Kinabukasan ay pumasok na ako ulit. Dumeretso muna ako sa registrar upang kunin ang requirements na kakailanganin kong i-take na exams.
Inabot sa akin ang kailangan kong i-take nang registrar. Binigay ko na rin ang excuse letter na pinapa-submit nila sa amin bilang requirement dahil nawala kami, nag-submit na pala si Diordè para sa aming dalawa bago kami umalis kaya wala na akong masyadong iintindihin pa.
Mahinang sapak ang binungad sa akin ni Coreen, nag-alala daw siya ng bigla niya na lang akong hindi ma-contact. Nawalan kasi ng signal sa kabilang isla that time too, tapos gabi na kami naka-uwi.
"Ano? ikakasal ulit kayo?!" Gulat na gulat na tanong ni Coreen.
Napatayo siya sa kinauupuan niya habang namimilog ang mga mata, dali dali ko siyang sinaway dahil naka-agaw siya ng atensyon bago dahan dahan na tumatango at nangingiti.
"For real naba this?!" Hindi parin siya makapaniwala, ngunit napangiti na siya ng kay lapad. "Girl! You're living out of your dream, hindi ka naman nagbibiro, hindi ba?" She said, hoping.
Umirap ako dito ngunit nakangiti parin naman bago tumango.. Mukha ba akong nagbibiro dito?
"Oo nga! Mukha ba akong nagbibiro dito Coreen Bridgette?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Nagulat ako nang magtatalon na siya sa tuwa dahil sa sinabi ko, mabilis akong tumayo at sinaway siya. Grabe talaga ang babaeng 'to! Kinahihiya ko na siya, ngayon ngayon lang talaga!
"Nakakahiya ka talaga!" Saway ko sa kan'ya.
Binalingan niya ako ng masamang tingin ngunit patuloy parin sa pag-sigaw sa tuwa. Mas masaya pa ata siya sa akin e. Ako nga chill lang dito.
Ang dami tuloy ng mga nakatingin sa amin dahil sa ginawa niyang eskandalo, umupo siya agad sa tabi ko at hinila niya pa palapit ang kan'yang upuan.
"Girl, tell me how?" Pangungulit niya agad. "Paano? Bigyan mo nga ako ng tips para magka-jowa na ako ulit! Paano makukuha ang crushie at maging husband?" Impit na tili nito.
"Just show that you're really inlove with him, I think 'yon lang ang sandata natin to win someone's heart. Sincerity, hindi puro date date at momol lang." Irap ko.
This girl is for real? Asking me for tips but we both know she can make every guy droll over her. Ayon lang, depende parin pala sa lalaki.
"Girl, ang haba ng buhok mo! Apak ko ka oh." Aniya sa akin. "Ako ang bridesmaid diyan, alright? Promise 'yan!" Nginisian ko lang siya bago tumango tango.
Halos magkwentuhan lang kami sa buong vacant namin na mabuti ay sabay ngayon. Sa iba naming minor class ay magkaklase kami dahil ako ang pumili ng schedule ko r'on. Mabuti nga't pinagbigyan pa ako ulit e.
"Anong plano mo? Alam naba nila Tita 'yan?" Tanong niya kalaunan, mabuti naman at kumalma na siya.
Mas grabe pa siya kung makareact kesa sa akin e! Sila ang unang nakaalam, I nodded while sipping on my soda in can.
"Yes! Pinaplano na nga nila ang lahat e." I said and can't help but to smile. "'Yong kasal namin ay pagka-graduate ni Diordè." Sabay kaming kinilig dahil sa huli kong sinabi.
"And the board licensure exam is approaching. Does this mean, there's chance that Jaxon will be a cum laude?" Tanong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...