito will be mad if I let you go out at this hour." He said. I gasped. Okay? So 'yon pala 'yon? "Huwag makulit, Triofea." Sambit nito na puno ng diin.
I smiled a bitter one. "Fine." Walang gana kong saad bago naglakad patungo sa taas.
As if I can do anything about this?
Nang makapasok na ako sa kwarto ko. Nahampas ko ng malakas ang pader. Pero ako lang din ang nasaktan, I regret.
Ang sakit na nga ng puso ko. Ako pa mismo ang nanakit sa sarili ko, physically. Walang wala naman 'to sa sakit na dinaranas ko kay Diordè.
Am I really making this hard? What if I signed the divorce paper? Tapos umalis na lang ako para magpakalayo?
Pero paano ko gagawin 'yon? I just really can't leave without Diordè's by my side.
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...