Chapter 06

3.8K 106 9
                                    

Two months have passed since that happened, but there's no sign of Diordè coming back into our house, he never come home atleast once in that month.

Ang dalawang buwan na 'yon ay ordinaryong buwan lang para sa iba ngunit iba ito sa akin, ibang iba dahil sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong lumalaki ang takot ko, walang din oras na hindi ko siya inalala, I wonder where is he right now? Is he alright?

I tried my best to focus on my study, nagfocus ako sa pag-aaral kesa kulungin ko ang sarili sa lungkot.

But I admit in that past few months na he's not coming back, pakiramdam ko ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko.

Masakit lalo na't dahil sa nangyari ay naging malaking epekto 'yon sa araw araw kong buhay. I used to feel this pain since the day I decided to love him. Walang araw na hindi ako nasasakatan.

Is that possible? To be hurt and happy at the same reason and same person?

I missed him. I really do. But I will let him to do what he wants. Kung ayaw niyang umuwi, I will give the freedom he truly deserves.

Napasandal ako sa upuan na kinauupuan ako, what should I do?

Sa dalawang buwan pakiramdam ko ay nag-iisa ako, narito si Coreen upang damayan ako sa pag-iisa ko pero hindi sapat ang presensya niya upang mapawi ang lungkot at bigat na nadarama ko.

Maybe fairy tale doesn't really exist, stories that we read on a book will never exist. It's just a fiction, gawa gawa lang kumbaga.

This is my reality, a painful reality.

My heart is so heavy, I don't know how to lessen this pain. Napahinga ako ng malalim ng biglang tumunog ang doorbell mula sa labas.

Napakunot ang noo ko, baka si Coreen? Sinilip ko ang phone ko, baka kasi papunta pala siya ngayon dito pero wala naman siyang text or pasabi. Nakakapagtaka naman dahil sa tuwing bumibisita siya ay nagsasabi muna ito.

Nagkibit balikat ako't tinungo na ang pinto, hindi pa din matigil sa pag-doorbell kaya nakaramdam ako ng konting inis, excited?

"Wait lang, Coreen!" Sigaw ko habang palabas. "Sisirain niya pa ata." Bulong ko sa sarili.

Pabukas ko ng gate ay namilog ang mga mata ko, hindi si Coreen kung hindi si Diordè ang nasa harapan ko ngayon! Mabilis nawala ang ngiti sa mga labi ko.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Diordè, gaya ng dati wala pa ring pinagbago ang ekspresyon sa mukha niya, he smiled mockingly to me.

"Babe, Let's go?" Aniya ng biglang may sumulpot na babae, humalik ito sa pisngi ni Diordè sa mismong harapan ko pa.

Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib dahil sa nakita, mabilis akong tumalikod at tumabi ng konti upang bigyan sila ng daan.

Who's this girl? Bakit kayang kaya niyang halikan ang asawa ko sa mismong harapan ko pa? At bakit hindi man lang kumontra si Diordè?

Dumaan na sila papasok na para lang akong isang hangin, this hurts like hell. Napapikit ako nang makita silang masayang nagkekwentuhan papasok sa loob ng bahay namin.

Sinara ko na ang gate at sumunod sa kanila, namukha tuloy akong maid. Sige lang Triofea, d'yan ka naman magaling hindi ba? Ang magpakatanga.

Baka naman kasi magkaibigan lang sila. Ngunit muling sumikdo ang sakit sa dibdib ko, may magkaibigan bang humahalik sa pisngi ng kaibigan?

Nasa america ba sila? Medyo liberated.

Pagpasok ko ay nakahiga si Diordè sa hita nang babaeng dinala niya dito sa bahay, for real? He brought his mistress in our house?!

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon