Chapter 05

3.9K 91 10
                                        


I was surprised when Seth gave me a ride in front of our gate. Hindi ko alam na alam pala niya ang bahay ko, paano?!

Agaran akong bumaba, mabilis kong ginala ang paningin sa paligid. Then I saw Diordè's car was park inside of our house, Diordè is home!

Binaba ni Seth ang bintana ng kotse niya, nahihiya akong ngumiti sa kan'ya.

Mabuti na rin na tumila na ang ulan. May konting ambon man but I can manage naman.

"Thank you sa paghatid." Saad ko dito. "Wanna go outside to get something to drink?" I asked.

But deep inside I'm afraid, I'm doom if that happens! I mean, I don't want to be rude but he'll find out I'm married na, which is hindi dapat mangyari.

Baka magalit si Diordè.

"Nope, I'm cool." Sambit nito bago ngumiti, "Wala 'yon pretty, anytime." Dugtong niya pa bago kumindat.

Ngumuti ako't sumenyas na papasok na ako sa loob. Ngunit pag-talikod ko ay tinawag na niya ako ulit.

"Triofea?"

Lumingon ako. "Yes?" Baling ko.

Lumabas siya ng kotse niya bitbit ang blazer ko. Oo nga pala muntik ko pang malimutan.

"You forgot your blazer." Saad nito bago inabot sa akin 'yon, tinanggap ko naman 'yon agad. "I'll go ahead." Paalam niya pang muli.

Tumango lang ako, binigyan niya ako ng malumanay na ngiti bago pumasok sa loob ng kotse niya't pinaharurot 'yon palayo. Wala sa sarili akong nakatingin lang sa papalayo niyang kotse bago pumasok na sa loob.

Nakakapanibago dahil mas naunang umuwi si Diordè kaysa sa akin ngayon.

Dumeretso ako sa loob ng kwarto namin upang magpalit sana ng damit.

I feel so exhausted, I'm tired to the point all I want to do is to sleep.

I'm currently entering our room when the door suddenly opened, medyo nagulat pa ako dahil d'on.

Bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Diordè, mabilis akong lumihis ng daan dahil sa gulat.

I was shocked when he grabbed my waist and turned me around to face him, nagulat talaga ko dahil sa ginawa niyang 'yon!

In one swift of motion I'm now facing his chest. Mas matangkad siya sa akin kaya kailangan kong tumingala upang makita ang mukha niya.

Matiim ang titig niya nang magtama ang mga tingin namin, puno 'yon ng diin kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa mga oras na 'to dahil sa tingin niyang 'yon.

"Why are you so late?" Tanong niya, hindi parin binibitawan ang bewang ko.

I froze for a moment. I can feel his palm in my waist that I couldn't able to move or what. Nahila ko pa ang hininga ko.

"Meeting." I almost stutter when I said that. Ano ba 'yan?

"Stop lying!" Saad niya, napapikit siya na tila nagpipigil ng inis, "Damn it!"

Lie? Kailan ba ako nagtago sayo?

I want to ask that question but wala akong lakas ng loob upang itanong 'yon. Hindi ako sumagot bagkus nilabanan ang mga tingin niya.

Binitawan niya ang bewang ko't pumasok nang muli sa loob ng kwarto.

Paglabas niya ay may dala na siyang brown na envelop. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko nang mapagtanto kung ano ang hawak niya.

"What's that?" Tanong ko sa kanya, I tried my best not to tremble but I felt that my knee weakened.

"Let's get separated." Sambit niya, "Just sign in, don't worry I'll be the one who'll work to finish it as soon as possible!"

Padabog na sumara ang pintuhan ng main door ng bahay namin, para 'yong naging dahilan ng dahan dahan kong pagdausdos pababa.

I smiled but there's a hot liquid started to fall in my cheeks. Napatitig ako sa envelop na inabot niya sa akin bago ngumiti ng mapait.

Ito na ba ang kinatatakutan ko? Na siya mismo ang sumuko sa amin?

I don't want to lose him this way. No, I won't sign this paper because he told me so, I will never sign this!

Not now, that he became my world, he's my source of strength, happiness, sadness, and pain. Siya ang naging pundasyon ko ng lahat, when he's beside me, I feel safe and secured. Iniisip ko pa lang na mawawala na ito sa piling ko'y pakiramdam ko tinatakasan na ako ng ng bait.

Ang manhid ko talaga.

Iyak lang ang tanging ginawa ko, bakit ba paulit ulit na nababasag ang puso ko kahit basag na 'yon? As it it will turn into ashes anytime. But I will endure the pain in order to keep him.

Hindi hindi kita susukuan, lalo na ngayon pang asawa na kita, never Jaxon Diordè Ellianor.

-

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko, nasa malambot na akong kama ngayon.

Bahagyang nakabukas ang bintana sa aming kwarto--teka? Papaano ako napunta sa kwarto namin? I remembered I slept in the couch while waiting for him.

Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang mahimasmasan ako, nasa kwarto na ako ngayon! Ngunit kaagad din akong nagsisi dahil kumirot ang sentido ko dahil sa biglaang pagtayo.

Kumalabog ang dibdib ko sa ideyang pumasok sa isip ko, hindi kaya?

Biglang bumukas ang pinto, ngunit naramdam ko ang disappointment nang iba sa inaasahan ko ang nakitang pumasok doon.

Seryosong mukha ni Coreen ang bumungad sa akin, may dala itong tray na naglalaman ng breakfast at isang basong tubig. Mabilis na kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang niluto niya.

Atsaka ko naalala na hindi pala ako nakakain kagabi kakaiyak, hinayaan ko ang sarili na umiyak magdamag.

"Anong mukha 'yan?" Nakasimangot niyang tanong, "Mukha kang nalugi." Dagdag niya pa bago marahang lumapit at nilapag ang pagkaing dala niya sa gilid ng mesa ko.

Binalingan ko siya ng saglit na tingin, "S-si Diordè?" Tanong ko nang mapansing wala ito ngayon.

Kita ko kaagad ang pagbabago ng expression ng mukha ni Coreen, kung kanina ay nakasimangot ito ngayon naman ay seryoso na muli ang kanyang mukha.

"Hanapan ba ako ng nawawalang hayop?" Walang bakas na biro niyang tanong bago umirap, "Hindi siya umuwi." Dugtong niya pa, napayuko ako dahil doon. "Don't tell me that you're expecting him to take care of you?" Hindi makapaniwalang tanong niya ng mapagtanto ang isang bagay.

Tumango ako, what's the point of lying anyway? I can't perfect the art of lying but art of denying, maybe?

Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Coreen, puno ng awa at disgusto ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon.

"Stop it! Ang tanga mo!" Irita niyang sambit, may naglalagan na luha sa mga mata niya na siyang naging dahilan ng pag-iwas ko ng tingin. "Ikaw nga 'tong hindi maganda ang kalagayan dahil sa magaling mong asawa!" Sigaw niya.

Nanghihina akong napasandal sa headboard ng kama, muling bumalik ang ala-ala na nangyari lang kagabi. Kung gaano kadesidido ang mga mata niya habang sinasabi ang linya na 'yon.

Yes I ruined his life, dahil sa biglaang kasal na 'yon. I ruined everything he had. Alam ko naman na hindi ako kasali sa mga pangarap niya never akong magiging parte sa bawat plano na gagawin niya dahil sampid lang ako sa buhay niya!

I'm just one of his resposibilities he need to take care of, he's obligue to marry me because that was an order from his father. That's all.

"Kailan ka ba babalik sa dati?" Tanong niya pa, "Maybe you found him, but you lost yourself, Triofea!"

I was guilty, beyond guilt is eating my system. Another roll of tears started to fall once again, I used to cry and the wound in my heart still unheal yet I'm adding another bruises on it.

Siguro nga tama si Coreen, I'm stupid, gaga, tanga and bobita. But people tend to do such things when they are madly inlove.

I'm just a victim of love but the sad truth is, it's too painful and hurtful to handle.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon