CHAPTER 45
It's my birthday today. Imbis na nasa bahay ako para makicelebrate ay maaga pa lang umalis na ako ng mansion para sa interview ko.
"Hindi ba talaga pwedeng ipagpaliban 'yan?" Tanong ni Cassi, kakagising lang nito. "It's your birthday." Dugtong niya pa, nagsalin ito ng hot chocolate.
"Can't." Saad ko, pinabasa ko ang mensahe, napailing iling siya ngunit maya maya ay tumango rin.
"Alright, goodluck!" Saad niya.
Hinabilin ko ang dalawa sa dalawang personal maids namin, hindi ko naman sila pwedeng isama sa interview ko sa Art Gallery. So, pinasigurado ko na lang na huwag mawawala sa paningin nila ang dalawa.
"Yes, Ma'am." Magalang na saad ni Ara, tumango lang ako't lumabas na.
Dumeretso ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Actually ay hindi ko alam, kukunin ba nila ako bilang artist ng exhibition or I will just share contribution and my piece of my artwork on their Art Gallery? I really don't know.
Bumaba ako sa kotse ko't pumunta sa Art Museum sa Casa. Without any hesitation ay naglakad ako papasok sa loob, everyone's looking at me na halatang nagulat na makita ako.
"Siya si Triofea Lair, hindi ba?" Tanong ng isang babae na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"What do you mean? Hindi ba't kilala niya si Engineer?" Aniya naman ng isa.
Hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay napangiti ako. Kilala ko daw ang may-ari? Who would it be? Isn't great because I've known him or her?
Hindi na ako mahihirapan na kausapin man ito. Bahagya akong ngumiti sa mga nadadaanan ko upang magbigay ng galang. Pansin ko kaagad ang mga naggagandahang obra maestra ng mga kapwa kong artists.
Actually, kundi lang 'to malaking opportunity ay hindi ko naman ito iga-grab, there's also a lot of opportunity in states but maybe being in here is not bad at all?
Magaan din ang loob ko sa loob ng Art Museum, I wonder, where's Ms. Tsuverg right now? Isn't she the one who kept on texting and giving me an info about this?
"Where's the office?" Tanong ko sa babaeng nakasunod sa akin, halatang nagulat siya sa pagdating ko base sa reaksyon sa mukha niya, ngumiti ako.
"Ma'am? I'm sorry but Mr." Natigilan siya nang senyasan ito ng nasa front desk na babae, tumikhim ito, "I mean Engineer doesn't want any visitors right now."
"I'm in his schedule don't worry." Nakangiti ko paring saad, trying to be patient on this situation.
"Sorry Ma'am but---" pinutol ko ang sasabihin niya, inabot ko ang form at resumè ko sa mukha nito.
"I'm Triofea Lair Fortugues, tell that to that Engineer." Nawawalan na ako ng pasensya dahil tila nababastos ako.
Anong akala nila sa akin? Papasok ako dito upang kausapin ng nonsense ang may-ari? Hindi naman ako pupunta for some cheap stuff.
Umalis na ito sa harapan ko, naupo ako sa upuan na nakahilera dito sa lobby ng Art Museum. Nilingon ko isa isa ang mga tauhan dito na nakatingin ang lahat sa akin.
Dumating na ito maya maya, yumuko ito ng bahagya at tinuro ang daan.
"This way po Ma'am," magalang ngunit halatang kabado niyang saad, napakunot ang noo ko ngunit kalaunan ay ngumiti din ng malapad dito.
Dinaretso ko lang ang tinuro nitong daan, hindi ko alam ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam ako ng kaba.
Pagpasok ko sa office ay nakatalikod ang swivel chair ng CEO. Hindi man lang ito nag-abalang humarap.
"Good morning." Magalang kong bati, tumikhim ako ngunit nanatili itong nakatalikod, "Good morning, Sir." Bati kong muli, baka sakaling hindi niya lang ako narinig.
"Continue." Malamig nitong usal.
Nangilabot ako dahil sa familiar na boses na 'yon, para akong nanigas sa kinatatayuan ko, nawala din ang ngiti sa labi ko dahil sa boses na 'yon.
Iginala ko ang paningin sa buong office nito, may namuong kaba sa dibdib ko nang unti unti kong marealize kung sino ang lalaking nakaupo sa swivel chair na 'yon, pinilig ko ang ulo ko.
Hindi pwede! Paano magiging siya 'to kung gayong hindi naman siya mahilig sa Art nang huli naming pagkikita?
Ngunit nadako ang tingin ko sa name plate na nasa harapan nito, napalunok ako sa nabasa at tuluyan ng nabitawan ang mga hawak kong papel.
Engr. Jaxon Diorde Ellianor. CEO.
Sakto naman na lumingon siya, unti unti at mabagal lang 'yon at siyang naging dahilan upang makapos ang hininga ko. Umayos ako ng tayo, dahan dahang pinulot ang mga papel na nalaglag ko.
"I'm sorry, I guess I entered a wrong office." Mabilis at kapos sa hininga kong sabi ni hindi man lang nag-abalang lingunin ito.
Palabas na ako nang marinig ko siyang magsalita mula sa loob, kinilabutan ako sa boses na gamit niya.
"Ms. Fortugues, it's all about business and your career, why don't we be casual and professional?" Malamig niyang saad, napalunok ako. "This matter doesn't concern each of us, got that?"
I gathered all my strength to face him, mabilis akong humarap dahil sa sinabi niya, I showed him my sweetest smile.
"I guess I'm mistaken you by someone else." Mahina kong saad, "But alright, do you need to interview me or I'm accepted? Based on what you've said earlier, we work as a team and as professional, does that mean, I'm hired?"
Kitang kita ko ang paggalaw ng panga niya, dumilim din ang reaksyon niya ngunit hindi sapat 'yon upang manginig ako sa takot katulad ng dati.
"Yes, you're qualified." Nakangisi na siya ngayon, "As a team? Your an artist while I'm the CEO, do you think we can be a good team?" He asked, as if he's insulting me and my position.
"You offered it first." Sambit ko naman, I swear, I will be back as a same naive girl. Pero tama siya, I should act professional based on our degree. "I'm glad to be back, Engineer Ellianor."
Mas lalong dumilim ang mukha niya, lumapit ako, hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi ko, nilagay ko ang papel sa harapan niya.
"Sign it." Mahina kong bulong, I smirked when I saw how mad he is, magalit ka lang sa akin, "Then we're casual, Engineer Ellianor."
Naglakad na ako palabas, kumalabog ng sara ang pinto na naging dahilan upang manghina ang tuhod ko, ang malupit at marahas na pinapakita ko kanina ay biglang naglaho. Nawala na ang sinuot kong maskara na patuloy kong susuotin.
Nakagat ko ang labi at umayos ng tayo, tama naman ito sa sinabi niya. Matagal na 'yon at nang mangyari 'yon. Hindi na kami bata upang magtanim ng masamang ala-ala, at para sa career ko, I should act as professional, dahil ayon dapat ako, hindi ba?
Bumalik ako dito for my job and family. It's not about him anymore, but why my heart telling me otherwise?
Napahawak ako dito.
You should stop beating for a wrong person. Hindi na siya ang dati mong minahal, malupit na siya, mas malupit na siya kaysa sa dati.

BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomansaIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...